Mga KaSosyo at KaNegosyo, ipapakilala ko sa inyo ang SEDPI, isang samahan na tutok sa paglaban sa kahirapan na base sa Pilipinas. Simula nang maitatag noong 2004, umabot na sa walong organisasyon ang SEDPI, na may tatlong pangunahing programa: SEDPI KaSosyo, SEDPI KaNegosyo, at Usapang Pera. Nagbibigay-daan ang mga programang ito sa mga social investments, nanofinancing, at financial education.
SEDPI Programs
Ang SEDPI KaSosyo ay para sa mga social investors na may puso para sa tao at kalikasan kaysa sa kita. Ang mga investors na ito ang sumusuporta sa mga nanoenterprises, social enterprises, at mga organisasyon para sa pag-unlad, gamit ang isang scheme na tinatawag na Joint Venture Savings (JVS).
Samantala, ang SEDPI KaNegosyo naman ay nagbibigay ng sustainable finance para sa development ng mga nanoenterprise. Kasama dito ang pagbibigay ng puhunan para sa kabuhayan, pagpromote ng culture ng pag-iipon, pagbibigay ng social safety nets, at pati na rin ang paglikha ng abot-kayang housing communities.
Ang Usapang Pera ay ang ating financial education program na nagbibigay ng komprehensibong serbisyo para sa financial empowerment. Kasama rito ang online trainings, live events, at mga publication. Ang programang ito ay gumagamit ng mga real-life examples at practical applications para iimprove ang personal financial habits at magdulot ng positive social change.
Sa paglipas ng mga taon, ang SEDPI ay nakatanggap ng iba’t ibang parangal at recognition sa kanilang gawa. Patuloy silang nakatuon sa kanilang pangarap na magbigay-kapangyarihan sa mga Pilipino sa buong mundo na suportahan ang sustainable na mga nanoenterprise.
Social at Solidarity Economy: Ang approach ng SEDPI
Ang Social and Solidarity Economy (SSE) ay sumasakop sa isang hanay ng mga organisasyon at enterprise na nagpaprioritize sa mga social objectives at pinapanatili ang mga principle ng solidarity, mutual aid, at social justice. Dito sa Pilipinas, isa sa mga organisasyong kumakatawan sa mga values na ito ay ang SEDPI Group of Social Enterprises (SEDPI). Ang kanilang model ay nagbibigay ng roadmap para sa pag-implement ng mga principle ng Social and Solidarity Economy sa praktikal na paraan.
SEDPI KaNegosyo: Pagpapalakas sa mga Nanoenterprises
Sumusunod sa anim na foundational principles ang SEDPI KaNegosyo na nagpapakita ng commitment sa mga values at practices ng Social and Solidarity Economy.
Financial Education: Itinuturo ng SEDPI ang pag-iipon, universal insurance coverage, mga oportunidad sa pag-iinvest, at ang pag-alis sa mga oppresive loan products. Kapag may alam tayo sa finance, empowered tayo to make informed decisions.
Capital Infusion, Hindi Loans: Imbes na pautang, bumubuo ang SEDPI ng joint ventures kasama ang mga nanoenterprises. Ito’y paraan upang maiwasan ang perpetual interest at penalty charges na madalas na nakakasakit sa bulsa.
Profit at Risk Sharing: May mekanismo na ginagamit ang SEDPI na nagpapabor sa labor at participation. Pantay-pantay ang pagsuporta sa risk, nagbibigay-daan ito sa collaborative problem-solving.
Loss Follows Capital: Siguradong hindi kayo maiiwanan ng SEDPI. Kapag nagkaroon ng pagkalugi, katulad ng bankruptcy, proportional ito sa capital contribution. Hindi gaya ng traditional loan na uubusin ang lahat ng ari-arian mo.
Non-Profit na Damayan: Ang SEDPI ay nagbibigay ng non-profit damayan na naglalagay ng solidarity at protection higit sa income generation. Ang model na ito ay nagpapalakas sa collective resilience at nagpapakita ng ethos ng SSE.
Partnership at Cooperation: Layunin ng SEDPI na magtatag ng partnerships kasama ang mga government agencies at mga organisasyong may parehong adhikain. Sa ngayon ay may existing partnerships na ito sa Pag-IBIG, PhilHealth at SSS. Ang collaboration na ito ay naglalayong dalhin ang basic services na mas malapit sa low-income groups at magpatuloy sa misyon ng SSE na lutasin ang kahirapan.
SEDPI KaTambayayong: Proteksyon para sa mga nanoenterprises
Tinutugunan ng SEDPI KaTambayayong (KT) ang mga pangangailangan at hamon na kinakaharap ng mga nanoenterprises, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat, accessible, abot-kaya, at efficient na social safety nets. Ang approach na ito ay sumasalamin sa malalim na commitment sa social protection, isang mahalagang elemento ng SSE framework.
Vulnerable ang mga maliliit na negosyo sa natural disasters at climate change. Kaya nagbibigay Ang SEDPI KT ng malasakit at suporta para makatulong sa mga oras ng pangangailangan. Talbog ang matagal at kumplikadong proseso ng traditional for-profit insurance companies sa halos same-day na pagbibigay ng benefits ng SEDPI.
Ang SEDPI KT ay nagbibigay ng affordable na social safety nets para sa mga nanoenterprises. Sa ganitong paraan, mas marami ang maaaring mag-avail ng programa at makinabang sa mga benepisyo nito. Nagtutulungan ang SEDPI KT at ang gobyerno para sa social insurance programs. Sa pamamagitan nito, mas malawak na range ng assistance ang maabot ng mga nanoenterprises.
Fostering a new economic paradigm
At yan mga KaSosyo at KaNegosyo ang ginagawa ng SEDPI para isulong ang Social and Solidarity Economy. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mutual aid, shared prosperity, at social justice, nagiging mas equitable at resilient ang ekonomiya. Isang inspirasyon ang SEDPI para sa mga organisasyon na gustong magpatupad ng SSE principles sa kanilang operations.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent