Usapang Pera with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. The show reaches out to people who would like to understand more about managing their personal finances.

Season 2 Episodes

Episode 1: Paano umutang nang tama
Sa episode na ito, binigyan ni Sir Vince ng payo si Sinon ng tips kung paano magpautang nang tama upang siguradong mabayaran at hindi masira ang relasyon.

 

 

 

Episode 2: Invest in yourself
Tinuruan ni Sir Vince si Nicole kung paano mag-invest sa sarili para mapaganda ang kaalaman at kakayahan. Sa ganitong paraan, mas mapapaghandaan at mapapakinabangan ang mga investments.

 

 

 

Episode 3: Pera progress mastery
Self-mastery, situation mastery at pera mastery – ito ang stages ng pera progress mastery framework ni Sir Vince. Alamin kung paano ito naa-apply using the life experience of Sinon from rags to riches”

 

 

 

Episode 4: Kawanggawa
Magandang magbigay sa kawanggawa. Pero paano kung ikaw ay walang-wala, ano ang puwedeng gawin? Sir Vince teaches Sinon on how to help kapag hindi pa ready financially.

 

 

 

Episode 5: Social Security System
Fresh sa pagkakapanalo niya bilang 1st runner up sa Miss Grand International, Nicole asks Sir Vince about the importance and benefits of the Social Security System.

 

 

 

Episode 6: PhilHealth
Ibinahagi ni Nicole ang kanyang mga ideya tungkol sa PhilHealth at dinagdagan pa ito ni Sir Vince ng kanyang mga kaalaman tungkol dito. Paano ba ito masusulit at mapapakinabangan?

 

 

 

Episode 7: Outfit of the Day (OOTD) Tips
The King of Catwalk shares his OOTD budgeting tips with Sir Vince. Malalaman sa episode na ito na hindi naman pala kinakailangang parating nagsa-shopping at gumastos para maayos ang pustura.

 

 

 

Episode 8: Paano Magsimula ng Negosyo
Sa episode na ito, ibinahagi ni Sir Vince kay Nicole ang mga dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang sinisimulang negosyo.

 

 

 

Episode 9: OWWA
Ipinaliwanag ni Sir Vince kay Nicole kung ano ang OWWA at kung paano ito nakakatulong sa Overseas Filipino Workers.

 

 

 

Episode 10: Katangian ng mga Negosyante
Ano nga ba ang pinagkaiba ng isang negosyante sa isang manager? Nagbigay ng gabay si Sir Vince kay Nicole kung ano ang ipinagkaiba ng negosyante at manager at anu-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang negosyante. 

 

 

 

Episode 11: Pag-IBIG Fund
Ano nga ba ang Pag-IBIG? Paano ito nakakatulong sa mga Pilipino para magkabahay? Pinag-usapan nina Sir Vince at Nicole ang mga guidelines na dapat tandaan kung balak kumuha o magpatayo ng bahay.

 

 

 

Episode 12: Sikreto sa Tagumpay
Itinuro ni Sir Vince kay “King of Catwalk” Sinon Loresca kung anu-ano ang apat na K na kailangan niyang malaman upang masigurado ang kanyang tagumpay sa buhay.

 

 

 

Episode 13: Pwersa ng Negosyo
Sa episode na ito, ipinaliwanag ni Sir Vince kay Nicole anu-ano ang pwersang bumubuhay sa negosyo at gaano ito ka-importante para sa mga nagbabalak magnegosyo.

 

 

 

Episode 14: Paano Kumikita ang Negosyo
Ano ang kaugnayan ng “Patong”, “Ikot” at “Laway” para malaman kung kumikita nga ba ang isang negosyo. Ito ang pinag-usapan nina Sir Vince at Nicole sa episode na ito.

 

 

 

Episode 15: Why not VUL?
Sa episode na ito, ipinaliwanag ni Sir Vince kung ano ang ipinagkaiba ng insurance at ng pre-need plan at kung bakit hindi inirerekomenda na kumuha ng VUL, isang klase ng insurance.

 

 

 

Episode 16: Feature Video about Sir Vince and SEDPI
Sa episode na ito, ibinahagi ni Sir Vince ang kanyang mga naging karanasan na dahilan upang mabuo ang adbokasiyang tulungan ang bawat Pilipino na maging “financially literate”.

 

 

 

Episode 17: Tying the Knot
Financially compatible ba kayo ng iyong partner? Ito ang tanong na sinagot nina Sir Vince at Nicole upang malaman ang mga pamantayan kung “financially match” ka at ng iyong partner.

 

 

 

Episode 18: Vacation on a Budget
Kailangan bang malaki ang budget para sa isang bakasyon? Posible ba na makapagbakasyon na hindi ka gagastos ng malaki? Ito ang tinalakay nina Sir Vince at Nicole sa episode na ito.

 

 

 

Episode 19: Galit 
Sa episode na ito, ikinuwento ng Catwalk King na si Sinon Loresca ang kanyang mga karanasan noong siya ay nagsisimula pa lamang at kung paano niya ginawang positibo ang galit upang siya ay maging successful. 

 

 

 

Episode 20: Konsensya
Paano ginamit ni Sinon ang konsensya upang marating niya ang tugatog ng tagumpay? Ito ang kanilang pinag-usapan ni Sir sa episode na ito.

 

 

 

Episode 21: Gabay sa Financial Planning with Sinon
Tinuruan ni Sir Vince si Sinon, ang Catwalk King, kung paano gumawa ng financial plan upang mapangalagaan ang kanyang mga kinikita at ihanda siya sa retirement.

 

 

vincerapisura.com