Naranasan mo na bang nahirapan kang magdesisyon dahil sa daming pagpipilian?
Ang lagi kong naalala sa siwasyong ganito ay noong una akong nakakita ng gelato store sa Rome, Italy. Ang gelato ang napakasarap na ice cream ng Italy. Sobrang daming pagpipilian, lahat mukhang napakasarap kaya lahat gusto kong tikman.
Pero siyempre, hindi praktikal na bilhin ko ang bawat isa para ma-enjoy ang experience. Kailangang kong mamili ng flavor.
Nahirapan akong pumili dahil sa sobrang dami ng choices. Paralysis of choice ang tawag dito
Paralysis of choice
Sobrang daming pagpipilian ngayon at nakakapagod mag-isip kung ano ang pipiliin at dahil napapagod na tayo sa kakaisip, pinipili na lang natin kung ano ang available na pinakamabilis at pinakamadali.
Choose a simple life
Kaya ang ginawa ko dito ay ang conscious decision na gawing simple ang buhay. Halimbawa, nagdesisyon akong gawing limitado ang aking damit. Kung dati inaabot ako ng 30 minutes kada araw para pumili ng aking isusuot, ngayon ay wala pang limang minuto ay nakapili at nakabihis na ako.
Ito ang dahilan kung bakit halos pare-pareho ang suot ko kapag nakikita niyo ako sa TV o sa mga blogs ko. Mas gusto ko kasing gamitin ang oras ko sa mga mas mahahalagang bagay kaysa pagaksayahan ng panahon kung bagay ba o magkaterno ang isusuot ko.
Pinili ko ding maging pescetarian. Hindi na ako kumakain nang anumang karne. Gulay, prutas, grains at isda na lang ang kinakain ko.
Madami ang naaaligaga tuwing kakain sa labas dahil iniisip nila kung meron akong makakain. Mas stressed out pa nga sila kaysa sa akin.
Tinanggap ko ang pagkakaroon ng limitadong choices sa pagkain kapalit ng pagkakaroon ng mas magandang kalusugan. Ngayon, normal ang blood pressure, blood sugar at cholesterol ko kumpara dati na muntik na akong mag maintenance medicine kung hindi ako nag-lifestyle change.
Aaminin kong noong una ay nanibago at nahirapan din ako. Pero ngayon, dahil sanay na, I do not feel deprived. Hindi ko ramdam na napagkakaitan ako or I’m missing out.
Mas madali na nga akong magdesisyon kung ano ang kakainin ko sa labas dahil mas kakaunti ang aking pagpipilian. Surprisingly, I am happier now.
Paralysis of choice in personal finance
Sa sobrang dami din ng options natin ngayon na financial products, hirap na hirap tayong mag-desisyon. Kung bibisita sa bangko – sangkatutak ang kanilang mga savings products – may regular savings account with passbook, may ATM lang, time deposit, checking account, may money market accounts at kung anu-ano pa.
Kung madami ang savings, mas madami ang loans – personal loans, home appliance loans, credit line, business loan, housing loan, car loan at marami pang iba. May loan product yata ang mga financial institutions sa bawat problema natin sa buhay.
Ganun din sa insurance, napakaraming klase – life, health, property, may insurance na may investment. Hindi rin kaiba ang mga investments – mutual funds, UITFs, bonds, stocks, real estate at marami pang iba.
Dahil sa dami, litong-lito tayo kung ano ba ang tamang produktong pipiliin.
Match goal with financial product
Para mabawasan ang paralysis of choice, kailangang malinaw muna sa iyo kung ano ang iyong financial goal. Ang paglilinaw na ito ay bahagi ng self-mastery kung saan kinikilala natin at tinatanggap natin nang buong-buo ang ating sarili.
Kung meron tayong self-mastery, alam natin kung ano ang magpapasaya at magpapagaan sa buhay natin kaya masa magiging focused ang ating financial goals. Mas maganda rin kung ipaprioritize ang mga financial goals para alam natin kung ano ang dapat unahin sa mga ito.
Mapapadali ang paggawa ng desisyon sa ganitong paraan. Basahin ang “Paano gumawa ng financial goal” para matuto kung paano ito gawin. Makakatulong din ang mga sumusunod:
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent