“Sagol nerbyos hadlok lagi kay basi manganaod kay paspas kaayo ang pag taas sa tubig og sulod kaayo.”
“Magkahalong nerbyos at takot dahil baka maanod kasi mabilis ang pagtaas ng tubig at pumapasok talaga.”
Ito ang naramdaman ni Roxanne Amigo habang rumaragasa ang baha na dala ng bagyong Vicky.
Kasama sa binaha at na-landslide ang mga residente ng Agusan del Sur at Surigao del Sur, kung saan mayroong microfinance operations ang SEDPI Development Finance, Inc.
Mula sa 10,000 SEDPI members, 1,884 ang apektado sa mga bayan ng Trento, Santa Josefa, Barobo, at Rosario sa Agusan del Sur at Lingig at Bislig sa Surigao del Sur. Dalawa ang inanod ng baha ang bahay. Isa naman ang na-landslide.
Agad nakapagbigay ng relief goods noong December 2020 ang SEDPI at ang Office ni Senator Risa Hontiveros sa nasalanta ng bagyong Vicky.
Hindi man madalas na mabagyo ang Mindanao, naging handa ang SEDPI sa pagtulong sa mga members dahil sa Social Welfare Protection Program (SWEPP) nito.
SWEPP ay ang hybrid microinsurance program ng SEDPI na pinagsasama ang “damayan” o pagtutulungan ng kapwa; formal life insurance mula sa CLIMBS Life and General Insurance Cooperative; at social safety nets mula sa gobyerno na binibigay ng SSS at Pag-IBIG Fund.
Maliban sa regular contributions sa SSS at Pag-IBIG, nagcocontribute ang mga members ng PhP360 every six months para ma-cover ng SWEPP.
Ang bahagi ng kontribusyon ay linalaan para sa “damayan”. Ginagamit ang naiambag ng mga members para tulungan ang kamember nila sa panahon ng kamatayan, pagkakasakit, sunog, o kalamidad.
Ito ang naging pondo para makabigay ng relief goods sa mga nabaha at dagdag na PhP5,000 sa tatlong na-wipe out ang bahay.
Bawat pack ng relief goods ay naglaman ng limang kilong bigas at ilang groceries na good for one week para sa pamilya na may limang miyembro.
“Naibsan ang pag-aalala ko dahil may makakain na kami kahit papano. Dumating ang aming pinapanalangin,” masayang nasabi ni Roxanne.
Naging malaking tulong ang donasyon na 134 sakong bigas na galing sa Liwanag at Lingap Program ng opisina ni Senator Risa Hontiveros.
Ang programang ito ay nagsimula noong bagyong Rolly bilang isang typhoon relief effort. Sinundan pa ito ng tulong sa mga apektado ng mga bagyong Ulysses at Vicky.
Mensahe ni Senator Risa Hontiveros, “Tuloy-tuloy ang pagpapadala natin ng Liwanag at Lingap sa mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad at nawalan ng kabuhayan. Umaasa akong sa munting paraan ay makatulong ang relief operations na ito para matugunan ang immediate needs gaya ng pagkain.”
Naging maganda ang pagtutulungan ng komunidad, SEDPI at ng opisina ni Senator Risa Hontiveros. Sa unang linggo matapos ang bagyo at baha ay nakatuon ang mga nasalanta sa pag-aayos sa kanilang mga bahay at gamit at hindi sa paghahanap ng kanilang makakain.
Ani ng Vince Rapisura, Presidente ng SEDPI, “Systemic and institutionalized safety nets talaga ang kailangan natin. Kailangan po talaga ay hindi lang yung sarili natin yung nag-eeffort pero nandyan ang private sector, nandyan ang public sector, nandyan ang community.”
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent