Dahil sa napakaraming reklamo sa mga online lending apps at platforms, narito ang kanilang mga karaniwang unfair debt collection practices. Magsilbi sana itong babala sa mga nagbabalak kumuha ng loan sa mga online lending apps o platforms na ito.
Use of threat of use of violence
Hindi sapat na dahilan ang hindi pagbabayad ng utang upang ikaw ay saktan physically or emotionally. Ipinagbabawal ang paggamit ng hindi pagbabayad ng utang bilang dahilan upang sirain ang reputasyon ng isang tao.
Use of obscenities, insults, or profane language
Madalas daw makarinig ng pambabastos at pagmumura ang mga hindi nakabayad ng loan on time mula sa mga agents ng online lending apps. Umaabot daw sa sinisigawan sila at iniinuslto pa.
Isa iting uri ng unfair debt collection practice at ipinagbabawal ng SEC.
Disclosure or publication of borrowers’ names
May mga Facebook page daw ang ibang online lending apps at inililista nila ang mga pangalan ng mga borrowers na hindi nakapagbayad sa kanila. Tinatag din ang mga Facebook friends ng borrower para malaman na hindi nagbabayad ng utang.
Violation po ito ng right to privacy kaya ipinagbabawal.
Communicating false information
Sa ibang instances, nagbibigay pa daw ng mali at malisyosong impormasyon ang agent ng online lending app sa mga kamag-abak, katrabaho at kaibigan ng borrower. Halimbawa pinapalabas na balasubas ang borrwer at ayaw talagang magbayad pero ang katotohanan ay under dispute pa ang loan sa kanila.
False representation
Sa kagustuhang mangulit at makakolekta mula sa mga borrowers, nagpapanggap ang mga agents ng online lending apps upang linlangin ang borrower. Ang pinakagrabe kaso kong nadinig ay tumawag ang agent sa trabaho ng borrower at nagpanggap may emergency na nangyari sa pamilya ng borrower.
Mali ang ganitong paraan ng pangongolekta.
Making contact at unreasonable/inconvenient times or hours
Ang tamang oras sa pakikipag-usap sa mga transaction ayon sa guidelines ng SEC ay mula alas sais nang umaga hanggang alas diyes ng gabi. Kapag labas sa mga oras na ito, maituturing nang unfair collection practice.
Pero kapag more than 15 days nang past due ang loan, maari nang tumawag ang lender pero dapat ay malumanay, may respeto at walang panlilinlang na magaganap. Maari ding mag-contact ang agent kung sa pinirmahang kontrata ay nagbigay ng pahintulot na kumontak anumang oras.
Contacting the persons in the borrower’s contact list
May mga online lending apps na nagmemessage sa mga katrabaho, employer, kaibigan at iba pa ng borrower na hindi nakakabayad. Ginagamit din nila ang social media para sa ipahiya ang mga ito sa publiko.
Ang maari lamang i-contact ng mg agents tungkol sa loan bukod sa borrower ay ang co-borrower/s, co-maker/s at guarantors nito.
Mag-ingat sa online lending
Bago pa dumating sa gamitan ka ng unfair debt collection practices, magbayad nang ayon sa oras at ayon sa kasunduan. O gawin ang mas madali, umiwas na lang sa utang para walang problema.
Basahin ang mga sumusunod para madagdagan ang kaalaman sa gamit ng loans:
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent