was successfully added to your cart.

Cart

Retirement: Everyday holiday living

Sa Pilipinas, 60 years old ang itinuturing na retirement age. Sa iba’t-ibang batas natin, ito ang ginagamit.

Passive income as measure for retirement

Gamit ang financial life stages framework ko, passive income ang sukatan ng retirement, hindi edad. Kung kayang i-cover ng monthly passive income and monthly expenses hanggang sa kamatayan, masasabing retired na ang isa tao.

Hindi kinakailangang mag-antay na maging 60 years old para mag-retire. Sa katunayan, sa financial life stage framework, maaari mong piliin at pagplanuhan kung anong edad mo gustong mag-retire.

Choose to do what is meaningful

Pagdating na retirement, hindi naman kinakailangan tumugil nang tuluyan sa trabaho. Sa panahon ng retirement, makakapili ka kung ano ang gusto mong pagkaabalahan dahil hindi na problema ang pera.

Sa ganitong mindset, you don’t go to “work.” Work o trabaho ang karaniwang tawag natin sa gawain na magbibigay sa atin ng kita upang mabuhay. Sa marami, hindi nila gusto ang trabaho nila pero dahil ito ang kabuhayan nila, wala silang choice o napipilitan silang gawin ito.

Kapag passive income over expenses ang ginamit na framework sa retirement, that means you love your “work” that it doesn’t really feel like working. Parang holiday o bakasyon ang pakiramdam.

Iyan ang retirement, yung may kakayahan kang pumili ng gagawin mo sa buhay na hindi mo na iniisip ang pang-araw-araw na gastusin.

Start early and live simply

Isa sa mga paraan para mapabilis ang retirement ay agahan ang pagkakaroon ng investment na magbibigay ng passive income. Kung kaya, sundin ang aking 5-15-20-60 budgeting rule. Basta save and invest as much as you can.

Para mapaaga ang retirement, pumili ng simpleng pamumuhay. Lifestyle = expenses, kaya kapag simple ang buhay, mas maliit ang kakailanganing gawing passive income para makapag-retire.

 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: