Ang susunod na memo ay ang internal memo namin sa SEDPI Social Microfinance operations sa Agusan del Sur and Surigao del Sur. Ito ay inilalabas ko dahil baka makatulong sa ibang mga small businesses at oara na rin magbigay update sa aming mga stakeholders.
Ito ang una sa inaanticipate kong maraming memos na gagawin namin dahil sa pinsalang dulot ng COVID-19. Natapos ang final version ng unang advisory na ito after makipagpulong sa key management staff.
Sa mga unang versions ng memo na ito, magpapatupad na sana ako na walang pasok. Pero ang balita ng mga staff sa ibaba ay hindi pa naman ramdam masyado ang epekto ng community quarantine. Nag-agree ako sa kanila na ipagpatuloy muna ang trabaho pero focus sa pagkuha ng impormasyon sa kalagayan ng mga members namin.
MEMORANDUM
TO: All SEDPI Microfinance Staff
FROM: Mariel Vincent A. Rapisura, President and CEO
DATE: Monday, March 16, 2020
RE: Business continuity for COVID-19 pandemic
Mga minamahal kong SEDPI staff:
Tayo at ang buong mundo ay nakakaranas ng matinding pagsubok dahil sa COVID-19. Itong memong ito ay gabay para sa business continuity ng SEDPI. Pipilitin natin itong maging comprehensive kaya iuupdate ko kayo sa mga developments sa mga susunod na araw.
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at nauunawaan kong nakakaramdam tayo ng takot at pagkabalisa. Ayon sa mga sayantipiko at World Health Organization, marami ang nakakarecover sa COVID-19 kaya wag tayong mawawalan ng pag-asa.
Bilang mga SEDPI staff, tayo sana ang magbigay ng pag-asa at tamang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sources sa ating mga members at sa mga areas natin. Umiwas muna tayong magkomento at mag-share sa Facebook kung ito ay galing sa mga unverified sources tulad ng mga CTTO lang; nakakapagdulot ng karagdagang takot; at politically-charged na posts.
Ngayon ang panahon para ipakita natin sa ating members at sa community ang SEDPI leadership. Magbibigay tayo sa members natin ng maliwanag na impormasyon lalong lalo na sa updates sa policies and procedures natin sa panahon ng COVID-19. Magbibigay din tayo ng gabay sa mga members natin para mabawasan ang kanilang pag-aalala at makatulong tayong mapanatiling safe and healthy ang areas natin.
Employee welfare
Gusto kong iassure kayong lahat na magpapatuloy ang pagbibigay ng suweldo sa lahat ng empleyado ng SEDPI. May sapat din tayong life, health at accident insurance coverage na puwedeng nating magamit laban sa gastos na dulot ng COVID-19. Ipagdasal nating hindi natin ito kakailanganing gamitin dahil mananatili tayong malusog.
Para sa mga empleyadong nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas:
- Mataas na lagnat – 39 degrees Celsius pataas
- Ubo
- Matinding pagod
- Hirap sa paghinga
- Diarrhea
Ihiwalay o iisolate agad ang empleyado sa isang kuwarto. Tumawag sa pinakamalapit na hospital at humingi ng instruction kung ano ang dapat gawin.
Client welfare
Mission ng SEDPI ang mapabuti ang buhay ng mga members nito. Masuwerte tayong mga employado dahil patuloy ang ating suweldo kahit na may COVID-19. Marami sa mga members natin ang hindi ganito ang sitwasyon.
Dahil sa ipinapatupad na community quarantine, marami sa kanila ang mawawalan ng livelihood o hanapbuhay. Alam nating kung walang hanapbuhay mawawalan din sila ng pambili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Kaya ito ang guidelines para makatulong tayo sa kanila at hindi na makadagdag pa sa kanilang problema.
Loans
- Ayon sa consultation ko with area managers, hindi pa naman gaanong apektado ang mga areas natin. Kaya opagpapatuloy muna natin ang loan collections pero ang mga apektado na sa kanilang business ay hindi natin pipiliting magbayad. Ito ay para maiparamdam natin sa members ang malasakit sa kanila.
- Suspended muna ang lahat ang loan release dahil hindi utang ang kailangan ng mga members. Sa panahon ng emergency hindi utang kundi emergency savings at insurance ang dapat meron tayong lahat. Kailangang-kailangan din ang ayuda mula sa gobyerno dahil sa sitwasyon.
- Idedeclare natin na holiday ang mga araw na ito para hindi mapabilang na delinquent clients ang mga members natin dahil hindi nila kasalanan ang COVID-19. Ipagpapatuloy natin ang no-penalty policy natin sa ating mga members.
- Tatagal ito ng one week habang pinag-aaralan natin ang mga pangyayari; malaman natin ang kalagayan ng ating members sa monitoring; at mabigyan ng liwanag ang mga announcements ng gobyerno.
Center meeting
- Ipagpapaliban o i-postpone muna natin ang center meetings dahil kailangan natin ng social distancing. Pero kailangan pa nating kumuha ng impormasyon mula sa mga members natin para mamonitor ang kanilang kalagayan at malaman natin kung anu-ano ang mga puwede nating gawin para matulungan sila.
- Inaatasan ko ang lahat na tawagan ang kanilang mga center chief upang alamin ang mga sumusunod na impormasyong gagamitin natin sa pakikipag-coordinate sa gobyerno at iba pang organisasyon:
- Ilang members ang huminto sa kanilang hanapbuhay?
- Ilang members ang humina ang kanilang hanapbuhay?
- Ilang mga members ang nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19?
Tumawag sa center chief bago bumisita at ipaalam ang kukuning impormasyon para mas maikli ang panahon sa pagbisita. Mag-load tayo ng unli-calls at i-charge ito sa SEDPI para magawa ito. Sundin ang mga sumusunod na protocol sa pagbisita:
- Iobserve ang social distancing – lumayo ng at least one meter sa mga taong makakausap at iwasan ang makipagkamay at humawak sa ibang tao
- Magbaon ng sabon at makiusap na maghugas ng kamay mo at ng mga kakausapin mo para maiwasan ang pagkalat ng virus
- Kapag uubo o hahatsing, lumayo sa mga tao at magtakip ng ilong at bunganga gamit ang siko paibaba. Maghugas agad ng kamay pagkatapos.
- Iencourage ang mga members na magtanim sa kanilang bakuran para may pandagdag sila sa kanilang kakainin. Puwede rin itong ibenta kung may sobra.
Savings
- Iassure sila na safe ang kanilang savings sa atin at hindi ito mawawala. Ang mga miyembrong may excess sa 20% required maintaining balance ay puwedeng i-withdraw ang kanilang savings KUNG talagang may matinding pangangailangan na sila.
SWePP
- Ang Social Welfare Protection Program natin ang makakatulong sa mga members natin pero alam nating hindi ito sasapat kaya kailangang nating humingi ng tulong sa gobyerno. Ipagpapatuloy ang coverage sa SWePP pero kailangang magbayad ng membership fee kung matatapos na ang kanilang 6-month term
- Magpapatuloy pa rin tayong mangolekta para sa SWePP sa mga gustong magpatuloy ang kanilang coverage. Gaya ng dati, hindi kailangang kumuha ng loan para magkaroon ng coverage sa SWePP.
SEDPI Leadership
Ayon sa guideline ng gobyerno, ang private sector ay may pasok pa rin pero kailangang may social distancing. Kaya lahat tayo ay required na pumasok at manatili sa office. Maghugas ng kamay bago pumasok sa loob kung galing sa field.
Gagamitin natin ang panahon na ito para ayusin ang ating mga naiwang office work at magkakaroon tayo ng online learning sa shift natin to social microfinance scheme natin.
Naniniwala akong lahat sa kakayahan ninyo bilang mga SEDPI staff at ako ay proud na proud sa inyo. Ngayon tayo kailangan ng community kaya ipakita natin sa kanila na nandito ang SEDPI para makinig at tutulong na gagawa ng paraan para mabawasan ang hirap dulot ng COVID-19.
Ipakita nating kaya natin makipagbayanihan at patuloy tayong magdasal na manatili tayong ligtas at malusog.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent