was successfully added to your cart.

Cart

Problema sa Bigas: Paano Natin Ito Masusulosyonan?

Mga KaSosyo at KaNegosyo, alam natin na sa pagitan ng ekonomiya, politika, at agrikultura, kailangan nating magkaroon ng stratehiya para masigurong abot-kaya ang presyo ng bigas at magkaroon tayo ng sustainable na industriya ng bigas sa Pilipinas. Sa mga insights na binahagi, lalo na ni Congresswoman Rhea Vergara, narito ang ilang rekomendasyon para sa hamon na kinakaharap ng sektor ng bigas.

 

Ang direktang suporta sa mga magsasaka ay mahalaga para sa kalakasan ng industriya ng bigas. Sinabi ni Congresswoman Vergara na kailangan ng mga hakbang tulad ng minimum support price, na kinokonsidera ang gastos sa produksyon at iba pa. Dito, siguradong makakakuha ang ating mga magsasaka ng makatarungan na bayad para sa kanilang ani. Dagdag pa, ang pagbibigay ng subsidies o grants ay makakatulong sa kanila laban sa pagbabago-bago ng presyo sa merkado.

 

Magbigay suporta sa research, magkakaroon tayo ng mas mataas na ani, mas mura at epektibong pamamaraan sa pagsasaka, at mas matibay na mga pananim. Kung tutok tayo sa R&D, maari nating makamit ang mas mataas na uri ng bigas, mas mahusay na pamamaraan sa pagsasaka, at solusyon sa mga hamon tulad ng pests at pagbabago ng klima. Tulad ng sinabi ni Vergara, ang tamang suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang seeds at tulong sa pataba ay malaking tulong para bawasan ang gastos sa produksyon.

 

Dahil sa mga patuloy na hamon, kailangan nating muling suriin ang rice tariffication law. Paniniwala ni Vergara na dapat amyendahan ito, at ipanumbalik ang papel ng NFA upang patatagin ang merkado ng bigas lalo na sa panahon ng mga krisis. Sa pamamagitan ng NFA, na magbibigay ng abot-kayang bigas, masusugpo natin ang mga manipulasyon ng mga kartel at mga traders na hindi tapat.

 

Ang pag-promote ng lokal na produksyon ay mahalaga para sa seguridad ng pagkain at stabiliti ng ekonomiya. Sa pamamagitan ng pagbibigay insentibo, mas maeenganyo ang ating mga magsasaka na mag-produce at bawasan ang dependence sa importasyon. At sa pag-uugnay direkta ng mga magsasaka sa mga consumers, tulad ng suhestiyon ni Vergara sa Kadiwa initiative, mas maiiwasan natin ang mga middlemen at masisigurado na parehong makikinabang ang magsasaka at consumer.

 

Upang masolusyunan ang mga hamon sa industriya ng bigas, kailangan natin ng holistic approach na kinabibilangan ng direktang suporta sa magsasaka, investment in research, pag-amyenda sa batas, at pag-promote sa lokal na produksyon. Habang patuloy nating sinusubaybayan ang komplikadong dynamics ng produksyon ng bigas, presyo, at market forces, itong mga rekomendasyon ay nagbibigay-daan para siguraduhin na parehong makikinabang ang producer at consumer, papunta sa isang self-sufficient at matibay na industriya ng bigas sa Pilipinas.

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: