was successfully added to your cart.

Cart

Mga senyales ng investment scam at paano ito iiwasan

Maraming biktima ng Kapa sa mga DepEd teachers dito sa Malaybalay, Bukidnon. Nalaman ko ito habang nagbibigay ako ng financial literacy training sa kanila from October 21-25, 2019.

Sumbong ng kanilang head sa akin, na marami ang kumuha ng loan at inilagay ito sa Kapa. Aniya’y na-witness niyang may isang araw ng collection sa mga teachers noon at umabot sa PhP2 million ang collection ng KAPA representative sa kanila.

Nangangamba siyang magkakaroon ng negative effect sa teaching performance ng mga guro ang pangyayari in the long run dahil nanlulumo na ngayon ang mga biktima ng investment scam dahil panahon na para magbayad ng kanilang inutang.

Nauna na akong gumawa ng articles about investment scam before. You might want to read these:

Narito ang mga senyales ng investments scams.

High fantastic earnings

Ito ang pinaka epektibong strategy ng mga investmet scammers. Sinisilaw nila ng mataas na kita ang kanilang bibiktimahin. They often target those who have little knowledge about financial products or investments at dadaanin nila ito sa kanilang sweet talk.

Ano ang mataas na earnings? 

Para sa akin, kapag lumagpas na sa 20% per annum ang investment returns, mataas na ito. Kaya napakahalagang malaman mo kung sa anong paraan kumikita ang investment o negosyong papasukin.

Alalahanin na may magbabayad sa ibibigay sa iyong mataas na kita. Maaring ang mga customers na bibili ng produkto ay pinapasahan ng mahal na presyo. Example, mga networking na bebentahan ka ng pagkamahal-mahal na sabon o toothpaste o kaya pampayat; na hindi naman talaga kailangan. 

May sales target ka na hindi mo kayang ibenta kaya napipilitang ikaw mismo ang bumili. Sounds familiar?

Puwede ring baka inaabuso ang kanilang mga empleyado at hindi binabayaran ng tama o kaya ay binabarat ang kanilang suppliers para lumiit ang gastos at malaki ang maibigay sa iyong earnings. Maaatim ba ito ng konsensiya mo?

Recruitment

Ang pinaka-common kung bakit malaki ang earning na makukuha mo ay dahil sa recruitment ng bagong members na magbibigay din ng investment. Kikita ka sa commission sa recruitment.

Recruitment is not a viable business model. You shouldn’e earn from recruitment alone. Dapat kumikita ka from the sale and trade of the value created of products and services.

Bato-bato sa langit sa mga nakiki-ride on sa mga investment scams nang maaga para kayo ay makinabang sa malaking earnings, tamaan sana kayo ng napakalaking bato. Darating din ang karma sa inyo.

Biglang yaman testimonials

Sa totoo lang, ang puno’t dulo nito ay dala ng kagustuhan makaahon sa kahirapan at kagustuhang matulad sa mga nagbibigay ng pagpapatotoo or testimonials ng kanilang tinamasang grasya, suwerte o blessings. Naeenganyo tayong sumubok at tuluyang sumali dahil sa mga biglang yaman testimonials na ito.

Saan na ang mga biglang yaman na mga yan ngayon? Di ba sila ang nahilaan ng magarbo nilang sasakyan? Napiilitang ibenta ang kanilang bagong tayong bahay? Nabalitaan niyong nangungutang ulit?

Always remember that a good business model takes time to develop and once ma-develop ito, it can be sustained in the long term. Kaya humanap nang mahabang track record, huwag yung mabilisang rags to riches story.

Quick and easy investments 

Nakakapagtakang maraming tao ang napapayag magbigay ng malaking halagang investment sa napakadali at napakabilis na transaksyon. Madaling nagbibitaw ng pera tapos kapag nakapagbitaw na, saka uusisahin at magtatanong sa pinasok.

Baliktad. Kaloka.

Ikumpara ang proseso sa pagbubukas ng savings account sa bangko, di ba kinukunan ka ng government ID at may application form? Savings account lang yan. 

Kapag investment account ang bubuksan mo usually ay may investment profile ka pang ifi-fillup para ma-assess ang iyong risk profile and investment goals, may orientation, government IDs at application form.

Sa scam, usually wala ang mga ito. Mabilis at madali ang transaction. Kaya magtaka kung masyadong mabilis at madali ang proseso.

Risk-free investments

Ang investment offer ng mga scammers ay walang talo ang papasuking investment at sigurado 100% na babalik ang pera mo. Wala pong ganitong klaseng investment. Lahat ay may risk.

Ang Pag-IBIG MP2 nga na 100% guaranteed na ng gobyerno, may risk pa din. Kasi kung bumagsak ang gobyerno, mawawala ang guarantee. Ang tanong, ano ang tsansang bumagsak ang Philippine government. Napakaliit di ba. Maliit man ang tsansa, may risk pa din.

Magandang technique dito ang pagtingin sa reputation in the community ng nag-ooffer sa iyo at nagbibigay ng testimonials. Kung minsan na silang naging bahagi ng scam dati; kung alam mong nabikitima na sila dati; kung biglang yaman katulad ng dinescribe ko sa itaas, magduda at huwag nang sumali.

Gaya-gaya, puto maya

Ang isang malaking pagkakamli ng mga biktima, at aaminin kong mahirap talaga itong maiwasan ay ang maenganyong sumali sa investment scam dahil karamihan ng nakapaligid sa kanila ay sumali na rin. Minsan ay sasabihin pa ngang wala silang pakisama.

May sense kasi na nararamdamang tama ang gagawin dahil marami naman ang gumawa nito. Everyone’s doing it, it must be legit, why shouldn’t I?

Very wrong.

Hindi po ibig sabihin na ginawa ito nang marami ay nagiging tama na ang gawain. Balikan ang mga sensyales na sinabi ko sa itaas at gamitin itong mga criteria bago magpadala sa pangeenganyo ng mga nakapaligid sa iyo.

Fear of missing out

Ang mga investment scams ay inaapura ka din. Tinatakot ka nilang hindi ka na makikinabang sa once in a lifetime chance na ibibigay nila sa iyo.

Kung talagang maganda ang business o investment, magtatagal ito and therefore, there is no need to rush. Ang magandang investment ay hindi mawawala at magkakaroon pa ng ibang opportunities o pagkakataon para makasali dito.

Ang isang magandang investment ay replicable and scalable, hindi one time chance. In fact an formula ng magandang investment o business ay to consistently delivery product or service value to customers that will bring in profits.

Iwasan mo na kang ang entrada sa iyo ay, pagkakataon mo na ito ngayon na sumali kasi bukas maaring wala na ito.

Can’t find details online or publicly

Malihim ang mga investment scams. Mahirap silang hanapan ng detalye. Karamiwang sinasabi nilang ang imprmasyon tungkol sa kanila ay ibibgay lang nila sa iyo kapag kasali ka na or member ka na.

Mali. 

Dapat, alam mo muna ang impormasyon ng investment bago mo ito pasukin. Kaya ang mga registered investments, usually may prospectus ang mga ito na naglalaman ng business mondel, historical performance at risks nito.

Kung mahihirapan kang hanapin online ang impormasyon tungkol sa kumpaniya at investment nila at hindi ito available publicly, malamang scam yan.

Ask, check and confirm

Paano natin lalabanana ng lahat ng ito? Simple lang ang aking strategy 🡪 ask, check and confirm.

Magtanong ng impormasyon mula sa nagooffer sa iyo ng investment. Ito ang mga itanong:

  • Pangalan ng taong nagooffer ng investment at ang kumpaniya nito
  • Address ng tao at ng kumpaniya – pareho itong kunin
  • Phone number ng opisina ng kumpaniya – hindi sapat ang mobile phone lang. Senyales na fly by night kung walang land line
  • SEC registration or secondary license as an investment taker
  • Kung walang secondary license, sample ng pipirmahang kontrata
  • Prospectus o anumang dokumento na magbibigay impormasyon at detalye sa investment. Nakalagay dapat dito ang business model, historical performance at risks at the minimum

Once nakuha ang mga impormasyon na ito, i-check with relevant sources. Suriin ang identity ng taong nagooffer ng investment at bisitahin ang physical office nila. 

I-check kung gaano na katagal ang opisina nila. Mas maganda kung owned ang kanilang main office at hindi rented. For example, ang mga matatatag na kooperatiba ay usually may malaking building at sila ang nagmamay-ari nito.

Pag-aralang mabuti ang prospectus o impormasyon tungkol sa investment. Ilista lahat ang mga tanong at mga gustong linawin at kunin ang mga sagot dito at gamitin sa pagdedecide.

There is no such thing as a stupid question. Huwag ding papadala sa tactic nila na mahina ang kukote mo or hindi ka financially savvy dahil di mo gets ang kanilang business model. Stay strong ang stand your ground. Continue checking.

I-confirm ang mga nakuhang impormasyon sa government agencies tulad ng Securities and Exchange Commission, Insurance Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Trade and Industry, Bureau of Internal Revenue at iba pang relevant government agencies.

Take your time

Huwag mag-apura. Refuse to be rushed. Take your time to study the investment and give time for yourself to decide whether to invest or not. 

In my experience for investments that is PhP50,000 and above, it usually take me a month to study and to decide. Habang lumalaki, lalong tumatagal ang oras na kailangan ko. Sa investment sizes na PhP1 million, it usually take me about six months to make a decision.

Magdahan-dahan

Lahat tayo ay naghahangad ng masaya, mapayapa at masaganang buhay. Pero para sa akin ang pinakamabilis pa rin na paraan ng pagyaman ay kung magdadahan-dahan. 

Umiwas sa investment scams. Ang pagyaman, napag-aaralan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: