Hello, mga KaSosyo at KaNegosyo! Ako si Vince Rapisura, ang inyong financial guro, handang gabayan kayo sa safe banking sa digital world. Ngayon, pag-uusapan natin kung paano protektahan ang perang pinaghirapan natin mula sa bank fraud. May dala akong S.A.F.E. strategy para sa inyo – Security, Awareness and Financial Education.
SECURITY
Dito sa Pilipinas, kung saan madali tayong magtiwala, mahalaga talaga na maging vigilant. Alamin natin kung paano protektahan ang ating pera at panatilihing malinis ang ating tech hygiene para hindi mabiktima ng mga cyber scammers.
Secure personal information
Isipin niyo, ang personal info niyo parang sikretong adobo recipe ng pamilya. Hindi basta-basta isheshare di ba? Ganun din online. Keep a low profile sa social media, ‘wag gawing public ang profile. Gamitin ang strong, unique passwords at gumamit ng password manager. Ang Multi-Factor Authentication, dagdag proteksyon ‘yan.
Tech hygiene
Always use secure networks and anti-virus protection. Kung gagawa online bank transactions, ‘wag sa public Wi-Fi, parang nagdidiscuss ka ng bank details mo sa jeep niyan – lahat nakikinig. Anti-virus software for regular scans, iwas sa questionable app downloads. Keep your devices clean.
Avoid phishing scams
Mga cyber scammers, tuso, gumagamit ng URLs na kamukha ng sa bangko niyo. Simple lang ang trick: Type, don’t click. Parang pag-double check ng perang natanggap mo – siguraduhing hindi peke. Importante rin na updated ang browsers niyo.
AWARENESS
Maging skeptical online, tulad ng pagduda sa ‘too good to be true’ investment. Kung may email o message na mukhang fishy, malaki ang tsansang fishy ‘yan.
Be skeptical and verify
Always double-check suspicious messages. Kung may email o text na hindi unexpected, better to verify directly with the source. Iwasan ang social engineering tactics, kung saan nilalaro ng fraudsters ang emotions para makakuha ng sensitive info. Question everything na may duda ko o medyo may kakaiba.
Education and awareness
Knowledge is power, lalo na sa paglaban sa bank fraud. Stay informed about latest fraud schemes. Regularly engage sa credible financial news sources, attend webinars, join community discussions about banking security.
Emotional resilience
Ang emotional resilience, effective shield laban sa psychological warfare ng scammers. They often use tactics na magdudulot ng fear, urgency, or other strong emotions. Manage your emotional responses effectively. Huminga muna at mag-isip ng malinaw bago mag-decide.
FINANCIAL EDUCATION
Parang pag-manage ng ‘sari-sari’ store. Hindi mo iiwanan na bukas ang store with all the money sa cash register, di ba?
Diversify financial holdings
Wise na hindi lahat ng savings mo nasa isang account lang. Explore other financial instruments tulad ng time deposits, Pag-IBIG MP2, Retail Treasury Bonds, Retail Dollar Bonds, WISP+ at iba pa. These offer better security against fraud and attractive returns. By spreading funds, you create a financial safety net.
Control and limit access
Control over financial accounts is crucial. Lower transaction limits in your banking apps. Parang setting a speed limit sa financial transactions. Familiarize yourself with the features of your banking app. Many banks provide various security settings na puwede mong i-customize.
Monitor and respond
Vigilantly monitor and promptly respond to account activities. Regularly check your accounts to catch unauthorized transactions. Enable bank notifications for transactions as an immediate alert system.
Keep your money SAFE
Implementing this SAFE strategy, hindi lang ‘to about protecting your finances; it’s about nurturing a culture of security and wisdom sa pag-handle ng pera, which is part of our journey towards financial freedom. Together, we can ensure na ang ating path to prosperity hindi lang profitable, kundi protected din.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent