May mga taong hirap magkamali. May mga tao namang, tulad ko, na tinitingnan ang pagkakamali bilang opportunity para matuto.
Napansin ko itong kaibahang ito sa partner ko. Labing pitong taon na kaming magkasama, kung paano namin na-survive yun ay halu-halong suwerte, pakikisama at ultimately, ang pagpili sa bawat isa, no matter what.
The poor have less opportunities
Isa sa mga napansin kong kaibahan namin ay ang kakayahan kong tawanan ang mga nagagawa kong pagkakamali, habang siya naman ay seryosong hindi dapat nagkakamali. Marahil dala ito ng kahirapan.
The poor don’t have the luxury to commit mistakes, because most of the time, they only get one chance.
Masasabing lumaki ako sa pamilyang nabiyayaan ng komportableng buhay. Hindi naman kami masasabing mayamang pamilya pero may kaya sina mama at papa nung kami ay lumalaki.
In contrast, ang partner ko ay lumaki sa hirap. Kinailangan niyang tapusin ang college sa loob ng pitong semester imbes na walo, dahil alam niyang kinakapos na ang pamilya niya sa pagpapaaral sa kaniya.
Perfectionist
Lagi naming pinagtatalunan ang kaniyang kagustuhang maging tama parati. Sa kaniya, mortal sin ang pagkakamali.
Ako naman, nakikita ko ang mga pagkakamali sa buhay bilang pagkakataong matuto. Naniniwala akong mas natututo tayo sa mgabpagkakamali natin kaysa sa tamang bagay nagawa natin.
Obserbasyon ko sa mga estudyante ko sa Ateneo at maging nung ako ay katulad din nilang estudyante, mas natatandaan ang mga pagkakamali at ano ang tamang sagot kaysa sa mga tamang sagot.
No mistakes only lessons
Naniniwala akong walang pagkakamali sa mundo, kundi may mga nais lang ituro sa ating leksyon. Nasa sa atin kung itetake natin ito bilang opportunity na matuto o pipiliing latiguhin ang sarili sa nagawang pagkakamali.
Kapag may namgyayaring hindi kanais-nais sa buhay ko, parati kong tinatanong, ano kayang lesson ang gustong ituro ng nasa itaas sa akin. Kapag ganito inisip ko, gaano man kabigat ang pinagdadaanan ay gumagaan. Mas nagkakaroon ako ng pag-asa.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent