was successfully added to your cart.

Cart

Solusyon ng negosyo sa utang at bayarin dahil sa kakulangan ng pera o cash ngayong COVID-19 pandemic: Addressing insolvency or bankruptcy

Dahil sa pandemic, maraming mga negosyo ang baka tuluyan nang magsara dahil sa bankruptcy. Kailan ba matatawag na bankrupt ang isang tao o negosyo? Anu-ano ang mga options na puwedeng gawin?

Ibig sabihin ng bankruptcy

Bankruptcy ang tawag sa pagsasara ng negosyo sa Pilipinas pero hindi ito officially defined o ginagamit sa batas. Ang legal term na ginagamit ay insolvency.

Ang insolvency ay ang sitwasyon kung saan ang liabilities o pagkakautang ng negosyo ay mas malaki kaysa sa assets o ari-arian nito. Ang resulta nito ay negative equity at hindi kayang bayaran ang mga utang sa mga due dates nito sa karaniwang kalakaran ng negosyo.

Assets equals liabilities plus equity, iyan ang formula ng balance sheet. Isang financial statement ang balance sheet kung saan ipinapakita kung saan nanggagling ang assets ng negosyo. Maaring ang pondong pinambili sa asset ay sa liabilities o sa capital ng mga may-ari ng negosyo o stockholders na makikita sa equity.

Kapag mas malaki ang liabilities kaysa assets, nagiging negative ang equity. Technically, wala nang claim ang mga stockhoders sa assets dahil kulang pa ang assets para mabayaran ang mga creditors.

Financial Rehabilitation and Insolvency Act

Ang Financial rehabilitation and insolvency act o Republic Act 10142 at mas kilala bilang FRIA sa legal world ay may tatlong remedies para sa insolvency: suspension of payments, rehabilitation at liduidation. Nakausap natin si Commissioner Kelvin Lee ng Securities and Exchange Commission, para mabigyan tayo ng linaw tungkol dito.

Suspension of Payments

Applicable sa mga indibidwal o natural persons ang suspension of payments. Ang mga juridical persons ay hindi kasama dito. Sa suspension of payments, pansamantalang pinapahinto ng korte ang pagbabayad ng indibdiwal o borrower ng kaniyang utang dahil sa kakulangan ng pero o cash na pambayad sa due date nito.

Pero kinakailangang patunayan ng indibidwal na may sapat siyang ari-arian o kita na mapagkukunan niya ng pambayad sa utang. Kung hindi ito mapapatunayan, maaring sa liquidation ang gagawin.

Rehabilitation

Para sa mga juridical persons katulad ng korporasyon, partnership, cooperative at sole proprietorship ang rehabilitation. Nakakaranas ng kakulangan sa cash ang negosyo kaya hindi nito mabayaran ang obligasyon sa utang.

Ginagawa ito para makabawi o makabangon muli ang negosyo. Nakikitang maari pang isalba ang negosyo dahil puwede pang kumita kung ipagpapatuloy ito, may kakulangan lang sa cash.

Ang main objective ng rehabilitation ay panumbalikin ang dating sigla ng negosyo at gawin itong solvent muli, kung saan mas malaki ang assets kaysa liabilities. Gumagawa ng rehabilitation plan na siyang nagsisilbing gabay para mabigyan ng pagkakataong “magbagong-buhay.”

Naipapakita sa rehabilitation plan na kaya pang magbayad ng borrower kung bibigyan ito ng “breathing room.” Sa ganitong paraan makakasingil pa rin ang creditor sa ipinautang nito base sa present value calculations o kaparehong halaga ng pagkakautang, naiba lang ang panahon.

Dahil makakapag-operate muli ang negosyo, mababayaran ng borrower ang creditor mula sa kikitain nito. Siyempre puwedeng mag-negotiate ng mas magaan na terms and conditions kapag under rehabilitation na ang negosyo.

Ang mga sumusunod ay maaring gawin sa rehabilitation: debt forgiveness; debt rescheduling or restructuring; reorganization; dacion en pago or payment in kind; debt to equity conversion; sale of business or parts of it; setting up new business entity at iba pang arrangements na aprubado ng korte.

Dahil sa mga ito, nakakahinga ang negosyo dahil magkakaroon ng suspension sa pagbabayad ng utang o anumang claim dito. Maipagpapatuloy din ang operations ng negosyo at pagbibigay nito ng trabaho sa mga empleyado.

Aprubado ng korte ang rehabilitation plan kaya ang lahat ay dapat sumunod dito, maski ang mga creditors na may pagtutol. Isang magandang benepisyo ang pagiging exempted ng negosyo sa pagbabayad ng national at local taxes habang ito ay nasa rehabilitation.

On the other hand, ang pinakadisadvantage ng rehabilitation ay ang pagkawala o pagkabawas ng control ng management at mga may-ari nito sa business. Magaatas ang korte ng controller para siguraduhing masusunod ang nakasaad sa rehabilitation plan.

Bukod dito, komplikado ang mga legal proceedings kaya mahal at matagal ang pagpapatupad nito. Kaya mas applicable ito sa mga malalaking negosyo.

Liquidation

Proseso ng pagsasara ng business o negosyo ang liquidation. Para ito sa parehong natural person at juridical entity tulad ng indibidwal, sole priprietor, partnership, kooperatiba at korporasyon.

Hahatiin ang mga assets ng negosyo pabor sa mga claimants nito tulad ng mga empleyado, creditor, stockholders at iba pa. Ang pagbabahagi o distribution ay ayon sa priority of claims.

Mahirap mang tanggapin, pero minsan mas maganda at makakaginhawa sa lahat na isara na lang ang negosyo kaysa ipagpatuloy pa ito. Naniniwala ako na cutting your losses and moving on is your fastest way to success. Kapag ihihinto ang pagkalugi, mas mabilis makakabawi.

Mawawala ang utang ng business o negosyo at dito lalabas na mas magandang korporasyon ang gagamitin sa pagnenegosyo dahil limited ang liability, ibig sabihin hindi makukuha ang personal na ari-arian kung hindi kasya ang ari-arian ng korporasyon na bayaran ang mga pagkakautang nito.

Sa pagtitibay ng korte ng liquidation, matatapos na ang mga kaso o legal battles. Magkakaroon ng tuldok sa buhay ng negosyo at gawin itong oportunidad na makkapagpahinga at makapagsimula ulit.

Hindi mapapabayaan ang mga empleyado sa liquidation dahil sila ang nangunguna sa priority of claimants. Maibibigay sa kanila ang kanilang karampatang benepisyo ayon sa batas. Maari ding icancel ang lease agreements para hindi na magbayad ng renta.

Kapalit nito, ibebenta ang lahat ng ari-arian ng kumpaniya para pambayad sa mga claimants at creditors. Kung pumirma ang may-ari o empleyado ng joint and several liability statement na nagsisilbing personal guarantee, maari itong ipatupad ng korte.

May masusi ding imbestigasyong gagawin para patunayang walang pandaraya at panlilinlan na ginawa ang managament at may-ari ng negosyo. Tuluyan ding mawawalan ng trabaho ang mga empleyado dahil patay na ang kumpaniya.

Tulong mula sa negosyo

May mga inihandang tulong ang gobyerno para sa mga micro, small and medium enterprises para makaraos sa pandemic. Bago sumuko, iaccess muna ang mga ito.

  • DOLE: Covid-19 adjustment measures program (CAMP)
  • DOF: Small business wage subsidy (SBWS)
  • DTI: Pondo ng pagbabago at pag-asenso – Enterprise rehabilitation financing (P3-ERF)
  • DBP: Rehabilitation Support program on severe events (RESPONSE)
  • LBP: Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably-Affected Enterprises by COVID-19 (i-RESCUE) at Calamity Rehabilitation Support (CARES)

May mga dating programa na rin ang Department of Trade and Industry na maaring itake advantage ngayon para makapabangon o kaya’y makapagsimula muli. Ito ang mga sumusunod:

  • Negosyo center – registration, advisory, information and advocacy
  • Shared services facility program
  • Barangay microbusiness enterprise law
  • Pondo ng pagbabago at pag-asenso

Rise like a phoenix

Marami ang nahaharap sa mapait, masakit at mahirap na desisyon kung ipagpapautloy pa ba ang negosyo o isasara na lang ito. Gaya ng lagi kong sinasabi, hindi pera ang solusyon sa problema sa buhay, ganun din sa negosyo. Ang solusyon ay pagbabagong buhay at pagbabago sa pananaw sa buhay.

Maaring maubusan ng pera o cash ngayon. Pero para sa akin, hindi katapusan ang pagkaubos nito. Hangga’t kakayahang gumawa ng plano para labanan ang mga problema at challenges na dumarating at may lakas na ipatupad ito, susunod ang pera at malulutas ito.

Ang pagsasara ng negosyo ay isang paraan para maputol ang patuloy na pagkalugi at pagkabaon sa utang. Dahil sa hinaharap nating COVID-19 pandemic, marami ang malalagay sa ganitong sitwasyon. Pero, isipin natin na hindi ito katapusan ng mundo.

We are living in extraordinary times, kaya extraordinary measures din ang kailangan. Hindi pa huli ang lahat, habang may buhay, may pag-asa.

Paano kayo makakatulong sa mga micro and small businesses para makatulong sa kanilang malampasan ang epekto ng pandemic? Isulat ang inyong comments at pag-usapan natin.

Ako si Sir Vince, dito sa aming community garden, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: