was successfully added to your cart.

Cart

Pooled funds: Mga investment fund na dapat intindihin bago pasukin upang kumita

Ang pooled funds ay isang basket ng investment galing sa maraming investors na mina-manage at ina-administer ng professional fund managers. Ang karaniwang tatlong financial products ng pooled funds sa Pilipinas ay ang mga sumusunod—mutual fund (MF), unit investment trust fund (UITF) at exchange traded fund (ETF).

Paano gumagana ang pooled funds?

Pinagsasama-sama ng mga fund managers ang pera ng mga investors sa isang pooled fund. Ito ay naglalayong magkaroon ng malaking halaga na puwede nilang mai-invest.

Ang mga fund managers ang namamahala at nagpapatakbo sa investment ng mga investors at kapalit nito ay mga fees. Sa mga fees tulad ng fund management fee, exit fees at sales load fees kumikita ang mga fund managars.

Pumipili ang mg fund managers ng iba’t-ibang klase ng investments alang-alang sa mga investors at pinagsasama ito sa isang “basket” na ang tawag ay fund. Ang fund ay maaring kumita o malugi depende sa performance nito.

Ang kita o lugi sa investment basket o investment fund ay ipinapasa ng mga fund managers sa mga investors.

Iba’t ibang klase ng pooled funds

 Ang (1) stock o equity fund, (2) bond o fixed income fund; (3) money-market fund at (4) balanced fund ay ang apat na klase ng pooled funds. Ito ang mga basket of investments na paglalagakan ng na-pool na funds mula sa mga investors.

Ang balanced fund ay maaring kmbinasyon ng anuman sa tatlo—stock o equity fund, bond o fixed income fund, at money-market fund.

Para kanino ang pooled funds?

Bago pumasok sa mga investment funds tulad nito, napakahalagang gumawa muna ng financial plan.

Paano gumawa ng financial plan

 

 

 

vincerapisura.com


9 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: