Paano magagamit ang time deposit bilang bahagi ng iyong investment portfolio

Ang time deposit ay isang savings product ng bangko na nagibigay ng mas mataas na interest rate kumpara sa regular saving deposit kapalit ng pagpayag na hindi gagalawin ang deposito sa loob ng isang takdang panahon.

Covered ng Philippine Deposit Insurance Coporation (PDIC) ang time deposit sa bangko hanggang sa halagang PhP500,000. Dahil dito, isa sa pinaka-secure na investment.

Kailan dapat ginagamit ang time deposits?

Emergency fund

Mainam na gamitin ang time deposit para sa emergency fund. Liquid ito dahil madaling i-pre-terminate at most of the time hindi rin nababawasan ang idineposito dahil ang penalty ay sa interest rate na kikitain pinapataw.

Education of children

Para sa mga nagiipon para pang-kolehiyo ng mga anak, kailangang ilagay na sa time deposit ang pondong nakalaan sa time deposit kung less than three years ay gagamitin na ang pera. Maari din itong ilagay sa mutual fund pero siguraduhing sa money market fund ito ilalagay, hindi sa balanced fund o sa equity fund.

Retirement fund

Para sa mga nag-retire na, kailangan nang protektahan nang husto ang kanilang retirement fund. Para sa akin, mainam na ilagay na sa time deposit ang malaking bahagi ng retirement fund kapag umabot na sa retirement age.

Ito ay dahil sa security at liquidity feature ng time deposit. Sa ganitong estado, hindi na dapat tumataya masyado sa riskier investments ang mga nasa retirement age na dahil kulang na ang oras nilang maka-recover.

May mga time deposit na nagbibigay ng monthly or quarterly interest sa halip na hintayin ang pagtatapos ng termino bago ito ibinibigay. Dahil sa feature na ito, nakapagbibigay ng maayos na cash flow ang time deposit.

I take advantage of the tax exempt feature of long term time deposits. Kapag more than five years kasi ang term o placement, wala nang withholding tax na 20% sa interest na kikitain.

Sir Vince’s use of time deposits

My personal strategy is to save in rural banks dahil mas mataas silang magbigay ng interest. Sa halagang PhP500,000 nasa 1.00% to 1.50% per annum lang ang interest sa five year term. Sa rural banks, ito ay nasa 4% to 7% per annum.

I have the bank settle the interest earned in my savings account so I can make use of it to invest more or to spend. Ito rin ay para siguradong PhP500,000 lang ang nasa rural bank at ito ay fully covered pa rin ng PDIC.

8 Comments

  • Leah Marie Di Maria says:

    Hi Sir Vince, Good day! Sir, paano po malalaman na good standing ang isang rural bank? Can you give me a hint or idea, which and where? Thank you Sir.

  • Marilyn says:

    Hi Sir Vince, thanks a lot sa mga shineshare mo. It really helps a lot to me as an ofw on where my earnings should go. May inooffer kase ang PAg-ibig, its like time deposit din payable for 5 yrs with an interest of like 6.2% per annum. And any amount pwedeng ideposit. Its tax free. What do you think about this? Thanks for your reply.

  • Girlie aliguin says:

    Sir, tanung lang saan mas ok time deposit para education. Or kukuha k ng plan para sa education.tnx u

  • July111976 says:

    Ano ano po ang mga rural bank?

  • Maria Andes Tejereso-Caspe says:

    A blessed day sir Vince, maraming salamat sa idea na ito. Emergency funds and a good portion of my savings for retirement must be in time deposit. Since i started following you advice, my financial situation is getting beter. God bless you more.

  • Belen Mancia says:

    Hello! Sir Vince, good day po if ever na ilagay ko sa Rural bank ang pera ko as time deposit for seven years, allowed ba na kunin ko ang interest ng pera ko monthly. Thanks and God bless.

  • roxanne says:

    sir vince, for example po na bankrupt ung rural bank na pinag investment mu sure po ba na mababawi mu ng buo ung nilagay mu sa time deposit at makukuha mu din ng buo ang lahat ng interest?

Leave a Reply

%d bloggers like this: