Likas sa ating maghangad na makakuha ng discounts. Understandable naman kasi pinaghirapan natin ang perang bibitawan natin. Gusto lang nating makasulit at siguradong value for money ang bibilhin.
Pero may tamang lugar para dito. May mga pagkakataon kasing dapat iwasan nating mambarat dahil mahihirap ang dehado o kaya’y mga kapamilya’t kaibigan ay apektado.
Kaya gumawa ako ng iwas barat campaign.
Iwas tawad sa mga tindera
Kapag bumili ka sa mga shops sa mall o kaya ay namalengke sa supermarket, humihinginka ba ng tawad? Hindi di ba?
Sana ganun din kapag sa palengke, talipapa o bangketa tayo bumili. Pero siyempre, dapat alam din natin na hindi overpriced ang tinda para win-win ang situation.
Mga maliliit na negosyante o microenterprises kasi sila na kabilang sa informal sector. Dito nakasalalay ang kanilang kabuhayan at makakadagdag ka sa paggaan ng kanilang buhay kung di ka na mambabarat at hihingi ng tawad.
Magbigay ng tip sa carinderia
Kapag kumakain tayo sa restaurants nagbibigay tayo ng tip. Ang ilang fastfood ay kargado na ng service charge ang babayaran mo
Pero pag karinderia, di tayo nagbibigay ng tip. Tiyak mas sasaya si manang kung mag-iiwan tayo ng tip to appreciate her service. Kaunting barya lang, mapapangiti siya.
Suportahan ang mga nagsisimulang maliliit na negosyante
Mahirap magsimula ng negosyo. Kaya imbes na humingi ng discount, free sample o libre sa kanila, bumili na lang tayo.
Mas mararamdaman nila ang malasakit sa pakikiisa natin sa kanila sa ganitong paraan.
Tumulong sa marketing
Kung di natin kailangan ang binebenta nila o kaya’s sadyang walang budget puwede tayong tumulong sa marketing ng kanilang produkto o serbisyo. Malaking tulong na kung i-promote mo sila sa social media accounts mo.
Local economic development
Tandaan na sa mga malalaking establisiyemento ay di tayo tumatawad at hindi humihingi ng discount. Mayayaman na ang mga may-ari nun. Di nila kailangan tulong natin.
Samantala, ang nga maliliit na negosyante ay nangangailangan ng ating suporta para sa kanilang ikabubuhay. Kaya sana, gawin natin ang aking mga suggestions sa itaas.
Kung may mga suggestions kayong dagdag paraan kung paano mapapaigting ang ating Iwas Barat campaign, ilagay lang ito sa comments section.
Ang pagyaman, napag-aaralan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent