was successfully added to your cart.

Cart

Bago pa man magsimula ang pandemic, hindi na maganda ang kalagayan ng maraming Pinoy sa pera. Sa SEDPI research namin, nasa walo sa bawat sampung pamilyang Filipino ang walang emergency fund. Sa 20% na meron nito, kakapiranggot lang ang may sapat na emergency fund na dapat katumbas ng siyam na buwang gastusin.

Siguradong papalalain ng pandemic ang sitwasyon natin sa kakulangan ng pera dahil lahat naman tayo ay tinamaan nito. Isa ka sa mga mapapalad kung hindi ka pa nagipit ngayong panahon ng pandemic.

Katulad ng COVID-19 nakakahawa din ang makaramdam ng takot, pangamba at pagkabalisa dahil sa nangyayari sa ating paligid – marami sa atin ang nagasara ng negosyo; nawalan o nabawasan ang trabaho; at humina ang benta o kita. Siyempre, ang tanong nating lahat sa sarili, paano ba natin malalampasan ang economic crisis na ito.

Pre-pandemic budgeting rule

Ang pre-crisis o pre-pandemic budgeting principle ko ay save and invest as much as you can. Dito gumagamit tayo ng budgeting rule na 5-15-20-60, meaning 5% ng monthly income ay mapupunta para sa insurance budget; 15% para sa savings; 20% sa investment at 60% para sa expenses.

Ito ay ginawa ko with the assumption na may kasaganahan tayong tinatamasa at walang economic crisis. Malamang marami ang hindi na makakasunod nito at mahihirapan itong gawin.

 

Pandemic budgeting rule

Ngayong COVID-19, ang pandemic budgeting principle ko ay save as much as you can. Kung saan susundin natin ang 5-10-85 allotment where we budget 5% of our income for insurance premium; 10% for savings and 85% for expenses.

Binawasan natin ng portion para sa savings; nagdagdag ng budget sa expenses; at tinanggal natin ang budget for investment dahil sa pagbaba ng pumapasok na income. Hindi advisable ang pagpasok sa mga bagong investment ngayong nakakaranas tayo ng pagbaba ng income.

Budgeting for poor households

Ang susunod na gabay ay base sa pamilyang may limang miyembro at mga datos mula sa Philippine Statistics Authority.

Kung ang kinikita kada buwan ay less than PhP12,000, ibig sabihin classified ang pamilya bilang mahirap. Tinatayang nasa 2 sa bawat sampung pamilyang Filipino ang mahirap.

Sa ganitong sitwasyon, mahirap talagang magtabi ng pera dahil kulang ang kinikita upang punan ang mga pangunahing pangangailangan o basic needs. Piliting punan ang mga pangangailangan at kumuha ng ayuda mula sa gobyerno at iba pang ga charitable institutions para malampasan ang pandemic.

Magpamember sa SSS o Social Security System at Pag-IBIG o Home Development Mutual Fund para makakuha ng social saftey nets ng ating gobyerno. Pagsumikapang magbayad kahit isang beses sa SSS at minsan kada kada anim na buwan sa Pag-IBIG para magkaroon ng life insurance coverage sa napakamurang halaga.

Buti na lang at may Universal Health Care Law kung saan automatic members tayong lahat sa PhilHealth anong antas man tayo sa lipunan. Puwede na itong pang-cover sa basic health needs.

Ang SEDPI ay accredited collection agent ng SSS at Pag-IBIG. Kung interesado kayong magpamember, bumisita lang sa Vince Rapisura messenger at i-send ang REGISTER SSS or REGISTER PAG-IBIG para masimulan ang application process.

Maaari pa rin namang iapply ang rule ko na save as much as you can sa sitwasyong ito, pero ang applicability ay hanggang sa kayang panahong idelay lamang. Ibig sabihin, huwag gastusin ang pera nang sabay-sabay.

Kung kayang ipagpaliban ang ibang paggastos, ay gawin ito. Humanap ng mga paraan kung paano makakalibre sa mga pangangailangan o mga substitutes kung saan makakamura sa gastusin.

Budgeting for low-income households

Kung ang kabuuang kinikita ng pamilya ay PhP12,000-PhP24,000 classified as low income household ito. Kalahati ng pamilyang Filipino o lima sa bawat sampu ang napapabilang sa low income household.

I suggest na piliting iapply ang aking 5-10-85 pandemic budgeting rule kung kabilang ang pamilya mo sa mga low income households. Sa ganitong paraan, may adequate insurance coverage na higit pa sa binibigay ng gobyerno at may maitatabing savings pandagdag sa emergency fund.

Kapag pinagsama natin ang mahihirap at low income households, covered na natin ang majority o 72% ng kabuuang bilang ng pamilya sa Pilipinas.

Budgeting for the middle class

Kung kumikita ng PhP24,000 hanggang PhP140,000 kada buwan ang pamilya, napapabilang kayo sa middle class ng bansa. Unlike ng mga mahihirap at low income households, may kakayahang pimili ng kanilang lifestyle ang mga middle class na hindi nakukumpromiso ang kanilang basic needs.

Therefore, ang expectation ko sa mga middle class ay kayang iapply ang 5-15-20-60 pre-crisis budgeting rule. This time though, ang focus pagdating sa investment ay sa mga financial products that would preserve capital at iwasang matukso sa mga investments na magbibigay ng napakataas na returns o yung maaring mabawasan ang principal ng investment.

For investments, I suggest to stick with my usual recommendations Pag-IBIG MP2; SSS Flexi or PESO fund; rural bank time deposits up to PhP500,000; and time deposits in cooperatives with COOP-PESOS rating of 80 and above.

I also encourage you to explore and patronize socially responsible investments o SRIs. May mga rekomendasyon na ako tungkol dito katulad ng sa Organic Options, Inc.; Nueva Segovia Consortium of Cooperatives; United Sugar Planters of Digos etc. If you are interested to know more, go to Vince Rapisura messenger and type SRI Options to know more.

Budgeting for the rich

Ang natitirang 1% ng mga pamilya ay ang mga mayayaman o yung mga kumikita ng PhP140,000 pataas. Isa sa mga pinaniniwalaan ko sa buhay ay ang mga taong nabigyan ng mas maraming resourcestulad ng pera, talino at talento ay mas may responsibilidad at obligasyon sa lipunan.

Dapat silang magbahagi ng kanilang kayamanan, talino at talento para sa ikabubuti ng marami. Sa mga mayayaman, dapat ay may pagkukusang tumulong sa mga mahihirap at low income households lalo na panahon ng pandemic.

Ang mga landlords at dapat magbigay ng grace period sa mga tenants; gayundin ang mga creditors sa kanilang mga borrowers. Para sa akin, hindi rin makatarungan ang pagpapataw ng interest noong panahon ng lockdown.

Kailangan ng compassion sa mga panahon ngayon at ang goal ay mairaos natin ang isa’t-isa para sabay-sabay ding guminhawa. Tandaang kailangan nating tulungan ang ating kapwa para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bawat isa.

 

Budget to survive then thrive

Ang goal natin ngayon ay makaligtas at malampasan ang pandemic para mas magkaroon tayo ng pagkakataong uunlad at lumago pagkalipas nito. Kung ikaw ay kabilang sa mga mahihirap at low income households, magtiwala sa Diyos at sa sarili; patuloy na magsumikap at huwag mawalan ng pag-asa.

Para sa mga middle class at mayayaman, napakarami ngayong opportunity para makatulong sa kapwa. Sana ay gamitin niyo ang pagkakataon itong maibahagi ang inyong yaman sa materyal na bagay, sa talino at talento para sa ikagiginhawa ng buhay ng iba.

Ako si Sir Vince, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan!

Kung sa tingin mo makakatulong ang pandemic budgeting rule sa mga kapamilya, kaibigan at mga kakilala mo, please feel free to like, comment and share. Mahalagang bahagi ito para mapalaganap natin ang financial literacy advocacy natin sa bawat Filipino saan man sa mundo.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: