Base sa ating financial life stage, nasaan na ba kayo? Ilan porsyento ang inyong passive income bilang bahagi ng inyong mga gastusin? Ang layunin natin dito ay magkaroon ng passive income na higit sa 100% ng ating mga gastusin.
Kung sinunod ninyo ang money in – money out na online worksheet natin, ilalabas nito ang inaasahang edad ng inyong pagreretiro batay sa kasalukuyan ninyong mga gastos at passive income. Dapat, sa edad ng ating pagreretiro, 100% ng ating mga gastusin ay sakop na ng passive income. So, kahit di ka umabot sa mandatory government retirement age na 65, you are considered as retireable already.
Sa mga gumamit ng money in – money out tool, ang lumalabas na average retirement age ay 75 taong gulang. Ito ang naging resulta mula noong sinimulan namin ito noong 2018 hanggang ngayon, 2023. Hindi ito 60 o 65, dahil 45% ay walang passive income, samantalang 35% ay mayroong ₱10,000 na passive income kada buwan.
Mayroon din tayong SALN, o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth, na listahan ng ating mga ari-arian, utang, at sariling kapital. Ito ang nagpapakita ng kung ano ang ating pag-aari at kung ano ang ating utang. Kung susubukan ninyo itong gawin, magbibigay ito ng kamalayan sa inyong sitwasyong pinansyal, na makakatulong sa inyong budgeting at pagpaplano. Kung hindi pa ninyo ito nagagawa, ito ang link diyan.
Pagdating sa ating financial health check, kung nagawa n’yo na ito, ibig sabihin nito ay kung nakakuha kayo ng 27 hanggang 30 puntos, kayo ay nasa estado ng financial sustainability, financially secure kung 21 hanggang 26 puntos, at financial start-up kung mas mababa sa 21 puntos.
Simula noong 2018, 61% ng mga nag-take ng financial health check ay nasa start-up stage, 36% ang financially secure, at 3% lang ang financially sustainable, na karaniwang handa na para sa pagreretiro. Tatlong porsyento lang sa mga nag-self-assess ang may kakayahang magretiro.
Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent