Sinasabi nilang aabot ng hanggang 5 taon bago tayo lubusang makalampas sa COVID-19 pandemic. Sa gitna ng walang kasiguruhan sa negosyo, trabaho at kita, marami ang nangangamba sa kanilang finances.
Ito ay dahil maging ang 9 months worth emergency savings ay hindi sasapat kung aabot ng limang taon at mananatiling ganito ang ating sitwasyon. Paano tayo makakaraos sa panahong ito na mapanatili pa rin nating masaya at mapayapa ang ating pamumuhay?
Huwag mag-panic!
Ang una mong dapat gawin ay gumawa ng emergency budget. Ang budget ay listahan ng perang meron ka at kung paano ito gagamitin. Kung hindi pa nakakagawa nito, magandang magsimula na ngayon at huwag nang ipagpaliban pa. Mas makakagawa ng tamang desisyon kung meron kang tamang impormasyon sa iyong financial status.
Isulat ang budget
Lagi kong sinasabi na ang paggawa ng budget, dapat nakasulat, hindi yung nasa isip lamang. Pumunta sa Vince Rapisura messenger at i-type ang MIMO para maka-access ng free online form. Pagkatapos mo itong masagutan, makukuha ang resulta ng pumapasok at lumalabas na pera. Maiemal din sa iyo ang dokumentong ito.
Magpakatotoo sa mga estimates
Gumamit ng totoong amount kapag naglagay ng impormasyon sa iyong budget. Balikan ang nakaraan na tatlong buwan at ilista ang mga pumasok at lumabas na pera nang buong katotoohanan.
Masalimuot ang prosesong ito pero madami namang panahon sa kamay ngayon dahil sa quarantine. Kunin ang mga resibo at iba pang transaction documents na makakatulong sa iyong paglilista.
Igrupo ang mga gastusin
May tatlong grupo nang mahahalagang gastusin ang kailangang gawin – ang mga needs o pangunahing kailangan; mga utang; at mga wants o mga maliliit na luho, rangya at hilig. Kasama sa mga needs ang pabahay, tubig at kuryente, Internet, basic groceries, transportasyon at medical needs.
Ilista din ang mga utang tulad ng housing loan, car loan, utang sa negosyo, credit card balance. Ang gusto nating malaman dito ay kung magkano ang minimum na kailangang mong bayaran sa iyong mga utang. Panghuli, ilista ang mga ginastos sa wants tulad ng entertainment, food delivery, online shopping, Netflix at iba pa.
Ang total na nakuha mo para sa needs ay ang tinatawag kong survival budget. Ito ang mga items na kailangan mo para mabuhay ayon sa iyong lifestyle. Ito ang pinakamahalaga at dapat gawing priority.
Kapag pinagsama ang mga needs at bayarin sa utang, iyan ang emergency budget. Kasama sa emeregency budget natin na mabayaran ang mga utang na obligasyon at responsibilidad natin sa iba.
Icongratulate mo ang iyong sarili kung may matitira pang pera sa iyo matapos mog tanggalin sa iyong income ang emergency budget. I suggest na ilagay ang amount na ito sa isang ultra safe deposit account at iwasang ipagsapalaran sa investment.
Prioritize needs and loan repayments
Kung ikaw ay nasa survival mode, unahing lagyan ng budget ang basic needs tulad ng pagkain at medisina. Isunod ang utilities o tubig at kuryente. Sunod dito ang gastos sa transportasyon at pabahay. Kung mayroon pang matitira, isunod ang pagbabayad ng utang.
Ngayong natatapos na ang lockdown at unti-unti nang pinapayagang magbukas ang mga negosyo at makapaso ang mga empleyado sa trabaho; matatapos na rin ang grace period para sa pagbabayad ng utang.
Kung ikaw ay micro and small enterprise (MSE) at may loan kang kailangang bayaran, makipag-ugnayan at tawagan agad ang iyong creditor. Kung kaya ng bulsa, bayaran nang buo ang mga hindi nabayaran noong panahon ng lockdown.
Puwede mo ring bayaran ito nang hulugan at hahatiin ang hindi mo nabayarang amount noong lockdown hanggang sa maturity date ng loan. Siyempre, you can always be transparent to your creditor at sabihin sa kanila ang tunay mong kalagayan so you can work out a realistic and easy repayment scheme with them.
Pareho din ang patakaran para sa mga home or mortgage loans, credit cards at sa mga tenants o nangungupahan kung ikaw ay nagrerenta ng iyong bahay. Sunod ang utilities tulad ng tubig, kuryente, mobile phone, Internet, cable subscriptions at iba pa. Isama na rin ang insurance provider kung may mga premium kang hindi nabayaran.
Magandang makipag-negotiate nang maaga sa kanila dahil pare-pareho silang nanghahanda sa mga maaring hindi makapagbayad. Huwag mahiyang humiling ng terms and conditions na kakayanin mo.
Pipilitin nilang magkaroon ng paraan at maging flexible para makapagbayad pa rin ang mga may obligasyon sa kanila, so they will be more relaxed in their policies. May elbow room ka to negotiate.
Imanage ang wants
Unrealistic na wala tayong wants sa buhay natin dahil aminin natin, ang wants ang nagpapasaya at nagpapakulay ng ating buhay. Hindi naman ibig sabihin na nasa pandemic tayo ay dapat maging miserable ang ating buhay.
Unti-unting mag-adjust at pumili ng mga wants na lubos makakapagpasaya sa iyo. Wala namang judgment dito dahil tanging ikaw ang nakakaalam ng makakapagpasaya sa iyo at iba-iba tayo ng kaligayahan sa buhay.
Mas sustainable in the long run ang may kaunti kang wants kaysa sa dinedeprive mo ang sarili mo parati. Hindi rin maganda na pinagdadamutan ang sarili para sa ating mental health.
Now, don’t get me wrong. This is not a license to splurge. Ang pagkakaroon ng kaunting wants o discretionary spending ay parang pagpapasingaw nang paunti-unti sa bulkan para hindi tuluyang sumabog nang out of control.
Cash is king in a crisis
If you find yourself in a position where you have excess cash after magawa ang emergency budget, itago ito at idagdag sa iyong emergency savings. Hindi natin alam kung ano pang sorpresa ang ihaharap ng pandemic na ito sa atin.
Usap-usapan nga na baka magkaroon ng mas malalang second wave di ba? Mas mabuti nang handa ka na para harapin ito kaysa magsisi. Tandaan na may kapangyarihan at kakayahan kang gumawa ng plano at humingi ng tulong kung kinakailangan.
Talagang nasa gitna tayo ng krisis ngayon at walang mabubulaklak na salita ang makakapagtago dito. Sa kabila nito, sa tingin ko ang mga paraang ibinigay ko para sa emergency budget ay mapapagaan ang ating pasanin.
Ako si Sir Vince, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan!
Magagamit ba ng kapamilya, kaibigan at mga kakilala mo ang emrgency budget? Please feel free to like, comment and share with them kung sa tingin mo makikinabang sila. Sa ganitong paraan ay mapalaganap ang financial literacy advocacy natin sa bawat Filipino saan man sa mundo.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent