Maraming mga maliliit na negosyo ang gustong humiram ng pera upang pondohan ang kanilang expansion. Pero dahil hindi nila ito napagpaplanuhan, ora-orada ang gusto nilang approval ng kanilang loan application.
Hindi ganito gumagana ang banking system.
Build banking relationship
Maaga pa lang, dapat ay nagbibuild na relationship ang negosyante sa bangko. Isa sa mga paraan nito ay ang pagbubukas ng savings at checking account ng negosyo dito.
Makipag-usap sa branch manager at ipaalam sa kaniya ang nangyayari sa business upang unti-unti kang makilala ng bangko. Maging mabait sa mga frontliners nila upang matandaan.
Government compliance
Siguraduhing sumusunod sa batas sa pagnenegosyo. Bayaran ang nararapat na buwis sa tamang oras sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Sundin din ang patakaran ng pagbabayad sa business permit sa local government unit; Social Security System (SSS), Pag-IBIG at PhilHealth.
Tintingnan ito sa assessment ng bangko at ipinapa-submit sa panahong ng application at renewal ng credit line.
Get professional external auditors
Umpisa pa lang, kinakailangang mag-invest sa maayos na external auditor. Ang external auditors ay mga lisensiyadong accountants na nagchecheck kung tama ang reporting na ginagawa sa financial statements.
Mahalaga ito dahil ang audited financial statements ang magiging basehan kung aaprubahan ng bangko ang credit line application. Dito rin nakabase kung magkano ang puwedeng ipahiram sa negosyo. Mahalaga din ito kapag nagfa-file sa BIR at sa Securities and Exhange Commission (SEC) kung korporasyon.
From 2008 to 2016, Ernst and Young at ang ka-partner nitong SGV Co. ang external auditor ng aking mga kumpaniya. Mula naman 2017, PricewaterhouseCoopers at ang ka-partner nitong Isla Lipana ang pumalit.
Malaki ang binabayaran pero pasado at katanggap-tanggap ang quality standards ng mga bangko. Hindi naman kinakailangang mamahalin ang mga external auditors, maaring kumuha ng abot-kaya basta suguraduhing tapat at maayos ang reporting.
Magsimula sa maliit na halaga
Mas madali ang approval kung maliit lang ang amount na hihingin. Ito ang aking enrty tactic sa kanila. Kapag na-approve na, nagrerequest ako ng mas mataas na credit line sa aplication for renewal.
Pagplanuhan ang application
Sa unang pagkakataon naming mag-apply ng credit line, isang taon namin itong pinaghandaan kasama na ang halos tatlong buwang processing ng loan o credit line application. Nasa isang buwan naman ang tagal ng credit line renewal basta kumpleto ang dokumentong ipapakita.
Pangalagaan ang pangalan ng negosyo
Sa huli, track record pa rin sa repayment ang titingnan ng mga bangko. Siguraduhing walang mintis sa pagbabayad ng loan ayon sa schedule.
Paalala lang na gamitin ang loan sa bagay na kumikita o makakadagdag ng kita sa negosyo.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent