Understanding time deposits

Ang time deposit o TD ay karaniwan ding tinatawag na certificate of deposit o CD. Ito ay isang klase ng fixed deposit sa bangko.

“Fixed” deposit ang tawag dito dahil sumasailalim sa kasunduan na hindi gagalawin ang pera sa napagkasunduang term. Isang certificate of time deposit ang ibibigay ng bangko bilang patunay sa idinepositong pera.

Deposit term

Kadalasang isang buwan hanggang isang taon ang time deposit. Pero may mga bangkong nagbibigay ng mas mahabang panahon—lima hanggang pitong taon.

Kapag ang time deposit ay may term na lagpas sa limang taon, tax exempt na ito. Ibig sabihin, wala nang 20% withholding tax na ipapataw sa deposito.

Interest rate

Kapalit ng pagpayag na hindi gagalawin ang pera sa napagkasunduang term ng time deposit, nagbibigay ang bangko ng mas malaking interest rate kapalit nito.

Sa mga commercial banks, depende sa laki ng perang ide-deposito at tagal ng term, ang interest rate ay 0.38% hanggang 4.00% kada taon. Sa mga rural banks naman mas mataas ito – 2% hanggang 10% kada taon.

Deposit size

Inaakala ng marami na kailangang magkaroon ng malaking halaga para makapag-time deposit. Sa katunayan, halos lahat ng mga commercial banks nagsisimula ang amount para sa time deposit sa halagang PhP1,000 lamang.

Pre-termination

Ang isa sa mga madalas na maling akala sa time deposit ay hindi pupuwedeng makuha ang deposito kung hindi pa nag-mature ang term. Maaring i-pre-terminate ang time deposit anumang oras.

Kapag nag-pre-terminate ng time deposit meron itong penalty. Most of the time hindi naman maapektuhan ang perang idineposit dahil kadalasan ang penalty ay 75% ng interest rate na kikitain dapat.

Halimbawa, sa halip na 1.00% ang makukuhang interest rate, kung nag-pre-terminate, bababa ito sa 0.25%. Mainam pa ring linawin ang penalty sa pre-termination sa bangko bago pumasok sa time deposit.

Requirements to open time deposit

Para makapagbukas ng time deposit, kailangan mo munang magbukas ng savings deposit sa bangko at identification card na issued by a government agency. Walang fees at charges ang pagbubukas ng time deposit.

Insurance deposit

Insured ang time deposit sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) hanggang sa halagang PhP500,000. Ibig sabihin, kapag nagsara ang bangko mababawi mo ang time deposit mo hanggang sa halagang ito.

Collateral

Lingid sa kaalaman ng marami, maaring magamit ang savings o time deposit as collateral para makakuha ng loan. Mahalaga itong paraan lalo na sa mga negosyante na nage-establish ng kanilang credit history.

Maximizing use of time deposit

Napakasimple ng time deposit kaya madali itong intidnihin. Pero dahil maliit ang interest na binibigay nito, gusto ng mga baguhang investors na tumalon agad sa mga mas komplikado o sophisticated na investment products.

Tandaan na safety, security and liquidity ang main features na maganda sa time deposit. So kung ang financial goal mo ay kinakailangang safe, secire and liquid tulad ng emergency savings; paglalagakn ng retirement fund kapag retired na; o budget sa pagaaral ng anak na malapit nang mag-aral, time deposit ang isa sa mga investment options na dapat gamitin.

vincerapisura.com


7 Comments

Leave a Reply

%d bloggers like this: