Tiwala ang main ingredient ng pag-inog ng ekonomiya. Ito ang gamit ng bawat bansa, organisasyon at mga tao sa iba’t-ibang transaksyon.
Kung wala ang tiwala, gugulo ang mundo. Kaya napakahalagang pangalagaan dahil kapag ito ay nabasag, hindi na ito maibabalik sa dati.
Sa panahon ngayon, anu-ano nga ba ang senyales na mapagkakatiwalaan ka?
Mali na na social media accounts
Narinig ko na minsang sinabing, if it’s not of Facebook, it did not happen. Ganyan kahalaga ang social media sa buhay natin ngayon.
Dito tayo kumukuha ng impormasyon, nakikipagtalastasan at karamihan ng talakayan ay dito na nagaganap. Para sa mga makabagong henerasyon – ang mga millennials at post millennials, mas ginagamit na nila ang social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram kaysa telebisyon, radyo at diyaryo.
May mga kumpaniyang ginagamit na ang social media accounts upang imbestigahan ang kanilang mga prospective new hires. Kaya napakahalagang mag-ingat sa mga inilalagay dito.
Kapag ang pangalan sa social media ay hindi agad-agad ma-identify, isa lang ibig sabihin nito: nagtatago o may pinagtataguan ito. Mapagkakatiwalaan daw ang isang taong malinaw ang kaniyang social media accounts dahil open book ang impormasyon na ibinibigay sa publiko.
Pag-maintain ng parehong contact details
Nakakabit n ngayon sa isang tao ang kaniyang contact details tulad ng mobile number at email address. Isang senyales daw na mapagkakatiwalaan ang isang tao kung matagal na panahon na ang nakakalipas at pareho pa din ang kaniyang ginagamit na contact details.
Ibig sabihin nito, lumipat man siya ng address, madali pa rin aiyang mahahanap.
Bills paid on time
Sa microfinance, isang senyales na magiging maayos ang pagbabayad ng isang kliyente kung wala itong delay sa pagbabayad ng kanilang kuryente, tubig, telepono, Internet connection at iba pang utility bills na regular dumarating buwan-buwan.
Mas malaki ang tsansang makakabayad sa utang ang isang tao kung nagbabayad siya on time at walang delay sa kaniyang mga utility bills. To establish trust, lalo na kung gustong pagandahin ang credit score, kumuha ng plans instead na prepaid dahil ginagamit ito dito.
Magandang reputasyon
Nangingibabaw man ang paggamit ng social media at contact details sa pagtingin kung mapagkakatiwalaan ang isang tao pero nananatili pa din ang reputasyon mula sa pamilya, kaibigan at mga kamag-anak.
Kung ano ang sinasabi nila kapag hindi nakaharap ang siyang nagsasabi kung mapagkakatiwalaan ang isang tao.
Pangalagaan ang pangalan
Totoong malayo ang mararating ng isang taong may malinis na pangalan. Kaya kailangan nating mag-ingat sa ating mga sinasabi at ibinabahagi sa social media at sa mga taong nakapalogid sa akin.
Siyempre, wala pa ring tatalo sa paggawa ng kabutihan upang mapanatiling malinis ang pangalan at pagkatiwalaan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent