Ang VUL o Variable Universal Life insurance ay isang insurance na may kasamang investment. Marami ang kumukuha nito dahil ito ang madalas i-promote ng mga insurance companies at marami ang naaakit dahil sa two-in-one formula na bigay nito. (Basahin: Bakit mahal ang VUL?)
Napaka-vocal ko sa pagtutol sa VUL dahil sa napakasimpleng rason, may mas magandang paraan kung paano magkaroon ng insurance at investment na hindi kinakailangang magbayad ng mahal na commission at magtiis sa mababang insurance coverage. (Basahin: Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL)
Tinanong ako ng isang insurance agent kung kailan ako papayag magkaroon ng VUL. Ito ang isinagot ko sa kaniya. (Basahin: Paano pumili ng mabuting insurance agent)
Pareho ang fund value na makukuha kumpara sa BTID
Sa VUL kasi, ang fund value mo sa first year ay hanggang 10% lang ng ibinigay mong premium. Sa second year ay hanggang 25%. Saka lang magiging 100% ang allotment sa fund pagkalipas ng tatlo hanggang limang taon. (Basahin: aanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?)
Malaki ang epekto nito sa kliyente dahil nagsisimula sa maliit na base ang investment portion ng VUL samantalang kapag nag-BTID, malaki ang base. Sa investment may tinatawag na basing effect kung saan, mas malaki ang kakalabasan na amount ng investment kapag malaki ang base amount dahil sa compounding. (Basahin: Pagkakaiba ng savings sa VUL)
100% liquid ang investment portion
Sa VUL ang investment mo ay magkakaroon ng sangkatutak na fees and charges kapag kinailangan mong i-withdraw ang fund value nito. This gives the investor very limited elbow room kung sakali mang biglaang kailanganin ang investment. (Basahin: Why Not VUL?)
Life throws us curved balls at times. Kaya kinakaliangan natin ng flexible and liquid investments para matulungan tayo sakaling dumating ang mga di inaasahang pangyayari.
Ang investment dapat ay nakakatulong magpagaan sa mga ganitong pangyayari sa buhay at hindi yung dadagdag pa nating pasanin. (Basahin: Paano pumili ng tamang investment product)
Kapag BTID ang ginawa, makakapili ng investment na madaling ma-convert sa cash and at the same time wala gaanong fees na kailangang intindihin.
Pareho lang ang komisyon ng insurance agent
Isa sa mga dahilan kung bakit mahal ang VUL ay dahil malaking portion an ibinabayad sa una hanggang limang taon na premium ay napupunta bilang commission ng insurance agent.
Sa katunayan, may mga insurance agents akong kilala na hindi kukuha mismo ng VUL kung hindi nila mapapakinabangan ang commission mula sa pagbili nila nito. Bagay na hindi matatamasa ng karaniwang tao. (Basahin: Paano pumili ng insurance agent)
Kapag pareho na ang komisyon na makukuha ng insurance agent kung magbebenta siya ng term insurance at ng VUL, isang senyales na ito na gumaganda na ang mga VUL products.
Magbibigay ng sapat na insurance coverage
Ang mga bumibili ng VUL ay unang na-attract sa investment proposition nito kaysa sa insurance coverage. Although, lagi ko nang sinasabi that once can perform better kung BTID strategy ang gagawin.
Nauuna tuloy na ma-prioritize ang pag-iinvest kaysa sa pagkuha ng tamang insurance coverage – bagay na kailangang-kailangan ng lahat. Kung talagang kapakanan mo ang inuuna ng insurance agent, bibigyan ka niya ng sapat na insurance coverage batay sa kalagayan mo.
As a rule of thumb, yung mga may dependents ay nangangailangan ng at 10 years equivalent ng kanilang salary as insurance coverage dahil ito ay income replacement sakaling may masamang mangyari sa kanila. (Basahin: Magkano ba dapat ang life insurance?)
Nagbibigay ang term insurance ng humigit kumulang sampung beses na life insurance coverage kumpara sa VUL.
Pag-asa na maging sulit ang VUL
Naniniwala ako na darating ang panahon na ang VUL ay magiging katulad na ng BTID. Pinagdarasal ko na sa lalong madaling panahon ay maging viable BTID strategy ang VUL. (Basahin: Paano gawin ang BTID)
Pero sa ngayon, malayo pa ito sa realidad. Kaya hangga’t sa VUL – mababa ang fund value; hindi liquid at maraming charges sa investment withdrawal; mababa ang insurance coverage; at mataas ang komisyon na nakukuha ng insurance agent kumpara sa term insurance; BTID pa rin ang gagawin at iminumungkahi kong strategy.
sana noo n pa kita nafollow si sir vince,nakakuha na ko VUL.