Mga KaSosyo at KaNegosyo, kamakailan lang, nagkaroon ako ng pagkakataong makipag-usap kay Cheryl Cosim tungkol sa paghawak ng ating finances. Isang malaking karangalan ito para sa akin at excited akong ibahagi sa inyo ang mga naging punto ng aming talakayan.
Sa aming pag-uusap, tinalakay namin ang tungkol sa spending behavior ng ating mga kababayan. Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang nagsikip ng sinturon at nagtipid dahil sa realidad ng buhay dito sa Pilipinas. May ilan din na nangutang para sa mga selebrasyon, pero mas marami ang piniling magtipid at nakontento na lang sa simpleng selebrasyon kapag holiday season.
Napag-usapan din namin ang kakayahan ng mga Pilipino na mag-ipon at mag-invest. Naniniwala ako na kaya nating mga Pinoy ang mag-ipon at mag-invest. Ang tunay na hamon lang talaga para sa marami sa atin ay ang source of income. Kadalasan, hindi sapat ang kinikita para sa ating mga pangangailangan, kaya’t kakaunti lang ang natitira para sa pag-iipon at pag-invest. Ngunit, hindi ito dahilan para sumuko. May mga paraan pa rin para malagpasan ang mga hamong ito.
Isa sa mga pinakamahalagang payo na ibinigay ko sa panayam ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na focus at layunin sa pag-iipon at pag-i-invest. Dapat ay mayroon tayong clear goals na nais nating abutin, at lagyan natin ang mga ito ng prayoridad. One goal at a time para mas focused at maayos ang pag-abot ng mga pangarap.
Mahalaga rin na unahin natin ang pagkakaroon ng emergency savings. Ito ang magiging pundasyon natin para sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay, tulad ng sakit o aksidente.
Kaya mga KaSosyo, kung iniisip ninyo kung kailan dapat simulan ang pagsave at pag-invest, ang sagot ay, ngayon na! It’s never too early para maghanda para sa kinabukasan. Kahit bago pa lang kayo sa trabaho, mahalaga na isipin na ninyo ang inyong retirement. Isipin ninyo na sa edad na 60, magiging komportable na ang inyong buhay dahil maaga kayong naghanda.
Gusto kong ipaalala sa inyo na ang pagyaman ay hindi lang para sa sarili nating kinabukasan kundi pati na rin para sa ating mga mahal sa buhay. Kaya, magtulungan tayo at pag-ibayuhin pa ang ating kaalaman sa tamang paghawak ng ating pinaghirapang pera.
Muli, ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, “Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.”
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent