was successfully added to your cart.

Cart

Worried about COVID-19 lockdown? Here’s how you should react

Nababalot ngayon ang mundo ng pangamba at kalituhan dahil sa kawalang-katiyakan dulot ng COVID-19 pandemic. Hindi ako magtataka kung maraming natatakot at siyempre nakakadagdag pa sa stress ang lockdown at alalahanin tungkol sa pera.

Ngunit mas makakatulong kung kakalmahin natin ang ating sarili at gamitn ang panahong itong maghanda at ayusin ang ating financial health. Mas magandang harapin natin ito ngayon at magkaroon ng desisyon sa mga what-if scenarios kaysa saka pa lang tayo mag-iisip ng solusyon kung nasa harap na natin ang di inaasahang sitwasyon.

Narito ang mga tips ko sa inyo para mapagaan ang dinadala nating pangamba ngayon.

Name your ICE

In case of emergency (ICE) ang tawag sa emergency contact person sakaling may mangyaring masama sa iyo. Siya ay gatekeeper ng iyong mahahalagang impormasyon kaya mahalagang pinagkakatiwalaan mo kung sino siya.

Maari ang ICE mo ay ang iyong asawa, legal-aged na anak, magulang, kapatid o kaibigan. Puwede namang hindi iisang tao ang ICE mo. Puwede mong hatiin ito sa iba’t-ibang tao. For example, sa akin, when it comes to personal money, panganay na kapatid ko ang aking ICE; sa usapin ng kalusugan, ang life partner ko ang aking ICE.

Make sure na kaya at gustong gawin ng ICE ang habilin mo at available siya kapag kailangan mo. Siguraduhing alam niya ang medical history mo at may legal power to act on your behalf. Kaya din niyang makipag-usap at ipabatid ang sitwasyon mo sa kinauukulan kung kinakailangan.

Gumawa ng emergency plan

Tipunan ang mga mahal sa buhay sa bahay at pag-usapan objectively ang nangyayari. Mas maganda king isasama ang iyong ICE sa emergency planning na ito.

Pag-usapan ang mga realistic what-if scenarios. For example, may tamaan ng COVID-19 sa inyong bahay, anong gagawin at sino ang tatawagan? Aling parte ng bahay ang gagawing isolation room?

Maraming puwedeng maging what-if scenarios at malamang mag-iiba-iba ito sa bawat pamilya. Pagkatapos gawin ang emergency planning, samahan ng dasal, para makaramdam ng pag-asa.

Verify health and life insurance details

I-review ang iyong health and life insurance policies at tawagan ang iyong insurance agent kung may mali o may kailangan kang iupdate sa impormasyon na nakalagay dito. Pag-aralan kung ano ang mga exclusions, deductible at anu-ano ang covered sa health at life insurance mo.

The best time to get health insurance is if you are still healthy. Kasi malamang, tatanggihan ka na ng insurance companies kung bibili ka pa lang kapag tinamaan ka na ng sakit.

Ang mga taong may kailangan ng life insurance ay iyong may dependents at breadwinner. Kung wala ka namang dependent, hindi mo kailangan nito dahil walang kailangang ireplace na income para mabuhay ang dependent mo.

Two quick reminders on insurance. First, follow my 5-15-20-60 budgeting rule kung saan nililimitahan mo ang ibabayad sa insurance premium katumbas ng 5% ng iyong income. Kung as malaki ang ibinabayad mo sa premium kaysa dito, malamang you are over paying for insurance.

Second, iwasan at all cost ang investment-linked insurance o tinatawag na variable universal life insurance of (VUL) Mapapamahal ka lang dito.

Basahin ang “Paano maghanda financially laban sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV)” kung saan dinetalye ko ang mga health insurance plans and options bago pa pumutok ang COVID-19 pandemic.

Take stock of your emergency fund

Ang advice ko for emergency savings ay dapat mayroon tayonitong katumbas ng siyam na buwang gastusin. Nakalagay dapat ito sa safe at liquid financial products tulad ng savings account sa bangko.

Sa ngayon, isang buwan ang lockdown na ipinapatupad pero madaming bulung-bulungang ito ay maaring tumagal pa at lumampas sa isang buwan. Mahaba ang pisi mong makakasurvive sa mga regular na gastusin kung sinunod mo na ang suggested emergency savings amount na meron ka.

Emergency savings kasi dapat ang gagamitin natin, at hindi utang, sa panahong tayo ay tamaan mga di inaasahang bagay tulad ng COVID-19 o lockdown.

Read: Saan dapat nakalagay ang emergency savings
Watch: Emergency savings

Take this opportunity to start buidling your emergency savings kung wala ka pang nasisimulan o hindi pa sapat. Gawin ito habang hindi pa tinatamaan ng COVID-19 kasama ng dasal na protektahan ni Lord.

Huwag magdesisyon sa pera dahil sa takot

May ilang nagtanong sa akin kung dapat na ba nilang ibenta ang kanilang exposure sa stock market dahil sadsad ito nang halos 50% mula sa pinakamataas nitong level. Natatakot daw silang baka tuluyang maglaho ang pinagpagurang pera dahil sa nangyayaring selloff sa stock market.

Ang advice ko sa kanila ay kung makakapag-antay sila at hindi naman nila kailangang ng cash in the next months dahil may sapat pa sila, ay huwag muna nila itong ibenta. Halatang mga baguhan sila at hindi pinag-isipang mabuti ang pagpasok nila sa stock market.

Primary rule sa investing ay magbenta kung mataas ang market at bumili kung mababa ang market. Panalo ang mga maraming cash position ngayon kasi madami sa mga investment assets ay nagiging mura.

Walang kailangang ipangamba sa investment position kung financially stable at akma sa target ang financial life stage – meaning may sapat kang emergency savings, may tamang insurance coverage at may passive income ayon sa iyong edad.

Para malaman kung ikaw ay financially stable, makakatulong kung alam mo ang pumapasok at lumalabas na pera at iyon personal balance sheet. You can access this by sending keywords to Vince Rapisura Facebook messenger and follow the instructions there. Type MIMO then hit send to access money in money out form; and type SALN then hit send to access the statement of assets, liabilities and networth form.

Hindi magandang magdesisyon sa pera kapag puno ng takot, pangamba at pag-aalinlangan. Nahahaluan kasi ng matinding emosyon kaya malaki ang tsansang hindi maganda ang kalalabasan. Pakalmahin ang sarili at isama ito sa emergency planning para mas luminaw kung ano ang dapat gawin.

Read: 5 emosyong sagabal sa personal finance succes

No hoarding and panic buying

Walang maitutulong sa iyo at sa komunidad ang hoarding at panic buying. Pinapamahal lang nito ang bilihin at pinagkakaitan ang iba ng pagkakataon na makuha din ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga pinamili ay maaring hindi kailanganin, mabulok lang at masayang lang ang perang ginamit dito.

Bumili lang nang sapat at sa level na kinaugalian.

Refinance if you have loans

Isang magandang pagkakataon na irefinance ang loan kung meron kang high-interest bearing loan. Nagawa ko ito dati sa kapatid ko na may mataas na mortgage loan. Noong global financial crisis nirefinance namin ang mortgage ng bahay niya mula sa 7% per annum pababa sa 4% per annum fixed rate.

Dahil dito, bumaba ang babayaran niyang housing loan payment kada buwan. Ang pinili ng kapatid ko ay paikliin ang panahon ng pagbabayad sa bahay at pareho pa rin ang installment niya kada buwan. From, 25 years na housing loan term, napababa niya ito sa 15 years. May tatlong taon na lang ang natititra at matatapos na niya itong bayaran.

Pareho ang sitwasyon ngayon. Binawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rate nito mula sa 4.25% sa simula ng taon at ito ay nasa 3.5% na lamang ngayon. Makikinabang dito ang mga may existing crediy line facilities kasi puwede nilang bayaran ang kanilang lumang loan at mag-access g oanibago para mas mababa ang interest na makukuha.

Keep some cash

Maganda ring may cash na mabubunot sa wallet. Para lang ito masigurong kapag tinamaan ng hindi inaasahan ay may nakahandang perang madaling magamit agad. Hindi kinakailangang mag-withdraw at humawak ng limpak-limpak na cash.

Look for opportunities to cut expenses

Dahil lockdown tayo ngayon, kaunti ang temptasyong gumastos – sarado ang malls at mahirap ang delivery sa online shopping. Take this opportunity na makatipid.

Aside from this, maganda din itong panahon na balikan ang iyong spending patter in the past. Isang magandang paraan na ginagawa ko dito ay inilalabas ko ang mga credit card statements ko at hinahighlight ang mga items na puwede namang hindi ko binili.

Another way is to file your receipts. Ayusin mo ang iyong mga resibo at dito mo makikita kung ang pinagkagastusan ay need or want.

Upgrade your knowledge and skills

Kaysa ubusin ang oras sa panonood ng sa Netflix at oba pang streaming services o kaya ay patayin ang oras sa social media, why not take online courses para may dagdag kaalaman? Maraming mga feee online courses ngayon.

If you are interested to take free online course on personal finance para maimprove ang iyong financial literacy, you may go to my website for instructions.

Recharge and rest

Kung meron mang silver lining sa lockdown na ito ay marami tayong oras para makapagpahinga. Itake natin ang pagkakataong gawin ito dahil parati tayong pagod sa trabaho.

Let’s spend time quality time with our family and reconnect, through technology, with our friends. Kung may mga kailangang ayusing issue sa pamilya, napakagandang pagkakataon nito para magkaroon ng panibagong panimula.

Hope for the best, expect the worst

Ayon sa Department of Health at World Health Organization, 80% ng mga tinatamaan ng COVID-19 ay nakakaramdam ng mild symptoms at hindi naman kinakailangang magpa-ospital. Kailangan lang iobserve ang quarantine measures. Mataas din ang recovery rate at mababa ang mortality rate kumpara sa ibang sakita.

Nagdaan na ang mundo sa mas malubha pang sitwasyon tulad noong World War 1, World War II, Spanish flu pandemic at iba pang mga krisis. Pero nalampasan natin ang mga ito. Kaya ang sa akin, matter of time lang at malalampasan ulit natin ito.

Panatilihin nating malakas ang ating kalusugan. Kumain ng gulay, mag-exercise para mawala ang stress at matulog nang tama. Siyempre, panatilihin pa rin natin ang social distancing at ugaliing parating maghugas ng kamay.

Lilipas din ito. Iyan ang laging ipaalala sa sarili.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: