was successfully added to your cart.

Cart

Mga Bayanihan sa Panahon ng Baha: Mula Davao hanggang Surigao

Mga KaSosyo at KaNegosyo, nito lang January 16, ayon sa PAGASA, may general flood advisory dahil sa shear line na tumama sa eastern part ng Mindanao. Partikular sa CARAGA at Davao Region. At grabe, ang mga tagpo sa ground, talaga namang nakakaloka!

Sa Montevista Branch sa Davao de Oro, kita n’yo ba yung mga pictures? Lumalangoy na ang mga members natin! Mataas ang tubig sa mga area na ito.

 

 

 

 

Pero kahit na ganyan, makikita mo pa rin ang mga ngiti sa mukha ng ating mga KaSosyo. Sabi nga nila, “magpi-picture eh di mag-smile.” Pero syempre, nakakaawa rin, lalo na’t kailangan nilang mag-evacuate.

 

 

 

 

Sa Bislig Branch sa Surigao del Sur, mukhang ilog na yung mga bahay, ang lakas ng ragasa ng tubig. Ganun din sa ibang branches tulad ng Monkayo at Lingig, may mga landslide pa. Ang mga staff natin, bumibisita talaga sa mga members para alamin ang kanilang kalagayan.

 

 

 

Sa kabila ng lahat ng ito, ‘yung resilience ng mga Pilipino, hindi matatawaran. Yung iba, kahit bahang-baha na, tuloy pa rin sa pagbebenta, ‘di ba? Tulad ni Ate sa Rosario Branch, go pa rin sa pagtitinda ng pagkain.

Pero syempre, bilang bahagi ng SEDPI, hindi tayo basta-basta nanonood lang. Andyan ang KaTambayayong, ang ating damayan system. Nagbibigay tayo ng cash and relief goods mula sa membership fees. Iniisip ko nga, pwede naman itong income para sa akin, pero mas pinili nating gawing budget para sa ating mga KaSosyo.

 

Ang report ay on going pa, at susunod na rin ang distribution ng relief goods. At alam n’yo ba, umabot na sa 7.5 milyon ang naipamigay natin na KaTambayayong benefits. Hindi lang basta tulong-pinansyal, may mga medical assistance, tulong sa mga nasunugan, at iba pa.

 

Mga KaSosyo, sa mga ganitong pagkakataon, mas lalo tayong kumakapit sa bayanihan. Kaya naman, kami po ay humihingi ng tulong. Kung gusto niyong mag-donate, pwede sa

Account name: SEDPI Foundation Inc.

Bank: Banco de Oro Unibank

Account Number: 004690126723

GCash: 09954230830

 

Bawat tulong, malaking bagay para sa ating mga KaSosyo. Sa huli, sa kabila ng mga pagsubok, nandito tayo para sa isa’t isa. Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: