Darwin, Australia — Marami ang nagtatanong sa akin kung ano at paano ginagawa ang Buy Term Invest the Difference (BTID). Naghahanap at nanghihingi sila ng guidelines kung paano ito gagawin.
Ito daw ba ay isang produkto na ibinebenta ng mga insurance companies, bangko o brokerage firms?
Ang sagot dito ay, hindi.
Ang BTID ay isang estratehiya na kailangan mong gawin upang makasulit sa iyong pera. Imbes na bumili ng Variable Unit Life (VUL) o investment-linked insurance, BTID ang aking nire-rekomenda.
Hiwalay ang insurance sa investment
Marami na akong naisulat tungkol sa insurance at tungkol sa VUL. Siyempre, marami na ring nang-away sa akin dahil sa aking stand tungkol dito.
At ang puno’t dulo ng kontrobersiya ay ang paulit-ulit kong sinasabing hiwalay dapat ang insurance sa investment dahil ito mararaming nasasayang na pera. Ipinaliwanag ko ito nang masinsinan sa “Bakit mahal ang VUL?”
Karamihan naman sa mga umaalma kapag sinasabi ko ito ay mga insurance agents. Naging usap-usapan na nga ako sa isang Facebook group ng mga insurance agents at pilit sinisiraan ang aking pagkatao.
Masakait man basahin ang mga iyon, tinatanggap ko, kasi alam kong nasa tama ang sinasabi ko at kapakanan lang ng napakaraming Filipino ang nasa aking isipan. Layunin kong matulungan silang magamit nang sulit ang kanilang pinaghirapang pera na dugo’t pawis ang puhunan.
Uulitin ko, hindi ako kumikita ng commission sa mga insurance companies. Hindi rin ako nagbebenta ng insurance.
Samakatuwid, I am a disinterested party. Wala akong hidden agenda. My life and my advocacies are an open book.
Actually, hindi ang mga agents ang sinisisi ko sa VUL. Ang may pakana nito ay ang mga insurance companies mismo na masaydong nagahaman sa profits. Mas inuuna ang kapakanan ng kanilang kumpaniya bago ang kapakanan ng mga kliyente.
Ang mga insurance companies ang nag-disenyo ng VUL at sila ang nag-train at nag-brainwash sa mga insurance agents para ito ang isulong. Sa totoo lang, biktima ang mga insurance agents na nagsusulong ng VUL ng mga insurance companies.
Para sa kapakanan ng mga karaniwang manggagawa, maliit na negosyante, OFW – ikaw na nagbabasa nito… isinusulat ko pa rin ng buong tapang ang article na ito tungkol sa BTID.
Narito ang mga dapat mong gawin.
Sir Vince San po mag avail nor apply ng BTID
Hi sir vince paano po ba mag invest sa BTID
SALAMAT SA UNBIASED ARTICLE NA ITO.
hi sir… tanong lang po… about po sa btid…. pwd po kaya na sa isang company ka rin bumili ng term insurance at the same time investment?… kc po dba may insurance din cla at mga pooled funds…. kc po may nakausap na po akong isang agent. VUL po kc pinupush nya po sakin…. but apparently wala pa nmn kc OFW po ako… that’s why I’m asking this kc if i will take may vacation… i can start it in a good ways. tnx ☺️