Stressed ang marami sa atin ngayon dahil sa novel coronavirus. Nabalitaan natin sa TV, radyo, dyaryo at social media na kumakalat ito sa buong mundo at apektado na ang Pilipinas. Nagdeklara na rin ng gobal health emergency ang World Health Organization.
Hindi naman ako expert tungkol sa sakit na ito, pero ang gusto kong pag-usapan natin ay kung paano maghahanda financially laban sa 2019 novel coronavirus o 2019-nCoV. Pero bago iyan, narito ang ilang impormasyon mula sa World Health Organization tungkol sa novel coronavirus.
2019-nCoV
Isang malaking pamilya ng virus ang mga coronavirus na nagdudulot ng pagkakasakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mga malulubhang sakit katulad ng Middle East Respiratory Syndrom (MERS-CoV) noong 2012 at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV) noong 2003. Ang novel coronavirus (nCoV) ay isang bagong strain ng virus na nakakaapekto sa tao.
Kaya ginagamit ang salitang novel para sabihing ito ay isang bagong virus na hindi pa napapangalanan (nCoV). Nilagyan naman ng 2019 bago ang nCoV para matukoy na noong taong 2019 ito natuklasan, sa Wuhan, China, na nakaapekto sa tao kaya 2019-nCoV ang pangalan ng coronavirus na nakaapekto sa atin ngayon.
Zoonotic ang coronaviruses, ibig sabihin, napapasa ito ng mga hayop at ng mga tao. Sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon, nalaman ng mga scientists na ang MERS-CoV ay naipasa mula sa mga Camels papuntang tao at ang SARS-CoV mula sa civet cats (alamid sa Tagalog, musang ang tawag naming mga Ilocano dito) papuntang tao.
May mga coronoviruses na umiikot at nakaapekto sa mga hayop ang alam ng mga scientists pero hindi pa ito nakakaapekto sa mga tao. Spillover event ang tawag kapag ang coronavirus na sanhi ng pagkaksakit mula sa mga hayop ay tumalon papuntang mga tao at naging sanhi din ng pagkakasakit.
Base sa opisyal na impormasyon, maaring makuha ang mga coronavirus sa pamamagitan ng human to human transmission sa pamamagitan ang droplets o contact.
Wala pang specific treatment o gamot sa pagkakasakit na dulot ng 2019-nCoV. Pero marami sa mga symtomas nito ay maaring gamutin kaya ang paggagamot ay ginagawa base sa kalagayan o clinical condition ng pasyente. Kaya magandang mabigyan ng agarang atensyon ang mga naapektuhan nito.
Mga sintomas
Karaniwang sintomas ng impeksyon mula 2019-nCoV ang mga sumusunod:
• Lagnat
• Ubo at sipon
• Kapos sa paghinga
• Nahihirapang huminga
Kapag lumulubha ang impeksyon maaaring magkaroon ng pneumonia, severe acute respiratory syndrome at kidney failure. Kung hindi maagapan, maaring magtuloy-tuloy ito sa kamatayan.
Sino-sino ang maaring maapektuhan ng 2019-nCoV?
Maaring mahawa at makakuha ng 2019-nCoV ang mga taong nakatira sa mga apektadong lugar ng China o yung mga taong bumisita sa mga apektadong lugar. Tumaas ang pangamba natin sa Pilipinas nang matuklasan ilang araw na ang nakalilipas na may confirmed case na tayo ng 2019-nCoV.
Ang mga taong nag-aalaga sa mga biktima ng 2019-nCoV katulad ng mga pamilya nito at mga health care professionals, ay maari ding mahawa.
Paano maiiwasang mahawa sa 2019-nCoV
Protektahan ang sarili laban sa respiratory pathogens sa pamamagitan ng respiratory hygiene at ligtas na paghawak sa pagkain. Gawin ang mga sumusunod:
• Ugaliing maglinis ng kamay at gumamit ng alcohol (20-30 seconds) kung hindi makikitang madumi ang mga kamay. Kung makikitang madumi ang kamay, hugasan ang mga ito gamit ang tubig at sabon (40-60 seconds).
• Kapab umuubo o humahatsing, takpan ang bibig at ilong ng nakabaluktot na siko o tissue. Itapon agad ang tissue sa basurahang may sara at pagkatapos, maghugas ng kamay.
• Iwasang lumapit sa sinumang may lagnat o ubo’t sipon.
• Kung ikaw ay nakakaranas ng sintomas tulad ng lagnat, ubo’t sipon, kapos o hirap sa paghinga, kumunsulta agad sa duktor at ibahagi ang travel history sa kaniya.
• Kapag pupunta sa palengke kung saan apektado ng novel coronavirus, iwasang hawakan ang mga buhay na hayop at mga bagay na may contact sa mga hayop.
• Lutuing mabuti ang karne at iwasang kumain ng mga karneng hilaw o hindi luto. Ang paghawak sa mga hilaw n karne, gatas at lamang-loob ay dapat pag-ingatan para maiwasan ang cross-contamination sa mga hilaw na pagkain alinsunod sa good food safety.
• Magtala ng araw-araw na temperatura kapag may biyahe para imonitor ang iyong kalusugan at sintomas. Gawin ito ng hanggang 14 na araw pagdating mula sa biyahe.
Emergency savings
Kung ikaw ay sakaling tamaan ng 2019-nCoV, sana ay may naipon ka nang emergency savings dahil kung wala, patay kang bata ka! Emergency savings ang gagamitin natin sa panahong tayo ay tamaan mga di inaasahang bagay tulad ng novel coronavirus.
Sapat ang emergency savings kung meron kang katumbas nito ng siyam na buwang gastusin. Nakalagay dapat ito sa safe at liquid financial products tulad ng savings account sa bangko.
Read: Saan dapat nakalagay ang emergency savings
Watch: Emergency savings
Take this opportunity to start buidling your emergency savings kung wala ka pang nasisimulan o hindi pa sapat. Gawin ito habang hindi pa tinatamaan ng novel coronavirus kasama ng dasal na protektahan ni Lord.
Health Maintenance Organization
Kapag nakaramdam ng mga unang sintomas ng novel coronavirus, hindi naman ito itinuturing na malubha kaya hindi sa emergency room ang pasok kundi sa out patient. Dito makakatulong kung may health card o health maintenance organization (HMO).
Ang Health Maintenance Organization (HMO) ay organisasyong nagbibigay o nag-aasikaso ng managed care para sa mga indibiduwal o kumpanya at tumatayong liason sa mga healthcare providers gaya ng doktor, ospital, clinics, dentista atbpa., kapalit ng subscription fee . Nagbibigay ng access ang HMOs sa kanilang network of healthcare providers.
Maliit ang coverage ng HMO pero sapat na para sa mga lab tests and check up sakaling maramdaman ang mga sintomas ng novel coronavirus at kinakailangan ng medical assistance.
PhilHealth
Sakaling mapabilang sa mga magkakaroon ng coronavirus, malaking tulong ang universal health care law kung saan co-author si Sentaor Risa Hontiveros na siya ring vice chair ng health and demography committee sa senado. Makukuha ito sa pamamagitan ng PhilHealth.
Hindi pa ganon kaklaro ang out patient benefits ng PhilHealth at mas malinaw ang benefits na makukuha kapag naospital. Kung hindi magiging grabe ang kalagayan sa coronavirus at ang mga sintomas lang nito ang gagamutin, baka kayanin pang malibre ito sa PhilHealth.
If the situation turns for the worse, makakatulong pa rin ito at mababawasan ang hospital bills. Kaya napakahalgang tangkilikiin at suportahan natin ang PhilHealth. Siguraduhing ipinagbabayad kayo ng inyong employer kung kayo ay empleyado at siguraduhin ding magbayad kung self-employed at OFW. This is our responsibility as good citizens.
Kung hindi madadagdagan ang government budget para sa health services, dapat huwag na itong bawasan. Sana hindi na maulit ang nangyari sa 2020 general appropriations act ng gobyerno na nabawasan ang health budget.
Ito kasi ang pagkukunan ng pondo para mapaganda ang health services ng gobyerno. Kung may pondo, mas may kakayahan tayong labanan ang coronavirus – may pambili sa gamot, panggastos sa information and education campaign, dagdag na health care professionals tulad ng mga doctor, nurses, medical technologists, scientists at iba pa.
Halimbawa, nagkaubusa ng surgical masks dito sa Pilipinas. Tayo ay nahihirapang kumuha nito at walang magamit ang karamihan lalo na ang mga mahihirap. I-compare nati ito sa gobyerno ng Singapore na namigay ng libreng masks sa lahat ng mga mamamayan doon dahil marami silang budget.
Health insurance
Sa mga mauunlad na bansa sa Europe, gobyerno nila ang nagbibigay ng libreng health services. Hindi nila kailangang matakot sa gastusin sa ospital, gamot, laboratory, check up dulot ng pagkakasakit dahil covered ito ng gobyerno mula sa buwis na kanilang ibinabayad.
Gobyerno ang pangunahing nagbibigay ng health insurance protection sa bawat Filipino. Thirty seven percent ng kabuuang PhP684 bilyon ang covered ng PhilHealth, national government at local government.
Pinangungunahan ng mga health maintenance organizations mula sa pribadong sector ang health insurance coverage na nasa 5% lamang. Dalawang porsyento ang covered ng mga life at non-life insurance companies na nag-ooffer ng health insurance.
Habang hindi pa kayang punan lahat ng ating public health care system ang pangangailangan natin sa pagkakasakit, magandang kumuha ng health insurance o health plans. Isa sa pinakamahalagang insurance na dapat meron tayo panlaban sa novel coronavirus ay ang health insurance. Kung wala tayo nito, maaring pagmulan ito ng malaking gastos.
Ang hospital and emergency care insurance ay isang klase ng insurance kung saan nagbibigay ito ng proteksyon sa lahat ng klase ng pagkakasakit basta tayo ay ma-hospital o maitakbo sa emergency unit ng isang hospital. Lahat ng klase ng sakit ay covered nito basta ang crucial ay na-admit ka o nangailangan ka ng serbisyo ng hospital o clinic dahil sa iyong karamdaman.
Mabisang panlaban financially ang health insurance pero i-check nang mabuti kung ano ang patakaran ng policy na kukunin sa waiting period. Ang waiting period ay ang oras na makalipas at dapat hinayin bago magagamit ang insurance.
Karaniwan itong tumatagal ng isang buwan hanggang isang taon, depende sa sakit. Kaya linawin ito nang mabuti sa insurance agent bago bumili sabay dasal na hindi ka mahawaan ng novel coronavirus bago makalipas ang waiting period.
Kung nangyari kasi ito sa loob ng waiting period, hindi ka covered ng health insurance. Marami sa mga health insurance ay maari mo na itong magamit agad, just check before you buy.
Marami ang nababaon sa utang dahil sa pagkakasakit at kawalan ng health insurance. Natutuloy ito kahirapan sa buhay kung hindi naagapan at napaghahandaan. Kaya kung ako sa inyo, i-prioritize ang pagkuha ng health insurance habang hindi pa tinatamaan ng novel coronavirus o kahit ano pang klase ng sakit.
Sa Pilipinas, pinakamababa ang premium na binabayaran sa PhilHealth. Ito ang unahing bayaran. Karaniwang mas mababa ang premium ng health insurance kaysa sa premiums na binabayaran sa HMOs. Sa aking obserbasyon, nakadisenyo ang mga health insurance products para sa mga emergency care at ang mga HMO, para sa preventive healthcare at kaunting emergency care benefit.
Read: Top health insurance companies in the Philippines
Hospital income benefit
Makaka-claim ng HIB kung nagkaroon ng novel coronavirus at naospital ka dahil dito. Contrary to what insurance agents usually make as a sales pitch, hindi health insurance ang hospital income benefit.
Ang HIB ay income replacement insurance. Papalitan nito ang dapat na kikitain mo sa bawat araw na hindi ka kumikita dahil sa pagkakasakit pagkakaospital.
Kung ikaw ay breadwinner sa pamilya at magugutom ang mga dependents mo kung hindi kakikita sa mga araw na ikaw ay nagkasakit, kailangan mo ng HIB. Pero para sa akin, mas mainam na i-prioritize ang pag-iipon ng emergency savings para dito dahil mas mabilis mong magagamit ang sarili mong pera kaysa mag-antay pa ng claims processing para sa HIB.
Medyo matagal din ang claims processing sa dudukot ka pa din sa emergency savings mo. Bukod diyan, limited din ang amount na makukuha, nasa PhP1,000 to PhP5,000 lang per day.
Critical illness
Sa kaso ng novel coronavirus, hindi magagamit ang critical illness insurance o critical illness rider sa life insurance. Bahagi ng life insurance policy ang critical illness riders. Kapag kumuha ka ng life insurance, may option kang magdagdag ng benefit kung saan may coverage ka sa mga major illnesses tulad ng major cancers, major organ failures, heart and blood illnesses, neuro-muscular illnesses, bacterial meningitis, major burns, at occupationally acquired HIV/AIDS.
Kailangang nakalista ang novel coronavirus o 2019-nCoV sa listahan ng critical illness na covered sa policy mo. Malayo itong kasama sa mga major illnesses dahil kakadiskubre pa nga lang ng 2019-nCoV at hindi pa ito nabibigyan ng pangalan.
Kumuha lang ng ciritical illness insurance o rider kung merong medical history ang pamilya sa mga major illnesses na covered at nakalista sa policy. Kung hindi, you can skip it dahil mababa ang pre-disposition mo dito. Para maka siguro, magpa-check up.
Read: Gabay at tips sa pagkuha ng critical illness
Health fund
Para sa akin, hindi masama na magkaroon ng health fund. Ang health fund ay para ding emergency savings pero ito ay specific to address health concerns.
Maganda ito to prepare for the future dahil when all else fail, kayang-kaya mo pa rin alagaan ang iyong sarili. Magsara man ang mga insurance companies o health plan providers, may madudukot ka pa rin sa bulsa mo.
Sa kombinasyon ng pag-iingat sa kalusugan at paghahanda financially laban sa novel coronavirus, siguradong mas may tsansa tayong manalo dito.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent