Balance sheet ang tawag sa listahan ng mga ari-arian mayroon ang isang tao, kumpaniya o organization. Ipinapakita din nito kung ang mga ari-arian ay galing sa utang (liabilities) o sariling kapital (equity).
Tinatawag din itong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Liabilities
Liabilities ang tawag sa mga utang ng tao, kumpaniya at korporasyon. May dalawa itong klase batay sa gaano katagal itong mababayaran.
Short-term o current liability ang tawag sa mga utang na dapat bayaran sa loob ng isang taon. Long-term o non-current liability ang tawag kung ang utang ay babayaran ng higit pa sa isang taon.
Paglalagay ng asset, liability at equity sa housing loan
Halimbawa, humiram ka ng pera sa bangko upang bumili ng bahay. Nagkakahalaga ang bahay ng PhP3 millyon.
Nagbigay ka ng down payment na PhP1 million kaya PhP2million na lang ang inutang mo sa bangko.
Sa balance sheet, ilalagay mo sa assets ang kabuuang PhP3 milyong halaga ng bahay. Sa kabilang bahagi naman, ilalagay mo ang PhP2 million bilang utang at PhP1 million bilang iyong equity.
Short-term versus long-term liability
Ang pinirmahan mong housing loan sa bangko ay babayaran mo sa loob ng sampung taon in equal monthly payments.
Ibig sabihin, PhP200K na bahagi nito ay kailangan mong bayaran sa susunod na 12 buwan. Ang bahaging ito ng utang mo ay mapupunta sa short term liabilities.
Ang natitirang PhP1.8 million ay babayaran mo sa susunod na siyan na taon pagkatapos ng unang taon ng pagbabayad. Ang bahaging ito ay mapupunta sa long-term liabilites.
Halimbawa ng short term liabilites
Ito ang mga karaniwang halimbawa ng short term liabilities:
- Credit card balance
- Salary loan
- Loans galing sa informal money lenders tulad ng five-six, Bumbay o Turko
- SSS/GSIS / Pag-IBIG salary loans
- Personal bank loans
Halimbawa ng mga long term liabilities
Ito ang mga halimbawa ng long term liabilities:
- Car loans
- Home loans (housing loan or mortgage)
- Business loans
Limits ng liabilites
Sa personal finance, ang maximum monthly amortization o bayad kada buwan dapat sa utang ay hindi lalagpas sa 20% ng kabuuang kita. Sa balance sheet ang kabuuang ari-arian ay dapat higit pa sa katumbas ng 1.5 times ng liabilities.
Use for productive purposes
Maganda ang loan kung ito ay ginagamit para sa bagay na kumikita. Kung hindi, iwasan ang loan at gamitin ang savings o sariling kapital para dito.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent