was successfully added to your cart.

Cart

Kulang ang Sahod? Heto ang Sikreto sa Pag-iipon!

Mga KaSosyo at KaNegosyo, balik tayo sa basic! Alam ko ang tanong na madalas ninyong itanong – “Sir Vince, minimum wage earner ako, kulang pa nga ito eh. Paano ba ako makakapag-ipon at makakabuo ng savings?”

 

Okay, let’s break it down. Kapag ang kinikita mo ay nasa range ng 20 hanggang ₱20,000 pababa kada buwan, may simple tayong budgeting rule. Uunahin natin ang 5% ng ating kinikita para sa insurance at 10% para sa ating savings. Tandaan, mahalaga na magtabi kaagad para sa insurance at savings.

Ngayon, yung matitira – yung 85%, pagkakasyahin natin ‘yan para sa iba’t ibang gastusin. Iba-iba tayo ng priorities at gusto, kaya ikaw na ang bahala kung paano mo i-budget ang natira. Ang mahalaga, na-set aside na natin ang para sa insurance at savings.

 

Pero teka, paano kung may utang? Simple lang. Kukunin mo rin ‘yan sa 85% na natira. Ang rule dito, maximum na 20% lang ng buong kinikita mo kada buwan ang dapat mapunta pambayad sa utang. Bakit? Kasi kung sobra-sobra ang bayad sa utang, wala na tayong matitira para sa araw-araw na pangangailangan.

 

Isipin mo, may insurance ka na, may savings, tapos may utang pa. Kung masyadong mabigat ang utang, mahirap, di ba? Kaya sabi ko talaga, asawa ng kahirapan ang utang.

 

Mga KaSosyo at KaNegosyo, kahit gaano kaliit ang sahod, may paraan para makapag-ipon at makapag-invest. Ang susi dito ay disiplina at tamang pagplano. Hindi ito madali, pero posible.

Sa huli, ang pagyaman ay hindi overnight na proseso. Ito ay unti-unting paglalakbay patungo sa financial freedom. Kaya, sabay-sabay natin tahakin ang landas ng pagyaman.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: