Nagtataka ako kung bakit parating nasusunugan ang mga SEDPI members namin sa Mangagoy, Bislig City. Hindi pa lagpas ng taong 2019, may tatlong insidente na ng sunog.
Daan-daang mga bahay ang natupok sa sunog na nangyari nitong Pebrero at Hunyo 2019. Nasa 30 members ang nabiktima nito.
Education program
Dahil sa sunod-sunod na sunog, brining-up ko ito sa aming monthly meeting. I suggested na dapat ay magkaroon ng fire prevention campaign and information dissemination para sa mga members namin para maiwasan ito.
Balak ko sanang makipag-partner sa local government unit para dito. Naisip ko ay baka kulang ang kaalaman ng mga tao doon kung paano mapipigilan ang sunog.
Fire threat
Laking gulat ko nang ibinahagi ng isa sa mga financial inclusion officers (FIO) namin na hindi daw maiiwasan ang sunog doon. Ito ay dahil mga informal settlers ang nakatira doon at sinadya ang mga sunog na nangyari.
May mga messages daw na natanggap ang mga tagaroon nagsasabing umalis na sila sa lugar na iyon at binantaan na susunugin ang mga bahay nila kung hindi sila susunod.
Nakakapanlumo.
Damayan
Dahil sa mga bantang ito, malaki ang negatibong epekto nito sa programa. Umaabot na sa halos PhP300,000 ang nagagastos ng SEDPI upang magbigay ng PhP5,000 cash assistance at 1 week worth of relief goods sa mga nasunugan.
Nagagawa namin ito dahil sa damayan program. Ang damayan ay indigenous insurance practice natin kung saan nagaambag-ambag ang bawat isa ng maliit na halaga para gamiting pantulong sa kapwa. Naisasagawa ito dahil sa bayanihan na mahalagang bahagi ng kultura natin.
Dahil sa laki na ng gastos sa damayan, sinuggest ng isa sa mga branch managers na suspendihin ang fire assistance benefit sa area. Agad akong hindi pumayag dahil naniniwala akong mas mahalagang mabigyan kahit ng kaunting sense of security ang mga members namin sakaling sila ay masunugan.
Hindi rin ako naniniwalang iwanan ang mga members namin sa ngalan ng mas maliit na gastos sa panahon na mas kailangan nila kami. Dapat may mas magandang solusyon.
Kakulangan sa pabahay
Nagsisimula ang lahat ng problema dahil sa problema sa pabahay. Isa sa mga basic needs natin ang bahay na dapat ay may maayos na access sa utilities; basic services tulad ng edukasyon, palengke at pagamutan; negosyo; trabaho at transportasyon to say the least.
Ito ang nag-udyok sa mga informal settlers na magtayo ng kanilang bahay sa lupang hindi nila pagmamayari. Sigurado akong kung mabibigyan sila ng pagkakataong makabili ng maayos na pabahay tulad ng nabanggit ko sa itaas ay bibilhin nila ito.
Ang problema, malaki ang kakulangan sa pabahay. Tinatayang nasa 5 milyon ang backlog ng Pilipinas sa pabahay.
Pag-IBIG partnership
Lumabas na dati sa konsultasyon ko sa mga members namin kung ano ang kanilang pangarap sa buhay. Nasa top three nila ang magkaroon ng bahay.
Ito ang dahilan kung bakit sinuyo ng SEDPI na magkaroon ng partnership with Pag-IBIG. Ito ang aming sagot upang hindi na maging informal settler at biktima ng sunog ang mga members namin.
Under our partnership, nakasaad na gagawa kami ng pilot housing project kung saan gagawa ang SEDPI ng socialized housing project sa tulong ng Pag-IBIG. Balak naming magtayo ng 10 units bago ang ikalawang taon ng partnership namin sa May 2020.
Long term solution
Naniniwala akong malulutas ang problema sa bahay sa pamamagitan ng pakikipagugnayan ng private sector sa gobyerno. Hindi ito madaling gawin pero kinakailangang magtulungan para sa kapakanan ng lahat.
Sana ay hindi na maulit muli ang sunog sa area namin. Kawawa kasi ang mga members.
Ang pangarap ko ay magkaroon ng maayos na pabahay para sa lahat ng mga microenterprises. Sigurado akong uunlad ang Pilipinas kung ito ay mangyayari.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent