Simula ng adulting age ang kapag nakatuntong na sa 30 edad. Dito nagsisimulang maging responsible ang mga tao at nagiisip ng long term. Marahil ay naiisip na tapos na ang pagiging galibanting sa kabataan at oras nang mag-seryoso.
Isa sa mga responsableng gawain sa personal finance ay ang pagkuha ng insurance. Mahalaga ito dahil ito ay nagbibigay proteksyon sa ating kalusugan, buhay at ari-arian.
Sa mga taong walang dependents, hindi naman talag kinakailangan ang life insurance. Ito ay dahil wala namang mawawalan o kailangang buhayin sakaling ikaw ay mamatay.
Health Insurance
Ang mas mahalagang magkaroon ka ay health insurance sakaling ikaw ay magkasakit at accident insurance sakaling may mangyari sa iyong masama pero hindi naman ikinamatay. Isa sa mga pinakamalaking gastusin ang pagkakasakit at pagka-aksidente at ito rin ang dahilan ng kahirapan.
May dalawang klase ng health insurance – emergency and preventive health care. Mainam na magkaroon ka ng dalawa.
Ang emergency health care ay ang coverage na makukuha mo sakaling ikaw ay ma-ospital o ma-confine. Ang preventive health care naman ay iyong pagpapa-check up at annual physical exam.
Mayroon ding tinatawag na hospital income benefit (HIB). Para sa akin hindi talaga ito health insurance kundi income replacement benefit. Ang ibig sabihin ay bibigyan ka nila ng katumbas na halaga na dapat ay kikitain mo bilang kapalit dahil ikaw ay nagkasakit.
Mas mainam na magipon at mag-invest na lang kaysa sa kumuha ng HIB. Mas masusulit ang perang ibabayad sa premium kung iipunin at ii-invest kaysa kumuha ng HIB. Ang kailangan ay emergency at preventive healthcare hindi income replacement.
Life insurance
Kung may dependents ka naman, kinakailangan mong ding kumuha ng health insurance ngunit mas mahalag na mayroon kang life insurance. Titingnan mo kung ilang taon ang gugugulin ng maiiwan mo para makabangon kung ikaw ay mamatay.
Karaniwan ito ay inilalagay sa sampung taon kaya ang life insurance benefit na dapat meron ka ay katumbas ng 10 taong kita. Mura lang ang life insurance kung ang kukunin ay term insurance, kaya siguraduhing ito lamang ang kunin.
Property Insurance
Kinakailangan ding kumuha ng property insurance. Sa ganitong edad, nagsisimulang magkaroon ng ariarian tulad ng saksakyan o bahay. Mainam na kumuha ng insurance para dito para sakaling may aksidente, kalamidad o di inaasahang pangyayari, covered ang panganib o risk ng insurance.
Tandaan na may seguridad at proteksyon sa insurance. Mas mahimbing at payapa ang tulog sa gabi.
It offers health and wellness benefits, critical illness coverage, guaranteed cash benefits, life insurance protection and special bonus and dividend earnings. We have to pay 40k annually for 15 years. Please advice po. Salamat po
Basahin po ang mga articles ko dito para matuto. http://vincerapisura.com/reading-not-get-vul/
Sir vince, nagpla-plan po kami ng asawa ko na kumuha ng insurance. Ok po ba yung sun fit and well advantage 15 of Sun Life Financial? Thank you po?
Basahin po ang mga articles ko dito para matuto. http://vincerapisura.com/reading-not-get-vul/
May Sunlife life insurance ako with rider na disability.
My PWD card nko (visual, communication & musculoskeletal disability) after my 2 brain operations. Brain Tumor survivor here. Y they reject my claim for disability?
I have a VUL in a company that is too bad not listed sa site mo 🙁 anyway, im interested to get a term insurance. Tama po ba na all insurance companies offer term insurance? Thanks!
Yes, po. All insurance companies have term life insurance.
For those who doesn’t have dependents but planning to apply for bank housing loan, you can ask if the term life insurance can be used instead of paying the mortgage redemption insurance (MRI).
What about disability and critical illness insurance? Should we get a term critical illness insurance?
but if you discontinued your “hulog-hulog” due to financial crisis,,YOUR DONE. and they live happily and RICH ever after.
Meron po ba sa national bookstore ng book nyo?
Yes, po. Kaya lang parating ubos. Kaka-replenish namin last week, pero madami nagme-message sa akin na ubos na ulit. Sa Lazada po sure na may stock.
Sir Vince kinuha ko po ung sa bdo life insurance ok po ba yon.??
Turning 30 na po ako next month…. timely and eksakto talaga nabasa ko article nyo…. salamat po, big help po for me to start thinking about my future. God bless po… ps. Saan po ako puede makabili ng book nyo!???
Salamat po and GBU2. For the book, please visit http://vincerapisura.com/book/
Good day sir Vince! Ano po ang marerekomenda ninyong health insurance? Thank you po. God bless!
Hindi po ako nagri-recommend. =) Pasensiya po.
Naidz Dajoya says:
Hi Sir Vince meron po b kayo n mairerecommend n good insurance company especially for the poperty insurance?
Regards,
Hindi po ako nagri-recommend. Pasensiya po. =)
Bilang ofw sa Macau ano po insurance ang kukunin nmin n available po dto sa Macau..
Good day sir vince.i am 46 years old.my take home salary every payday is 5,500.can you advise me an investment or insurance that i would have great help in the future.thank you