was successfully added to your cart.

Cart

Magandang araw sa inyong lahat at welcome sa SEDPI! Ako po si Sir Vince, ang President ng SEDPI.

May tanong ako sa inyo, anong mas gusto ninyo, maramin kayong utang o marami kayong savings? Gusto niyo bang habambuhay kayo nangungutang at nagbabayad ng interest?

Malamang ang sagot ninyo ay, hindi. Iyan din ang pangarap ng SEDPI para sa inyong lahat. Ayaw naming mabaon kayo sa utang. Hindi po utang ang solusyon sa mga problema at pangangailangan natin sa buhay.

SEDPI vision for its members

Ang pangarap po ng SEDPI para sa inyo ay ganito:

  • Kung may mamamatay, hindi tayo mangungutang pampalibing, nandiyan ang SWePP natin para may gagamitin panggastos
  • Kung may magkasakit, hindi tayo mangungutang, nandiyan din ang ating SWePP para makatulong sa ating gastusin
  • Para sa pangaraw-araw na pangangailangan, hindi na tayo uutang para dito, may sapat na income tayo para mabuhay at mabili ang mga kailangan natin
  • Para sa pagpapaaral ng ating mga anak at pagbili ng mga kagamitan sa bahay, hindi tayo mangungutang, tutulungan tayo ng SEDPI na mag-ipon para dito
  • Para sa retirement natin, hindi tayo mangungutang, nakipag-partner ang SEDPI sa SSS para magkaroon kayo ng madaling paraan sa pagbabayad at magkaroon ng tsansang makakuha ng retirement benefits
  • Para sa pabahay, hindi tayo uutang sa may malaking interest, nakipagpartner tayo sa Pag-IBIG at magpapatayo tayo ng socialized housing para sa mga miyembro
  • Para sa kapital sa business o negosyo, hindi tayo mangungutang sa five-six, kukuha tayo ng investor, kasosyo o kapartner na may profit and loss sharing scheme

Totoo ang narinig ninyo, gusto ng SEDPI na mawala ang inyong utang dahil naniniwala kaming ang utang, kapag hindi nagamit nang tama, mas lalong pinapahirap ang buhay. Ang solusyon sa problema at mga pangarap natin sa buhay ay hindi utang kundi savings at investment.

Social Welfare Protection Program

Kaya ginawa ng SEDPI ang SWePP o ang Social Welfare Protection Program kung saan ginagamit natin ang damayan, pakikipagpartner sa gobyerno at sa isang cooperative insurance company para makapagbigay ng komprehensibong protection of social safety nets para sa mga minamahal nating miyembro sa minimal na membership fee.

Ginawa natin ito para mabawasan ang pangungutang sa panahon ng matinding pangangailangan. Gusto naming ipadama na nakaalalay ang SEDPI sa mga miyembro sa panahon ng emergency at sa panahon ng kaginhawaan.

Ang una at pinakamahalagang benefit sa SWePP ay ang life insurance para sa mga miyembro. Sakaling mamatay ang miyembro, makakakuha ng life insurance benefit ang mga beneficiaries worth PhP25,000 galing sa insurance natin sa CLIMBS. Madodoble ito at magiging PhP50,000 kung aksidente ang dahilan ng pagkamatay.

Nagbibigay din tayo ng PhP4,000 na instant abuloy mula sa damayan component ng SWePP. Kung ang SEDPI member ay miyembro din ng SSS, makakakuha din siya ng PhP20,000 funeral benefit at kung miyembro din sa Pag-IBIG, makakakuha ng PhP6,000 death benefit.

Sa ganitong sistema, hanggang PhP80,000 ang puwedeng makuha ng mga beneficiaries ng miyembro. Hindi na kailangang mangutang para magpalibing at hindi na kailangang kumapit sa five-six para makapagsimula ulit ng maliit na negosyo ang mga naiwan.

Best of all, proud kami sa SEDPI na hindi tatagal sa isang araw ang claims processing para sa mga benepisyo. Sa iba, kailangan pa kayong maghintay ng buwan para makuha ang benefit. Innuna ang benepisyo at pag tapos na magdalamhati, saka natin kinukuha ang mga document requirements para maka-claim.

Iyan ang serbisyong SEDPI, mabilis ang malasakit.

Galing sa ating damayan, may PhP200 pesos per day a medical assistance para sa mga naospital maximum of 15 days every 6 months; may medical reimbursement assistance para sa mga naaksidente hanggang PhP2,500; at calamity and fire assistance worth PhP5,000 and relief goods.

Marami pa tayong plano at patuloy na pinapalawak ang ating mga partnerships para magkaroon ng mas maganda pang SWePP program para sa mga miyembro. Kaya kung hindi pa kayo naka-fill up sa SSS at Pag-IBIG forms, mag-request agad sa inyong Financial Inclusion Officer.

Working capital for microentrepreneurs

Para sa release ng funds sa inyong araw, naniniwala akong gagamitin niyo itong pandagdag kapital sa negosyo para may kikitain at gagamiting pambayad. Sana ay hindi niyo gagamitin ang release para sa emergency dahil insurance at SWePP natin ang dapat sasagot diyan.

Sana ay hindi niyo rin gamitin ang release na para sa selebrasyon, bakasyon at iba pang bagay na hindi kumikita – dapat savings ang guamitin para sa mga ito. Higit sa lahat, sana iwasan nating gamitin ang release na pambayad sa ibang utang para hindi tayo mabaon sa maraming utang.

Lastly, at ito napakahalaga, sana ay hindi niyo gamitin ang release na makukuha ninyo para ilagay sa scam tulad ng sa Kappa, Almamico at iba pa. Uulitn ko na ang release dapat ginagamit sa negosyo o s mga bagay na kikita ng legal at hindi nakakasira sa environment.

Sa mga first cycle na maka-access sa release, PhP3,000 hanggang PhP6,000 ang amount na puwedeng makuha. Basta papasa sa cash flow analysis, character and background investigation ng Financial Inclusion Officer at validation ng Assistant Branch Manager.

Para sa second hanggang fourth cycle, puwedeng ma-increase ang release ng hanggang PhP5,000 ang release pero kailangang may validation ng Area Manager. Sa fifth cycle, puwedeng mag-increase ang release ng hanggang PhP10,000 at may validation pa din ng Area Manager.

Ang cashflow analysis, character and background investigation at validation ay ginagawa natin para masigurong may kakayahan kayong magbayad weekly at hindi mahirapan. Kapag maganda ang pagbabayad, lalaki ang puwedeng makuhang release na gagamitin sa negosyo.

Puwedeng pumili ng three months o six months term sa pagbabayad sa release. Kapag kinuha ang six months na term, puwedeng mag-prepayment sa 13 th-18th weeks pero walang increase sa release sa susunod na cycle. Kung greater than 18 weeks ang prepayment, puwedeng magkaroon ng increase sa release depende sa resulta ng cash flow, character and background investigation at validation.

Cash counterpart

Mas maganda kung madaming savings ang mga miyembro. Sa totoo lang, ang pangarap ng SEDPI ay magkaroon ng mas malaking savings ang mga miyembro nito kumpara sa utang.

Para makakuha ng release pangsuporta sa negosyo or income generating activity, required na may cash counterpart na maituturing ding savings ng mga miyembro. Para maumpisahan ito, sa unang cycle ng release, kinakailangang mag-save ang miyembro ng PhP100 per week.

Sa mga susunod na release, kinakailangang may katumbas na 20% ng release ang maintaining balance sa cash counterpart ng miyembro. Halimbawa, gustong makakuha ng working capital sa PhP10,000, kinakailangang may PhP2,000 cash counterpart ang miyembro sa kaniyang account.

Para sa mga senior citizens, 30% ang requirement na maintaining balance sa cash counterpart. Ang sobra sa maintaining balance puwede ma-withdraw anytime.

May makukuhang cash reward kung makuha ang minimum maintaining balance at mas malaki ang makukuhang cash reward kung walang withdrawal sa buong term. Ibibigay ang tuwing working capital release renewal.

Open to all low income groups

Ang mga financial products and services ng SEDPI ay available para sa lahat ng mga low income group dahil ito ay dinisenyo para mapataas ang income at makaahon sa kahirapan. Hindi kinakailangang kumuha ng release para ma-enjoy ang mga benepisyo.

In fact, ini-encourage namin lahat para maging saver at kumuha ng SWePP. Puwedeng gawing miyembro ang inyong partner sa buhay, mga anak, kaibigan at iba pang  kamag-anak of legal age para ma-enjoy din nila ang benefits ng SEDPI membership lalo na ang SWePP.

Mas maganda kung mas marami tayo dahil mas titibay ang ating organisasyon kung marami ang sumusuporta at tumatangkilik dito.

Pag-aralan ang pag-angat sa kahirapan

Bukod sa SWePP, cash coounterpart at working capital assistance, nagbibigay din ang SEDPI ng financial literacy trainings para sa mga miyembro nito. Ito ay upang matutunan kung paano gagamitin nang tama ang pera para hindi masayang at mapakinabangan nang husto.

Sana ay natuwa kayo sa programa ng SEDPI at kami po ay umaasang maging kakampi namin kayong labanan ang kahirapan. Maraming-maraming salamat sa pagtangkilik sa serbisyo namin at sana ay nakakatulong ito sa pag-unlad ng inyong buhay.

Ako po muli si Sir Vince, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: