Kamusta, mga KaSosyo at KaNegosyo! Nais kong pag-usapan ang isang importanteng tanong: “Epektibo ba ang pagtitipid lang para makaipon?” Alam naman natin na sa panahon ngayon, mahirap ang buhay, at natural lang na hanapin natin ang lahat ng paraan para makatipid. Pero sapat na nga ba ang pagtitipid lang?
Sa totoo lang, mga KaSosyo, kilala tayo sa pagiging masinop. Lahat ng klase ng pagtitipid, nasubukan na natin. Pero, may hangganan din ang pagtitipid. Sabi ko nga, nasaid na yata natin ang lahat ng paraan para babaan ang ating mga gastos. Kaya, dapat nating isipin, may iba pa bang paraan para makapag-ipon nang higit pa?
Totoo na malaking tulong ang pagtitipid sa ating pag-iipon. Subalit, kailangan din nating tandaan na may limitasyon ito. Kung gusto nating lumago ang ating savings, hindi sapat na bawasan lang natin ang ating mga gastos. Kailangan din nating palakihin ang ating kita.
Paano ba natin ito gagawin? Isa sa mga solusyon ay ang pagkakaroon ng extra income. Kahit maliit, basta’t legal at walang inaabuso, malaking tulong na ito. Maraming paraan para kumita ng extra – maaaring sa pamamagitan ng part-time work, small business, o online freelancing.
Ngunit, syempre, may paalala ako: ang extra income ay hindi dapat winawaldas. Dapat ay may balance. Ienjoy mo rin ang iyong pinaghirapan. Gawin natin itong 50-50. Ang kalahati ng extra income, gamitin mo para sa sarili o pamilya, at ang kalahati ay ilaan mo sa savings o investment. Sa ganitong paraan, hindi ka lang nag-eenjoy, kundi lumalago rin ang iyong yaman.
Ang mahalagang aral dito, mga KaSosyo at Kanegosyo, ay ang paghahanap ng balanse sa buhay. Hindi lang puro pagtitipid, kundi pati na rin ang paghahanap ng ibang paraan para kumita at lumago. Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent