Noong July 5, 2019 nagbigay ng pre-registration seminar ang Cooperative Development Authority (CDA) sa SEDPI. Labing walong SEDPI employees ang dumalo sa training na inilahad sa Trento branch, Agusan del Sur.
SEDPI Coop registration
Magreregister ang SEDPI ng kooperatiba upang tugunan ang kakulangan ng investment options para sa mga Filipino lalung-lalo na ang mga OFWs. Ito ang sagot ng SEDPI sa problema ng bansa laban sa laganap na mga investment scams.
Ito ang mas mabilis na paraan upang sumunod sa batas at patakaran ng gobyerno tungkol sa investments. Ginagawa ito habang inireregister ang secondary license ng SEDPI Development Finance, Inc. (SDFI) bilang issuer ng Iox
SEDPI Group of Social Enterprises
Magiging pang-anim na member organization ng SEDPI Group of Social Enterprises (SEDPI GSE) ang SEDPI Coop. Ang overall vision ng grupo ay “economic empowerment for Filipinos worldwide.”
Social Enterprise Development Partnerships, Inc. ang mother organization ng SEDPI GSE na itinatag noong July 30, 2014. Ito ay isang research, training and consulting organization na may expertise sa mga sumusunod: microfinance, social entrepreneurship, financial literacy, disaster management at climate change adaptation, gender empowerment at microenterprise development.
Ipinanganak ang SDFI noong March 10, 2008. Nagbibigay ng financial services sa mga microenterprises sa Agusan del Sur at Surigao del Sur; at microfinance institutions nationwide.
Sunod na na-establish ang SEDPI Social Enterprise Ventures, Inc. (SSEVI) noong March 30, 2012. Ito ang ginagawa ngayong real estate company ng SEDPI GSE kung saan may mga residential and commercial properties for lease; at socialized housing development.
Noong January 2, 2013 itinatag ang SEDPI Foundation, Inc. (SFI). Ang SFI ay nagbibigay ng financial literacy programs at isa din itong publisher.
Ang SEDPI Pte. Ltd. ay ang unang korporasyon ng SEDPI GSE na naitatag sa labas ng bansa noong February 1, 2016. Ito ay naka-register sa Singapore at nagsisilbing tagapagtaguyod ng Ateneo Overseas Filipinos – Leadership, innovation, Financial Literacy and Social Entrepreneurship (Ateneo OF-LIFE formerly known as Ateneo LSE) program doon.
SEDPI Coop products and services
Magbibigay daan ang SEDPI Coop na makapag-invest ang mga Filipino lalo na ang mga Overseas Filipinos sa mga kooperatiba, microfinance institutions at social enterprises sa Pilipinas. Nakafocus lamang sa social investments ang mga i-ooffer ng SEDPI Coop.
Balak ding kumuha ng group insurance ng SEDPI Coop para sa mga miyembro nito upang magbigay ng murang insurance products. Dama ko kasi ang hirap ng karamihang sumuri at kumuha ng maayos na insurance product.
Common bond of membership
Mauunang magiging member ng SEDPI Coop ang mga 50 empleyado nito. Labing lima sa kanila ang magiging cooperators at sa kanila din hahalaw ng mga key officers and management.
May halos 7,000 members ang SEDPI Foundation, Inc. mula sa hanay ng mga microenterprises at tinatayang 500 ang mga OFW members. Sila ang susunod na magiging members.
Open to public
Nationwide ang scope na in-applyan ng SEDPI sa CDA dahil ibubukas ang membership sa publiko. Pero ang mga miyembro ay kinakailangang mag-undergo muna ng training on financial literacy (live or online) bago sila papayagang makasaki sa kooperatiba.
We hope that through SEDPI Coop mapapalaganap namin ang pagtaas ng financial education level ng mga Filipino saan man sa mundo. Inaasahan din naming makapagbigay ng maayos na social investments na pupuksa laban sa mga investment scams.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent