Pagdating ing Biyernes, ramdam na ramdam na talaga ang hirap sa mobility dahil sa mga lockdowns. Kaya nagdecide kami ng executive committee na magdeklara ng one week na walang trabaho para sa linggo ng March 23-27.
Sa mga provincial memorandum circulars ng Agusan del Sur at Surigao del Sur, flexible working hours ang encouraged sa probadong sector at ito ang sinunod namin. Wala namang directive na itigil ang trabaho.
Dahil sa mas masusing information gathering, nagkaroon kami ng mas mabuting assessment sa sitwasyon at maggamit namin ito para makita kung bumubuti o sumasama ang kalagayan ng mga members namin sa mga susunod na linggo. Ito rin ay maibabahagi namin sa gobyerno at iba pa naming partners para makapagbigay ng karagdagang impormasyon.
Bago inilabas ang memo na ito, nag-meeting kami ng aking mga staff sa pamamagitan ng Facebook live at ibinahagi ko sa kanila ang mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19 na madali nilang maiitindihan. Gumawa ako ng video para doon at kung gusto niyong mapanood at gamitin, ito ang link: https://youtu.be/cT2v8RCYh9Y.
MEMORANDUM
TO: All SEDPI Microfinance Staff
FROM: Mariel Vincent A. Rapisura, President and CEO
DATE: Friday, March 20, 2020
RE: Business continuity for COVID-19 pandemic
Mga minamahal kong SEDPI staff:
Sana ay nabawasan ang takot ninyo sa COVID-19 base sa meeting natin kahapon. Ipagpatuloy natin na ang SEDPI ang magbibigay ng tamang impormasyon sa community natin para maiwasan ang panic. Walang maitutulong sa ating lahat ang pagpapanic.
Una ay gusto kong magpasalamat sa inyong kooperasyon at pagsunod sa mga instructions ng opisina sa abot ng inyong makakaya. Kailangan natin ito para mas maayos ang magagawang desisyon para sa kapakanan ng mga empleyado, mga members at ng buong organisasyon.
Resulta ng information gathering
Base sa ginawa nating community assessment, 21% ng ating mga members ang huminto ang kanilang kabuhayan; 42% ang humina ang kanilang kabuhayan at 37% ang hindi natin nacontact. Malaki ang magiging epekto nito sa ating operations kaya kailangan natin ng kooperasyon at magtulong-tulong para makabangon ulit ang mga miyembro natin.
Ang good news sa community assessment natin ay wala kahit isa sa mga members natin ang nagreport na may nararamdaman silang sintomas ng COVID-19. Ang hope natin ay tuluyan na itong mapigilan at hindi na kumalat pa para makapagpatuloy tayong lahat sa normal na buhay.
Marami ang mga nakakarecover sa COVID-19. Ayon sa Department of Health at World Health Organization, 80% ng mga nagkakaroon nito ay hindi kailangang maospital. Sapat na ang home quarantine. Dapat lang nating pabagalin ang pagspread ng virus para makayanan ng health system natin ang pagdagsa ng mga pasyente.
Sana ay may confidence na kayong idiscuss sa social media at sa mga kapamilya ninyo ang tamang impormasyon sa COVID-19. Muli, pinapaalalahanan ko kayo na iwasan pa rin ang mag-post ng mga politically-charged at mga CTTO lamang.
Employee welfare
Dahil holiday collections tayo next week at sa kagustuhan nating makasama ang ating pamilya sa krisis na ito, wala munang pasok simula March 23 hanggang March 27. Gamitin natin ang panahong ito na makapiling ang ating pamilya at magpahinga dahil marami tayong haharaping pagsubok sa mga susunod na linggo.
Ang lahat ng staff ay mabibigyang ng PhP100 Internet allowance para siguradong may data sa mga cellphones ninyo. Ito ay para siguradong manatiling bukas ang ating komunikasyon.
Ipagpapatuloy natin ang online learning next week at inaasahan kong lahat ay makakatapos nito. Ito ay ginagawa natin para mas handa tayo sa mga gagawin natin kapag bumalik na sa normal ang operations.
Branch guidelines
Magrereport ang lahat sa branches sa March 30. Dapat may hawak na ang lahat ng certificate of employment para siguradong makakalampas tayo sa mga checkpoints.
Mag-iwan ng PhP50,000 cash on hand sa branch. Ang lahat ng sobra ay ideposit sa bank accounts ninyo. Siguraduhing safe ang cash para hindi ito mawala.
Ang iiwan na amount sa mga branches ay PhP100,000 para sakaling bumalik na ang operations, may perang magagamit para sa loan releases at ibang pang needs sa operations.
LGU Coordination
Papakiusapan ko ang ibang staff na maghatid ng official letter sa mga local government units at local offices ng national government agencies para sa mga sumusunod:
- Tutulong ang SEDPI sa kanila para magpakalat ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19
- Maaring maging conduit o intermediary ang SEDPI sa pagdeliver ng governent services kung kakailanganin nila ng tulong dito
- Pag-offer ng SWePP program para sa mga barangay officials at casual employees ng lokal na gobyerno na maaring magamit laban sa ibang negative effects ng COVID-19.
Mag-ingat at manatiling malusog
Panatilihin nating malakas ang ating kalusugan. Kumain ng gulay, mag-exercise para mawala ang stress at matulog nang tama. Siyempre, panatilihin pa rin natin ang social distancing at ugaliing parating maghugas ng kamay.
Higit sa lahat, sabay-sabay tayong magdasal na matapos na ang krisis na ito.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent