Tuwing araw ng mga puso, naaout of place ang mga single dahil napapaalala sa kanila na sila ay mag-isa. Madami akong mga kaibigang single na isinusumpa ang araw na ito at gusto na nila itong lumipas agad.
I am not an expert in matters of the heart, although madalas akong takbuhan ng mga kaibigan ko tungkol diyan. Ang mas forte ko ay money matters, kaya magbibigay ako ng tips on money management para sa mga single by choice o sawi sa pag-ibig.
Emergency savings
Dahil mag-isa, kailangang kayang tumayo sa sariling paa at magsarili ang mga walang partner. Wala kasi silang aasahan kundi ang sarili nila.
Most of my single friends are highly independent. Makakatulong sa pagiging independent kung may sapat na emergency savings.
Sa ganitong paraan, hindi na nila kailangang umasa pa ng pera sa iba when emergency strikes. Meron silang madudukot.
Actually, ang mas concern ko ay, in extreme cases na may mangyari sa kanilang masama at maging baldado, sino ang makaka-access ng emergency savings nila for them?
Read: Saan dapat nakalagay ang emergency fund?
Assign “in case of emergency” person
This is where it becomes important for a single person na pumili pa rin ng kaniyang “in case of emergency, call this person.” Puwedeng ang taong ito ay matalik na kaibigan o malapit na kamag-anak. Maari ding hindi iisa ang taong ito, puwedeng more than one.
Ang iyong “in case of emergency” person should know enough of your financial information para magkaroon siya ng access sa emergency savings mo. Of course, you have to be very careful na talagang mapagkakatiwalaan mo ang taong ito at hindi ka pagsasamantalahan.
I-announce mo ito sa iyong pamilya o sa iyong mga kaibigan para informed sila.
Health insurance
Lagi kong paalala sa mga kabataang magiging 21 years old na, na dapat maging financially independent na sila at hindi na sila pasanin ng kanilang magulang. Isa sa mga requirements ko dito ay dapat covered sila ng health insurance para sa panahon na tamaan ng sakit, hindi na maabala ang mga magulang financially.
Ang rule na ito ay applicable din sa mga single. May sapat na health insurance coverage dapat ang mga single na at least katumbas ng isang taong kita.
Read: Gabay sa pagbili ng health insurance
Life insurance (Optional)
Kung walang dependent, hindi kailangang kumuha ng mga single ng life insurance. Huwag makinig sa pananakot ng karamihan (hindi ko nilalahat) ng mga insurance agents para bentahan kayo nito.
I’m sure hihikayatin din kayo ng mga insurance agents na kumuha ng insurance na may investment dahil binibida nila ang kanilang investment portion nito. Huwag din papasilaw dito dahil ang insurance na may investment ay napakamahal.
Ang main purpose ng life insurance ay income replacement for the benefit of your dependents. Ito ay para kung sakaling mawala ka may papalit sa income na mawawala na bumubuhay sa mga dependents dahil sa kamatayan ng breadwinner.
Bilang singles, ang mga puwede mong maging dependents ay mga anak, kung ikaw ay single parent; at mga magulang kung ikaw ang bumubuhay sa mga magulang mo. Ang iba mong mga kamag-anak ay hindi mo na dependents.
Emphasis sa mga single parents na kailangang-kailangan niyong kumuha ng life insurance dahil kung kawawa naman ang mga anak niyo kung maulila sila. Ito ay para hindi kailangan umasa ng nga anak mo sa (walanghiyang, joke kang) nang-iwan sa iyo. This is an ultimate sign na di mo kailangan ang bugok na yan kasi prepared ka financially para sa mga anak mo kahit mawala ka.
When buying life insurance, always follow the Buy Term Invest the Difference (BTID) strategy. Ipagpilitang term o traditional insurance ng bibilhin para siguradong mura. Ito ang presyo ng mga ito base sa edad mo:
Age | Premium per year per million pesos of coverage |
20s | 1,500 |
30s | 3,000 |
40s | 4,500 |
50s | 7,000 |
60s | 10,000 |
Yes, tama ang nabasa mo sa table na per year ang bayad na yan per million. Mura lang di ba?
Funeral plan
Usually, mga free spirits ang mga single. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi sila makahanap ng kanilang partner, mahirap silang talian.
Malaya sila at they can do whatever they want dahil kadalasan wala silang ibang responsibilidad kundi sarili nila. Kung masosobrahan ang free-spirit na ito, a single person might take greater risks and this is where the danger lies.
Taking more risks is a choice. Pansin ko mas madalas mag bunjee jumping at sky diving ang mga single friends ko at wala pa akong namalayang friends na may anak who would do this. (Naisip ko ang magkapatid na matalik kong kaibigan at kababata si Lampel at Odette dito. Haha. May link po sa pangalan nila, baka gusto niyo i-explore mga boys. Hihi.)
Kung ganito na rin lang ang usapan, a single person should be reponsible enough to buy a memorial plan para kung may mangyari man sa kanila e, hindi na nila gagamabalain ang mga magulang at mga kapamilya nila. May pondong handa na para dito.
Investment for retirement
Ang mga group of friends kong beki na tanggap nang single sila for life for whatever reasons ay nagbabalak na mag-retire together to defray cost and more importantly, to form a support group for old age. Dumadami daw ang nagbabalak ng ganito na retiring with friends rather than with a spouse or a partner.
Mas may kakayahang magprepare for retirement ang single na walang anak dahil mas may purchasing power siya at mas may extra cash dahil ang sarili lang niya ang binubuhay niya. Unless, pasan mo ang daigdig at nakaasa sa iyo ang pamilya mo. Discuss natin yan later.
Dapat maximum salary credit ang level ng contribution mo para sa SSS. Wala pa ding tatalo sa binibigay na returns ng SSS for retirement plus, kung employed, malaki ang employer share. I-take advantage ito.
Ang top choices ko for investment ay sa social investments dahil maganda na ang kita, may positive social and environmental impact pa ang mga ito: Pag-IBIG MP2; long term time deposit with rural banks; share capital or savings in cooperatives with COOP-PESOS rating of more than 85 points; rental property; at government treasury bills and bonds.
Panoorin: Investments for retirement
Bucket list fund
Para sa mga single na sawi sa pag-ibig bumawi na lang sa life experiences. Save and invest for a bucket list fund para magawa mo ang mga bagay na kakainggitan ng mga married friends and kamag-anak mo.
You may use the investment products I mentioned puwede pang-retirement for this purpose.
Take care of yourself to take care of others
Karaniwang hinaing ng mga single ay sila ang inaasahan na tutulong sa pamilya dahil sila nga ay wala masyadong responsibilidad. This is of course, a matter of choice. Ikaw ang magdedecide kung hanggang saan ka tutulong.
Ang rule ko in helping financially is that you should be financially stable to do this. You are financially stable when you have the following: emergency savings equivalent to nine months of expenses; adequate health and life (if applicable) insurance coverage; and passive income appropriate for your age.
Kung wala, please help yourself to become financially stable first.
Watch: Helping others financially
Prepare for a happy future
In my opinion, isa ding choice ang pagiging single. Hindi lang ito usapin ng suwerteng mamimeet mo ang iyong soul mate. Ano pa man ang piliin, ang dapat handa financially para kahit kapos sa pagmamahal sa irog e sagana naman sa bulsa.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent