was successfully added to your cart.

Cart

Mga kinakatakutan ng mga retirees at paano ito mabibigyan ng solusyon ngayon

Ilang beses na akong naimbitahan ng Department of Education at ng Monde Nissin (makers of Lucky Me and Sky Flakes) na magbigay ng seminar para sa mga empleyado nilang malapit nang mag-reitre.

Dahil dito, natuklasan ko kung anu-ano ang tatlong kinatatakutan ng mga retirees pagdating ng kanilang retirement. Ang mga ito ay ang problema sa kalusugan o pagkakasakit; kakulangan sa pera; at boredom o hindi alam ang gagawin kapag retired na.

Problema sa kalusugan

Maraming research ang magsasabing kapag inalagaan ang sarili noong bata pa sa paamamagitan ng pag-iwas sa bisyo at stress; pag-eehersisyo at pagkain nang tama – makakaiwas sa mga karamdaman pagdating ng senior years. Kaya dapat pangalagaan ang katawan habang bata pa.

Dapat ding maghanda ng health insurance pagdating sa senior years. Para sa akin, mas mahalaga pa nga ito kaysa life insurance. We want to be alive for our loved ones.

Sa kasamaang palad, napakalimitado ng mga options nating mga Filipino sa life insurance. Maganda na libre na ang ating PhilHealth kapag naging senior citizen na pero alam naman nating hindi ito sapat para tugunan ang lahat ng ating pangangailangan kapag may karamdaman.

Kung inabot na ng pagiging senior citizen at wala pang kahit anong health insurance coverage, tiyak na napakamahal na nito at marami na ring exclusions. Kaya dapat habang bata ay kumuha ng health insurance para marami pa ring masasaklaw na sakit kapag tumanda na.

Mainam din na pananggalang sa problema sa kalusugan ang pagkakaroon ng savings at investments na maaring ma-liquidate sakaling tamaan nito. This is the next best thing kung prohibitive na ang cost ng health insurance pagtanda.

Pero nangangahulugan pa rin na pinaghandaan mo ito noong kabataan mo.

Karaniwan ay di ako sang-ayon sa life insurance na may ctitical illness dahil napakalimitado ang kino-cover na mga sakit. Mas maganda pa rin na ang piliin ay health insurance na magbibigay ng coverage sa iyo sa pangkalahatan kapag ikaw ay na-emergency.

Kakulangan sa pera

Ang kakulangan sa pera ay function ng dalawang bagay – kakayahang kumayod o kumita at paggastos sa napiling lifestyle. Maaring i-adjust itong dalawa para magkasya ang pera.

Hindi talaga sapat ang SSS pension kung ito lang ang aasahan natin para tustusan ang ating retirement na mame-maintain ang nakasanayang lifestyle. Kaya babalik na naman ako sa premise kanina, dapat ay napaghandaan mo ang iyong retirement noong kabataan mo pa.

Kailangang magkaroon ng investments na kikita ng passive income hanggang pagtanda mo. Ito dapat ang isa sa mga pangunahin mong goals habang bata.

Mas madali para sa akin ang mag-isip ng karagdagang pagkakakitaan kaysa sa magtipid, dahil hindi pleasurable ang pagtititpid. Parusa sa pakiramdam ang magtipid.

Boredom

As always, planning ang sasagot sa problema sa pagiging bored kapag inabot na ng retirement. May tatlo akong tinitingalang mga tao at sila ay mas naging busy pa noong sila ay nag-retire. Sila ay sina Ms. Cristina Liamzon, Tito Edgar Valenzuela at si Mother Leila Rispens-Noel.

Nakita ko ang panahon na malapit na silang mag-retire at nakita ko na excited na excited sila. Hindi na pagpapayaman ang pinagkakaabalahan nila kundi ang mga bagay na nakakatulong sa community at sa mga mahihirap.

Pinaghandaan nila ito.

I suggest that you also imagine how your retirement would be like. Lalong-lalo na sa mga magreretiro na, isulat ang plano sa unang linggo ng retirement upang hindi manibago at may expected activities ka na.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang boredom na maaring magpatuloy sa depression. Bago pa magretire, humanap na ng mga makakasabayan o mga grupong maaari mong salihan para hindi mabagot.

Maaaring magvolunteer sa simbahan o kaya naman ay sa barangay.

Paghandaan ang retirement

Ang paghahanda sa retirement ay habang bata ka pa. Hindi ito nangyayari limang taon bago ka magretiro. Too late na iyon.

Ito rin ay hindi tungkol sa edad. Maaari mong pagplanuhan ang iyong retirment nang maaga.

Ang solusyon nito ay ang paggawa ng financial plan at pagsunod dito upang makamtan ang mga pangarap sa buhay.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: