was successfully added to your cart.

Cart

Islamic finance: Mas magandang alternatibo kumpara sa conventional banks

By September 23, 2019 Business, Microfinance

“Gamitin ang Islamic finance upang linisin ang problemang gumugulo sa international financial markets at conventional banking system,” ito daw ang pahayag ng Vatican ayon kay Mr. Hani Abbas Helmi AbdelAziz ng Dubai Islamic Bank. Siya ay nagging resource speaker namin nung nag-aral ako ng Islmic finance sa Dubai noong June 2019.

Ito ang pambungad niya sa amin at nanlaki ang mata ko sa gulat. Aaminin ko na hindi ko binigyan ng pansin ang Islamic finance dahil ang akala ko ay maayos ang mga prinsipiyo ng conventional banking and finance.

Naintindihan ko na sinabi ito ng Santo Papa dahil ang layunin ng Islamic Finance ay ang welfare of the whole society and a balanced approach to life. Sangayon ito sa iba pang relihiyon tulad ng Kristiyanismo, Budismi, Judaismo at iba pa.

Hindi asset ang pera

Bawal ang interest sa Islamic finance. Sa prinsipiyo nito, hindi asset ang pera dahil ang pera hindi nanganganak ng pera. Money cannot produce money.

Kapag ginamit lamang ito sa trade and commerce (kalakal at negosyo) saka lang ito kikita. Ito ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang interest sa pera.

Sa pagtingin ng Islamic finance, ang pera ay dapat asset-backed. Dapat may karampatang ari-arian maitutumbas sap era upang ito ay magkaroon ng halaga. Cash or money should be asset-backed.

Ang tawag sa pagiging asset-backed ng pera ay real assets. Nakikita, gumagana, napapatunayan at hindi kathang isip.

Nangangahulugang dapat may economic activity na nagaganap sa pamamagitan ng trade, commerce, participation and involvement. Inilagay nila ito upang mawala ang unpredictability ng economiya at makakaiwas sa mga investment speculations.

Naalala ko noong ako ay nasa kolehiyo sa Ateneo at kumukuha ng master’s sa AIM, ang laging sinasabi sa finance classes naming ay “cash is king!” dahil sa pagpapahalaga ng negosyo sa cash bilang asset. Sa punto de bista ng Islamic finance, mahalaga ang cash bilang liquidity dahil nagagamit ito as a mode of exchange and trade. Pero hindi “cash is king” in terms of profit.

Gamit ng pera

Sa Islamic finance, ang pera ay ginagamit lamang bilang means of exchange o pakikipagpalitan ng kalakal at negosyo. Ipinagbabawal ang pagtubo sa pera lamang dahil kinakailangang ito ay gaimitin muna sa economic activity na income generating bago ito kumita.

Kinakailangang ang pera ay gamitin sa mga bagay na kumikita tulad ng kalakal at negosyo. Ipinagbabawal na ito ay hahayaang matulog at hindi gagamitin sa mga economic activities.

Sa paniniwala nila, hindi maganda na magkaroon ng maraming perang nakatabi at hindi nagagamit sa economic activities. Ang tawag ditto ay cash hoarding.

Profit sharing

Ganito ang pagtingin ng Islamic finance sa profit o kita. Kinakailangang magkaroon ng kita kapag may economic activity tulad ng trade, commerce at negosyo. Mahalaga ding may participation at involvement din upang maging karapat dapat na makibahagi sa kita.

Sinasabi din ng Islamic finance na sa pamamagitan lamang ng maayos na napagkasunduang profit sharing scheme para kumita ng pera. Profit sharing is the only way to earn legitimate money.

Kaya sa halip na kikita ng interest sa pera, mark up o patong ang kikitain dito sa pamamagitan ng kalakal at negosyo. Upang maging fair sa isa’t-isa, pinagkakasunduan muna kung paano ang magiging hatian sa kita o profit sharing. Ito ay isusulat bago pa simulant ang economic activity.

May responsibilidad na kasama ang pagkakaroon ng kita. Ito ay dapat hindi lamang ginagawa sa pansariling kapakanan pero isinasaalang-alang ang benepisyo nito sa lipunan. Kasabay ng profit sharing ang risk sharing.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-charge ng malalaking fees sa mga customers dahil mahihirapan sila sa kanilang pamumuhay.

Participation and involvement

Mahalaga sa Islamic finance na may participation and involvement kapag ginagamit ang pera sa kalakal o negosyo. Binibigyang diin nito na ang pera ay dapat pinagtatrabahuan.

Sinasabi nito na kinakailangang magtrabaho para kumita ng suweldo at nang sa gayon ay matugunan ang mga pangangailangan. Dapat ang mga negosyante ay nagtatrabaho sa negosyo nila upang maging legitimate ang profit na kikitain.

Maging ang mga investors, dapat may participation at involvement sla sa pinasukang investment para maging legitimate ang profit nila dito.`Hindi puwedeng wala silang pakialam o gagawin at basta na lang makikihati sa kita dahil lamang sa pagbibigay ng kapital.

Malaki ang ibinibigay na pagpapahalaga sa dangal ng trabaho at pagiging tapat sa negosyo.

Risk sharing

Binibigyang diin din ng Islamic finance ang risk sharing kung saan ang mga nangangalakal, negosyante at investors ay kumukuha ng risk sa pinasok na economic activity. Ito ay dahil hindi pupuwedeng ang talo o panalo sa negosyo o investment ay nasa iisang panig lamang.

Dapat lahat ng actors ay may share sa profit and losses nito. Kung tutuusin, pareho ang prinsipiyong ito sa cooperative sector.

Riba

Ipinagbabawal ang riba o usury sa Islamic finance. Masasabing riba ang isang transaksyon kung ito ay may alinman sa mga sumusunod:

  • pag-demand ng premium bago pa masimulan ang negosyo
  • pagbabayad ng interest sa utang na nakabasa sa oras at hindi sa pamamagitan ng kalakal o negosyo
  • garantisadong pagbabayad anuman ang kalalabasan ng negosyo, kahit pa malugi ito

Ito ang basis kung bakit ang hindi pupuwedeng mapatawan ng interest ang utang. Sa katunayan, ang pinahihintulutang utang lamang sa Islamic finance ay yung mga 0% loans. Itinnuturing nito na “lawful injustices” ang mga loan na magiging due and demandable kapag nagging past due ito.

Gharrar

Ipinagbabawal din ang excessive uncertainty o gharrar sa Islamic finance. May pagkiling ito sa regularity, consistency at predictability ng mga transaksyon. Ang excessive uncertainty ay katumbas ng spekulasyon at sugal.

Ito ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang sugal. Hindi dapat ipinagsasapalaran ang pera sa negosyo o investment. Dapat ito ay pinagpaplanuhan nang Mabuti para mas maging predictable o sigurado ang kakalabasan nito.

Halimbawa, ipinagbabawal anito ang pagbebenta ng isang bagay na wala pa o hindi malinaw ang panghahawakan o short sale. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkakaroon ng tinatawag na bubble economy dahil ito ay “drawing” lamang.

Dahil dito, marami sa mga financial products and instruments ng conventional banking and finance system ang bawal sa Isalmic finance tulad ng futures at derivatives. Maituturing ding gharrar ang isang transaksyon kung ito ay ginawa nang may malaking pagaalinlangan (uncertainty) sa delivery and payment terms nito.

Pinapahalagahan ang pagkakaroon ng malinaw na transaksyon at usapan para maiwasan ang excessive uncertainty. Kaya napakahalaga na maging trustworthy, honest at may integridad kung papasok sa Islamic finance.

Maysir

Maysir ang tawag sa sugal, gambling o game of chance. Ito ay nangangahulugang nagkamal ng kayamanan dahil sa financial speculation. Ang ganitong klaseng gawin ay nagbibigay ng false hope.

Para sa Islamic finance, kung magaacquire ng property, dapat ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagtatrabaho, participation and involvement hindi dahil sinuwerte tayo sa buhay.

Qimar

Mahigpit ding ipinagbabawal ang ang pagpapayaman sa sarili at the expense of or misery of others. Yumaman ka at ang nagging resulta ay na-bankrupt ang kabilang panig. Ito ay itinuturing na deeply immoral sa Islamic finance.

Noong bata pa kami, kapag naglalaro ng sungka at jackstone, may tinatawag din kaming kimar. Marahil ito ay parehong konsepto pero mali ang naituro sa amin nito. Sa laro kasing ng sungka o jackstone, kapag nakuha mong lahat ang pamato ng kabila kimar ang tawag doon.

Ang nabigyang diin sa amin ay ang pagnanamnam sa pagkapanalo at hindi ang pagintindi na maling walang natira sa kalaro namin. Kaya siguro marami ang lumalaking makasarili dahil sa mga subliminal messaging ng mga larong ito.

Clear, fair and just financing

Makikita sa paliwang sa itaas na napakaganda ng Islamic finance. Ito ay malinaw, patas at makatarungan na paraan ng financing. Naalala ko tuloy ang karanasan ko sa conventional banking at na-confirm ang aking strategic decision na huwag nang pumasok sa utang at mag-focus na lamang sa equity wit focus on profit sharing, risk sharing, partnership and active participation.

Islamic banking

Marahil ang tanong ninyo ay kung paano gumagana ang pagpapautang sa Islamic banking gayong ipinagbabawal ang interest. Dahil hindi pupuwedeng kumita ng interest ang pera, sa pamamagitan lamang ng trade and investmet gumagana ang Islamic banking.

Gumagana ito sa pamamagitan ng buy and sell on installment concept. Ito ay kung saan bibilhin ng bangko ang pangangailangan mo sa negosyo at ibebenta niya ito sa iyo sa pamamagitan ng installment. Ang patong sa pagbebenta niya ay ibabase sa mapagkakasunduang profit and loss scheme nap ag-uusapan bago simulant ang transaksyon.

Halimbawa, gusto mong magkaroon ng bahay. Imbes na magbigay ng housing loan sa iyo, sa Islamic banking, bibilhin ng bangko ang bahay at ibebenta niya ito sa iyo sa pamamagitan ng installment over a period of time hanggang sa mabayaran mo ito.

Pinahihinutulutang magpatang ang bangko ng kita sa pagbebenta ng bahay sa iyo at diro siya magkakaroon ng profit. Sakaling hindi mo ito mabayaran lahat, ibebenta ng Islamic bank ang bahay at paghahatian ninyo ang mapagbebentahan. Maibabalik sa iyo ang perang naibayad mon a sa kanila.

Napakaganda, napaka-makatao at napakamakatarungan di ba?

Partnership

Sa negosyo, kung kinakailangan ng kapital para palaguin ito, papasok ang Islamic bank bilang partner at co-owner ng negosyo. Hindi loan ang gagamitin para magbigay ng kapital o pondo. Paiiralin ang profit and risk sharing schemes.

Not about capitalism

Ang maganda sa partnership mode ng Islamic banking sa pagpapalago negosyo ay dahil hindi kapitalismo ang ideolohiyang pinapairal. Sa kapitalismo, nakabase sa laki ng perang ipinasok ang magiging hati sa kita at lugi.

Pag-uusapang mabuti ang profit sharing scheme sa negosyo kapag pumasok sa Islamic banking. Ilalatag ang responsibilidad at obligasyon ng bawat panig. Aalamin kung aling panig ang may participation at involvement o yung nagbigay ng oras at effort; at ito ay bibigyang halaga sa pag-determine ng profit sharing ratios.

Taliwas ito sa kapitalismo dahil ang pagpapahalaga ay binibigyang diin sa participation and involvement at hindi lamang base sa laki ng perang ipinasok.

Loss follows capital

Malaki ang responsibilidad ng mga taong may pera sa Islamic finance. Dahil sila ang may mas nakararaming kayamanan, kailangang tanggapin nila ang pagkalugi ayon sa laki ng kapital na ipinasok.

May puso ang Islamic finance. Napakalaki ng puso nito.

Sa ganitong paraan, mabibigyang proteksyon ang mga maliliit na negosyante. Kasabay nito, mababawasan din ang pagiging greedy o ganid ng mga investors.

Pre-agreement

Kaya napakahalaga ng pre-agreement sa Islamic finance. Sinasabi nito na ang kasunduan ay dapat ginagawang masaya ang bawat panig na kasama ditto mula simula hanggang sa huli.

Tunay na solusyon sa pera

Pagkatapos ng tatlong araw na pag-aaral at exposure trip sa Dubai, lumuwag ang aking dibdib dahil sa bagong kaalaman kung paano magagamit ang Islamic finance para malutas ang maraming problema sa pera.

Sisimulan ko ito sa aking mga kumpaniya.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: