Pangarap ng marami sa atin ang magkaroon ng matiwasay at masaganag retirement. Ang ilan nga ay gustong mag-retiro nang maaga upang ma-enjoy ang buhay.
Maaga kong natupad ang retirement sa edad na 31. Kombinasyon ng pagpili ng simpleng pamumuhay at pagkakaroon ng iba’t-ibang klase ng passive income ang naging daan para makamit ito nang maaga.
Pero pinili ko pa ring magtrabaho dahil feeling ko mabubuang ako nang walang ginagawa. Besides, retirement is really about your ability to choose what you want to do without financial worries.
Narito ang aking mga suggestions kung saan ilalagay ang retirment fund depende sa purpose nito.
Purpose: augment daily expenses and emergency fund
Kung para sa pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, medisina, utilities at iba pa; o kaya ay para sa emergency fund, nangangahulugan na preserved dapat ang kapital. Hindi dapat mabawasan ang halaga nito dahil mga pangunahing pangangailangan ang nakasakalay.
Mahalaga ding ang paglalagyang investment ay makapagbibigay ng passive income na gagamiting pandagdag sa pension na tatanggapin. Kaya ang recommended investment products ko para dito ay ang mga sumusunod:
Sa time deposit, preferably ilagay ito sa rural bank o sa matatag na kooperatiba. May pagkiling ako sa government bonds over corporate bonds dahil ito ay mas secure. Kapag kukuha ng mutual fund o UITF, siguraduhing piliin ang money market fund o bond fund para siguradong preserved ang capital.
Proper scheduling ng pagkuha ng earnings ang magiging susi para epektibong madagdagan nito ang iyong pension na gagamitin para sa pang-araw-araw. Dahil secure ang mga financial products na ito, siguradong may madudukot sa panahon ng emergency at hindi mababawasan ang investment.
Purpose: for health fund
Malaking concern sa para sa mga retirees ang kalusugan. Sa katunayan, bukod sa kamatayan, ito ang pinakakinakatakutan nila dahil bukod sa malaki ang gastos bumababa din ang kanilang quality of life.
Sa ngayin, malaking tulong ang universal health care pero hindi pa rin sapat kung iaasa ang kalusugan sa PhilHealth. Crucial na magkaroon ng health insurance at health fund sa edad na ito.
Para sa akin, mas maaasahang gumawa ng sariling health fund na pandagdag sa insurance at sa PhilHealth bilang financial protection sa pagkakasakit. Swak na swak ang Pag-IBIG MP2 at share capital sa kooperatiba para dito.
May provision sa Pag-IBIG MP2 na maaring i-withdraw ang investment kapag malubhang nagkasakit. Hindi na kinakailngang antayin ang five-year maturity nito.
Maraming kooperatiba ang hindi withdrawable ang share kapital at kapag kinuha mo ito ay hindi ka na makakabalik. Sa panahon ng matinding pangangailangan, puwede nang i-withdraw ang membership sa kooperatiba at kunin na ang share capital na magagamit para sa health.
Purpose: vacation and occassional wants
Siyempre, nilolook forward sa retirement na madami nang oras para sa bakasyon at para mag-enjoy. Dahil ito ay wants, it becomes less of a priority. Pero kung napaghandaan ito habang bata pa, may maitatabi at maiinvest para dito.
Pag dating sa retirement age, ang bucket list fund mo ay dapat ilagay mo na rin sa safe and secure na investment because time is no longer on your side. Mas appropriate para sa mga bata ang mag-take ng risks dahil may time pa silang bumawi.
In this case, I suggest na iinvest ang bucket list fund sa mix of those previously discussed as long as properly planned – time deposit, bonds, money market and bond fund ng UITF or mutual fund, PagIBIG MP2 at share capital sa kooperatiba.
Purpose: pamana to leave a legacy behind
Isang magandang pamana ang real estate dahil nag-aappreciate ito over time. Kung gagawing rental property ang real estate, maganda din itong pang-augment sa daily needs at pondohan ang wants.
Siyempre ang mga investments na nabanggit ko previously ay maipapamana din. Take stock of all your assets or estate para alam mong hati-hatiin ang mga ito para sa mga mahal mo sa buhay.
Gumawa ng trust o will
Maghanda ng trust or will para maisaayos ang lahat bago ang kamatayan. Mahalaga ito dahil hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord.
Maiiwasan ang di pagkakaunawaan at alitan sa pamilya kung may legal document na iiwanan para sundin ang huling hiling o habilin. Mas magandang pag-usapan na rin ito kasama ang mga mahal sa buhay habang buhay pa para magkaroon ng malinaw na kasunduan.
Negative list
Kapag natanggap na ang retirement money or umabot ka na sa retirement age mo, it is time to protect your investment at dapat ilagay na ito sa safe ans secure investment. Ang perang ito na kasi ang aasahan natin for our survival hanggang kamatayan kaya di dapat kumuha ng risk na baka maglaho ito.
Iwasan ang mga investments na sumusunod:
- Stock market
- Balanced fund and equity funds of mutual funds and UITFs
Avoid investment scams
Pinupuntirya ng mga scammers ang mga retirees para makuha ang kanilang retirement fund. Gagawin nila ang lahat ng paraan para maakit at maloko ang mga ito tulad ng pagpapangako ng malaking interest at garantisado ang investment.
Iwasan ang temtasyon na mahulog sa panlolokong ito and keep focus on your purpose.
Social investments
Social investments are investments that address social and environmental problems with decent returns. I’ve been doing social investments for almost 20 years and it has consistently provided me returns that beat the stock market.
These investments are placed in microfinance institutions, cooperatives and social enterprises all over the Philippines. We enter into joint venture arrangements with organizations and social investors to do this.
For a list of social investments, click this.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent