Exclusive para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang SSS Flexi Fund. Ito ay isang provident fund na makakatulong sa kanilang mag-ipon ng pera at madagdagan ang kanilang retirement.
Fill up application form
Ang unang step ay i-fill up ang SSS Flexi Fund enrollment form at magbigay ng kopya ng government issued ID. I-submit ito sa mga SSS representative offices abroad. Kadalasan nasa mga konsulato at embahada natin ang kanilang opisina at mayroon ding mga partner remittance agents.
Puwede ring i-submit ang form sa Pilipinas kapag nagbabakasyon. Dalhin ito sa mga SSS branches available nationwide at ipakita ang Overseas Employment Certificate (OEC) o ang e-receipt na inissue ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) bilang patunay na kayo ay OFW.
Paano mag-remit ng contribution
Pareho lang ang procedures sa regular SSS contributions ang paghuhulog sa Flexi Fund. I-fillout at ibigay ang SSS RS – 5 form (contributions payment return). Huwag kakalimutang i-tick na kayo ay OFW bilang payor type.
Maaari kang magpasobra sa iyong regular SSS monthly contribution at any amount in excess of PhP200 ay automatic na mapupunta sa iyong Flexi Fund. Iisa lang ang maaring maging account sa Flexi Fund.
Hindi kinakailangang buwan-buwan maghulog sa sa Flexi Fund pero kung kaya sa budget na magpasobra sa regular contributions, mas lalaki ang makukuhang benefit. Puwede mo rin itong hulugan nang hiwalay sa regular SSS contribution.
Puwede kang magdagdag sa iyong Flexi Fund weekly, monthly, quarterly o kung anumang petsa naisin. Pero para hindi na maguluhan at malito, bayaran ito sabay ng SSS contribution para din tipid sa remittance.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent