Sa personal na karanasan ko at sa patuloy na pagpapayo sa paghawak ng pera, hindi nalulutas ang problema sa pera sa isang iglap. Mabilis na ang isa’t kalahating taon para sa mga madaling kaso at sa mga medyo mabibigat ay umaabot ito ng tatlo hanggang limang taon.
Ito ay dahil kahit na naiintindihan na ang ginawang maling financial decision at malinaw na malinaw na kung ano ang dapat gawin para mabago ito, kadalasan ay may malakas pa din ang pag-aalinlangan o hesitation ng mga tao dito.
Behavioral economics
“Madaling sabihin, mahirap gawin,” iyan parati ang naririnig ko sa mga binibigyan ko ng payo. Ito ay dahil bilang tao, hindi lang tayo nag-iisip logically. Ang mga desisyon natin sa buhay ay apektado din ang ating emotional wellbeing dahil tayo at ang mga taong nakapaligid sa atin ay may feelings.
Behavioral economics pala ang tawag dito na ginawan ng matinding research ni Richard Thaler. Dahil sa mga research niya, siya ang Nobel Prize winner for economics noong 2017.
Ayon sa teorya ni Thaler, people can’t remove emotions from the decision making process. Kasama ng proseso ng pagdedesisyon natin bilang tao ang ating emosyon, hindi lang utak o logic ang umiiral.
Classical economics assumes that participants in markets are rational and unemotional; can calculate as super computers and have self control. We are not perfectly rational beings. Gumagawa tayo ng mga bagay o desisyon na kahit mali ay pinipili natin dahil tayo ay may feelings o damdamin.
Isang halimbawa nito ang isang dati kong kasamahan sa trabaho na kumuha ng investment-linked insurance o variable universal life insurance (VUL). Kung masugid mong sinusundan ang aking blog, alam mong hindi ako pabor sa VUL dahil sa mahal na fees at malaking commission na napupunta sa agent.
Ang ginawa niya, kumuha siya ng salary loan sa Social Security System (SSS) at ginamit ito para pambayad sa premium sa VUL. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng savings niya sa kumpaniya.
Hindi ko talaga maintindihan ang ginawa niya, napaka-irrational. Huwag tularan, kasi hindi dapat ginagamit ang loan pambayad sa insurance premium. Savings dapat ang gamitin para dito pero dapat hindi mauubos ang savings dahil sa laki ng premium na babayaran.
Sa kabila ng mga paliwanag ko ay hindi pa rin siya nakinig at ipinagpatuloy pa rin ang VUL. Doon ko nalaman na may pinagdadaanan pala siya kaya hindi maayos ang pag-iisip at pagdedesisyon sa pera. Marami pala siyang mga insecurities at gusto niyang patunayan ang sarili niya sa ibang tao.
Kaya napakahalagang i-manage natin ang ating emosyon para tayo ay magkaroon ng maayos na desisyon sa paghawak ng pera.
Mga emosyong nakakasagabal sa personal finance success
Sa libro kong (L)Earning Wealth: Successful Strategies in Money Management, naglagay ako ng limang chapters o isang buong section ng libro para pag-usapan nang masinsinan ang mga emosyong nakakasagabal sa ating personal finance success.
Ang mga emosyong ito ay takot, galit, bagabag (guilt), hiya at inggit. Ang mga kabaliktaran nito – tapang, pagmamahal, malinis na konsensiya, karangalan, at pagiging kuntento sa sarili – ang mga emosyong nakakatulong sa ating personal finance success.
Read: Mga emosyong nakakasagabal sa personal finance success
Kilala tayong mga Pinoy bilang madadrama at emosyonal. Kaya lumabas sa Gallup annual global emotions report noong 2018 pangatlo ang mga Pinoy sa pagiging emosyonal sa 148 na bansang sinurvey nito.
Mga karaniwang dahilan ng pagkakamali sa pera
Nakalista sa ibaba ang mga karaniwang dahilan ng pagkakamali ng mga Pinoy sa paghawak ng pera. I-click ang bawat isa para mabasa ang bawat paliwanag.
- Emosyon
- Work stress – kulang sa tulog, matinding traffic, nalipasan ng gutom
- Dahil sa kahirapan
- Kulang sa self-control
- Herd mentality o gaya-gaya puto maya
- Paralysis of choice
- Endowment effect
- Sunk cost fallacy
- Transaction utility
- Mental accounting
Pera progress mastery
Sa aking pera progress mastery framework, mas binibigyan ko ng halaga ang self-mastery at situation mastery kaysa sa pera mastery. Ang self-mastery ay ang pagtanggap at pagkilala sa sarili para mas magkaroon ng tapang gawin ang tamang financial decision gaano man ito kahirap.
Ang situation mastery ay ang kakayahang harapin ang mga emergencies, pagsubok at mga di inaasahang bagay na hindi kinakailangang mangutang at magmakaawa sa iba dahil to begin with, may maayos kang financial foundation at kaya mong tumayo sa sarili mong paa.
Pera mastery ang kakayahang kumita ng pera. Sa akin, kung hindi maganda ang pundasyon ng ating self-mastery at situation mastery, kahit anong galing pa natin sa pera mastery, wala tayong patutunguhan at mahihirapang maging successful financially.
Kaya dapat bigyang halaga ang pagpapatibay ng ating emosyon dahil ito ang kailangan para mapatatag ang self-mastery at situation mastery para makaiwas sa mga maling desisyon sa pera.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent