Pautang na walang interest. Profit and loss sharing. Inaatasan ang mga mas may kakayanan sa talino at talento na magbuhat ng mas malaking obligasyon at responsibilidad at ibahagi ito sa kapwa. Pagpapayaman na hindi magiging sanhi ng kahirapan ng iba. Ang pera ay instrumento lamang sa mga transaction.
Iyan ay ilan sa mga magagandang prinsipiyo ng Islamic finance. Maging ang Vatican sa pamamagitan nina Pope Benedict at Pope Francis ay nagsabing makakatulong ang ito sa mga problemadong conventional banks at bilang alternatibo sa kapitalismo.
Islamic Banking Act
Naisabatas ang Islamic Banking Act sa Pilipinas o Republic Act 11439 noong Agosto 2019. Hindi pa ito naipapatupad nang malawakan dahil hindi pa nailalabas ang implementing rules and regulations o IRR nito.
Naniniwala akong Islamic finance ang isa sa magiging malaking tulong para malampasan natin ang problema sa ekonomiya dulot ng COVID-19. Isa-isahin natin kung bakit at paano.
Foundation of Islamic finance
Sa Islamic finance, ang mga mas may kakayahan sa talino at talent (physical and mental capacities) ay mas may obligasyon at responsibilidad sa lipunan. Inaatasan silang tumulong sa kapwa at magbahagi ng kanilang biyayang natanggap sa lipunan.
Ang mga may kakulangan sa talino at talent ay hindi nangangahulugang mababawasan ang kanilang karapatan at access o pahintulot sa paggamit sa likha ng Diyos at kalikasan. Preferential option for the poor ang tawag dito ng mga Kristiyano. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pangaabuso sa mga mahihina at mahihirap.
Dapat nakikipagtulungan ang lahat para sa ikabubuti ng lipunan. Ang goal ay mapaangat ang antas ng pamumuhay ng lahat na hindi sinisira ang kalikasan. Salungat sa nakikita natin ngayon na ang mayayaman lalong yumayaman at ang mahihirap lalong nababaon sa hirap.
Masasabing ang tatlong ito ang pundasyon ng Islamic finance: power comes with responsibility; those who have less have equal rights and access to creation and natural resources; and everyone should work for the good of society.
Norms in Islamic finance
Ang mga sumusunod ay ang norms o pamantayan kung paano ipinapatupad at isinasagawa ang Islamic finance: freedom to contract; freedom from Al-Riba; freedom from Al-Gharrar; freedom from Al-Qimar, and Al-Maisir; Freedom from price manipulation and darar; right to transact at a fair price; right to equal, adequate, and accurate information; at mutual cooperation and solidarity.
Freedom to contract
Kailangang may kasulatan o kontrata sa Islamic finance kung saang magsisilbi itong legal union ng mga partido o capable parties. Dito pa lang ay marami nang masasagot sa problema natin sa lipunan tungkol sa pera, lalung-lalo na sa usapin ng pera sa loob ng pamilya.
Dahil kailangang pumirma sa kontrata, may katunayan ng pagkakasundo sa responsibilidad at obligasyon ng bawat isa. Maiiwasan ang mga argumento at pag-aaway dahil may mababalikang nakasulat na dokumento bilang basehan.
Ang pagpasok sa kontrata ay hindi nangangahulugang malayang magagawa ang kahit anong bagay. Ipinagbabawal ang mga kasunduang ginamitan ng dahas o pamimilit. Dapat boluntaryo ang pagpasok sa kasunduan.
Kinakailangan ding halal o mga pinahihintulutang transactions ang laman ng kontrata. Kasama dito ang pagbabawal sa pang-aabuso sa kapwa, pagmamalabis, labis na pagaalinlangan, dahas at pamimilit.
Freedom from Al-Riba
Riba ang tawag ng mga Muslim sa interest. Ito ay itinuturing na masama at isang uri ng pagmamalabis o usury. Katulad ninyo, hindi ko rin agad maintindihan kung bakit ipinagbabawal ng Islam ang interest e isa ito sa mga uri ng passive income.
Malaki ang pagpapahalagang inilalagay ng Islam sa trabaho at responsibilidad sa pagkita ng pera. Kapag ang kita ay nakukuha sa pamamagitan lamang ng paghihintay at hindi ito pinagpapaguran o walang pananagutan, ipinagbabawal ito.
Ang interest sa conventional finance ay umaandar base sa panahon. Kaya kahit walang ginagawa ang isang investor o isang creditor ay kumikita pa rin sa paglipas ng panahon. Kumbaga may imbalance sa transaction.
May time value of money concept pa rin sa Islamic finance pero ito ay hindi umaandar ng nakabase sa panahon lamang. Ito ay dapat nakapaloon o embedded sa mga “real” transactions tulad ng negosyo o commerce; at trade and exchange o kalakal.
Kasabay ng pagkakaroon ng kita, benepisyo o pabuya ang panganib (risk) o pananagutan (liability). Para kumita, kailangang may trabaho o effort na ilalagay.
Aligned ito sa sinasabi kong hindi sapat na awa at tiwala ang gamit sa pagpaputang. Mahalaga ding tingnan kung may kakayahang magbayad ang pinapautangan at may kakayahang maningil ang nagpapautang. Silang dalawa ang may pananagutan, unlike sa conventional finance na ang borrower lamang ang may pananagutan sa credito.
Sa conventional finance, kapag hindi nakapagbayad sa maturity date ng loan, patuloy pa rin ang pagpataw ng interest dito. Hindi diyan tumitigil, nadadagdagan pa ang utang dahil sa iba’t-ibang uri ng penalties, charges at interest on interest.
Hinding-hindi ito mangyayari sa Islamic finance dahil kung hindi nakapagbayad sa napagkasunduang maturity date, hindi na aandar ang interest at walang penalties. Ito ay dahil inilalagay ang responsibilidad ng creditor ang masusing pagpili para siguradong may kakayahang magbayad ang borrower.
Kasalanan ng creditor kung hindi makapagbayad ang borrower dahil nagkamali ito sa pagpili sa pagpapautang. Sa karanasan ko, ang madalas na dahilan kung bakit hindi nakakabayad lalong-lalo na ang mga mahihirap ay hindi dahil sila ay balasubas kundi sa mga external factors tulad ng kalamidad, pagkakasakit at kamatayan.
Babalik tayo sa prinsipiyo na ang mas may resources ay siyang dapat tumatanggap ng mas malaking oligasyon at responsibilidad. Kung ang dahilan ng hindi pagbabayad ay external, ang lugi ay tatama sa creditor dahil mas may resources siya kaysa sa borrower. Takaful ang risk mitigation measure ng Islamic finance para labanan ang mga ganitong pangyayari.
Freedom from Al-Gharrar
Gharrar ang tawag sa labis na pagaalinlangan o excessive uncertainty. Tanggap ng Islam na mayroong likas na uncertainty dahil imposibleng makakuha ng perfect information. Ang ipinagbabawal ay ang sobra-sobrang uncertainty.
Kapag hindi sigurado ang isang bagay o transaksyon, maaring maging tsansa itong mapagsamantalahan ang iba. Halimbawa ng gharrar ay ang pagbebenta ng mga bagay na wala pa o hindi pa nangyayari tulad ng pagbebenta ng ani sa bukid na kakatanim pa lamang; o kaya ay anak ng isang hayop na hindi pa naipapanganak.
Stock market trading ang isang uri ng gharrar na ipinagbabawal sa Islam. Napakalaki masyado ng uncertainty sa stock market at ang pagbebenta ng halaga ng stock ay nakabase sa future earnings na hindi pa kinkita ng listed company.
Sa stock market, karaniwan ang 10 to 20 times valuation ng price to earnings ratio na nangangahulugang sa loob ng 10 hanggang 20 taon pa ito kikitain. Sa Islamic finance, napakarami pang puwedeng mangyari sa loob ng matagal na panahong ito at ang basehan ng pagbebenta ay sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Ito ay gharrar.
Ipinagbabawal din ang arbun o options sa Islamic finance. Ang arbun o option kontrata kung saan gusting bilhin ng kliyente ang produkto sa future. Magbibigay ang kiyente ng downpayment at babayaran niya ang balance sa future date na napagkasunduan. Kung magbago ang isip ng kliyente at hindi na tutuloy sa pagbili, hindi na niya mababawi ang downpayment.
Talamak ang arbun sa real estate industry. Nanghihingi ang mga real estate companies ng downpayment para sa kanilang ipinapatayong condominium. Sa anumang dahilan at magbago ang isip ng buyer, mawawala ang downpayment at mapupunta sa real estate company. Kung Islamic finance ang paiiralin dito, dapat maibalik pa rin ang downpayment sa buyer dahil walang ari-ariang nailipat sa kaniya.
Freedom from Al-Qimar and Al-Maisir
Qimar ay game of chance kung saan ang pagkamal ng kayamanan ay dailan ng paghihirap ng iba. Maisir ang kayamanang nakamtang di sinasadya kaya ito ay itinuturing na sugal. Kasama dito ang pangangarap na magkaroon ng kayamanan na hindi ito pinagtrabahuan o pinaghirapan. Ang pagkamal ng kayamanan dapat ay pinagpapaguran at para sa ikauunlad ng bawat isa.
Freedom from price manipulation and darar
Ghubn ang tawag sa difference ng manipulated price kung ibabawas ang fair price. Ito ang sobrang kita dahil sa panmamanipula, panloloko at pandaraya sa presyo. Labis-labis itong paraang ng pagkita sa pamamagitan ng panlilinlang.
Madalas itong nangyayari sa pamamagitan ng pagbenta ng isang bagay sa napakamahal na presyo dahil ang buyer ay mababa o kulang ang kaalaman sa produkto o serbisyong binibili. Ang perfect example dito ay ang VUL o investment-linked insurance na ibinebenta ng mga conventional insurance companies.
Hindi sinasabi ng mga agent ang mas murang alternatibo sa insurance at ipinagpipilitang ibenta ang VUL dahil mas malaki ang commission na kikitain at dahil ito rin ang pinopromote ng insurance company para lumaki din ang kanilang kita. Maituturing na ghubn ang bahagi ng commission na kinita ng agent.
Legal ang VUL. Pero tulad ng sigarilyo na legal din, pero hindi nakabubuti sa tao. Sa Islamic finance, binibigay ng seller ang makatarungang presyo at mahahalagang impormasyon tungkol sa produkto at serbisyo.
Profit and loss sharing
Money is not capital or asset – it is just a tool. Ang pera sa Islamic finance ay hindi asset kundi kasangkapan lamang. It is a tool to facilitate exchange, wala itong intrinsi value.
One has to bear risk of legal earning. Kinakailangang mag-assume ng responsibilidad at pananagutan kung papasok sa negosyo at investment. Kinakailangang may kaalaman ka rin sa mga pinapasok para mabawasan ang gharrar o uncertainty.
Return on funds invested is determined by how willing and capable a business person is to add value or absorb losses. Hindi sapat na aggressive investor or entreprenuer, kinakailangan haluan ito ng hard work at kaalaman para sigurado ang pag-unlad.
Rewards should be fruit of labor, not by chance, luck or hazard. Hindi iniiwan sa pagkakataon o suwertihan ang negosyo at investment sa Islamic finance at lalong-lalo nang ipinagbabawal ag pang-aabuso at pagmamalabis. Kailangan itong pinagpapaguran at pinananagutan.
Tugon sa pandemic
Imagine ninyo na maisakatuparan ang Islamic finance. Maraming mga negosyante, magsasaka, microenterprises ang makikinabang dahil kung may utang sila, hindi madadagdagan ito ng interest dahil sa pandemic. Hindi nila kasalanan at kagagawan ang pandemic pero sila lang ang papasan nito.
Ang pagkalugi ay hindi lamang mapupunta sa kanila kundi makikibahagi din ang mga bangko at mga creditors dahil sa profit sharing scheme. Kung ganito ang mangyayari, mas magaan ang magiging epekto ng pandemic lalong-lalo na sa mga low income households at mas mapapabilis ang ating pagbangon.
Kaya dapat nigyang prayoridad ng gobyerno ang paggawa ng IRR sa Islamic Banking Law. Kung saan nakasaad sa section 1 nito na ang bangko hindi magpapataw ng interest kundi susundin ang profit and loss sharing scheme.
Nakalagay din sa section 3 na maaring magtayo ng Islamic banking unit ang mga existing universal banks. Mapapabilis nito ang pagpapalaganap ng justice-based financing products.
Marami sa mga binigay kong examples ay legal at nakasaad sa batas pero ito ay nakakasama sa lipunan. Pinapakita nito na hindi lahat ng legal ay moral o ethical. Madami kasi sa batas natin ay base sa kapitalismo at free market economy na siyang dahilan ng napakalaking inequality hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Nangingibabaw ang ethics o tuntunin ng moralidad sa Islamic finance kaysa sa kakayahang kumita na siyang prayoridad ng conventional finance. Ang goal ng Islamic finance ay ang pagyaman ng lipunan; samantalang makasarili ang conventional finance.
Ako si Sir Vince, dito sa aming community garden, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent