Mga KaSosyo at KaNegosyo, maraming saludo sa ating National Health Insurance Program (NHIP) at Universal Health Care (UHC) Act. Alam natin ang kahalagahan nito para sa bawat Pilipino, lalong-lalo na sa ating mga kasamahan sa marginalized sectors.
Sa tuwing may bagong hakbang tayo sa SEDPI, ang organisasyon itinatag ko na nagsusulong ng social investments, nanofinancing, at financial education para maibsan ang kahirapan, laging kasama kayo. May bago tayong balita, KaSosyo at KaNegosyo! Noong March 2023, nakipagtulungan tayo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), isang malaking hakbang para lalo pang palakasin ang ating KaTambayayong program.
Nakakaproud sabihin na hindi ito ang una nating collaboration sa mga government agencies. Nauna na ang Pag-IBIG Fund noong 2018 at Social Security System (SSS) noong 2019. Ito’y nagpapakita ng ating dedication na makapagbigay ng kumpletong social protection sa ating mga miyembro. Ginagawa natin ang partnership with government agencies para maibsan ang gap sa access sa social welfare services, lalo na para sa marginalized communities.
Sa nakalipas na anim na taon, ang KaTambayayong program natin ay nakapagdisburse na ng PhP19.1 million bilang benefits sa ating mga miyembro para sa mga pangangailangan gaya ng death, calamity, medical, fire at accident assistance. As of June 2023, naka-release na tayo ng Php 2.9 million in benefits para sa 1,199 miyembro. Sabi nga nila, hindi lang basta-basta ang na program ito. Ito’y commitment natin na maging accessible at dependable ang safety nets para sa mga nanoenterprises sa panahon ng crisis.
Sa partnership natin sa PhilHealth, lalo pang mapalalawak ang benefits na pwedeng makuha ng ating mga miyembro. Sa Group Enrollment Program under the NHIP, tutulungan natin ang ating mga enrollees sa registration, magko-conduct tayo ng mga educational campaigns tungkol sa PhilHealth policies at benefits, at aasikasuhin natin ang kanilang premium contributions. Sa ganitong paraan, siguradong covered ng health insurance ang ating mga miyembro.
At hindi pa tayo natatapos, KaSosyo at KaNegosyo! Sa hinaharap, balak pa natin magtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Statistics Authority (PSA). Ang focus nito ay ang pagkuha ng mga civil identity documents para sa ating mga SEDPI members, para mas maging solid ang access nila sa mga government services.
Kaya naman, ang partnership ng SEDPI at PhilHealth ay hindi lang tungkol sa health insurance. Ito’y tungkol sa pagsusulong ng mga Filipino nanoenterprises, pagbabawas ng kahirapan, at pagpapalakas ng isang mas malusog na bansa. Ang collaboration na ito ay malaking hakbang para masigurong malusog at maayos ang kalagayan ng bawat Pilipino, patunay ng ating commitment sa sustainable development at sa ating goal na maibsan ang kahirapan.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent