Isa sa top five financial goals ng pamilyang Filipino ang mapatapos sa pag-aaral ang mga anak. Itinuturing kasi natin itong life skill na makakapagbigay ng seguridad na magkaroon ng trabaho.
Parati akong tinatanong ng mga magulang kung ano ang magandang investment para dito, lalung lalo na ang mga maliliit oa ang mga anak. Marahil ayaw nilang matulad sa karaniwang gawain na kukuha ng loan upang may pang-tuition at pang matrikula.
Isang magandang option ang pagkakaroon ng rental property kung nasa mahigit sampung taon pa bago mag-aral ang anak sa kolehiyo. Nakapagbibigay kasi ito ng regular cashflow buwan buwan na maaring gamitin sa pag-aaral ng anak.
Siyempre, magumpisa muna sa paggawa ng market research sa gagawing rental property. Tapos huwag kakaligtaang sundin ang aking 3-20-20-20 housing rule.
Magandang option ang Modified Pag-IBIG savings 2 (MP2) para dito. Ang suggestion ko ay magbukas ng isang separate account kada taon sa susunod na limang taon. Pagdating ng 6th year, i-rollover lang ang magmamature na MP2 account para mag-compound at may taon-taong aasahang magmamature na account na siyang gagamiting sa pag-aarap ng anak.
Kailagang intindihin ang mechanics ng MP2. Kung handa na, magbukas agad ng account para makapagsimula.
Government bonds
Another option ang government bonds. Usually, mas mataas nang di hamak ang returns na makukuha dito kumpara sa time deposit sa commercial banks. Intindihin kung paano ito gumagana bago magbukas ng account para dito.
Rural bank time deposits
Isang option din ang long term deposit sa rural banks. Make sure na ang term ay >5 years para tax-free. Hanggang PhP500,000 din lang ang ilagay para siguradong covered ng PDIC. Humanap ng malapit na rural bank sa inyong lugar, gamit ang listahan ng mga rural banks.
Mutual fund at unit investment trust funds
Payag ako na sa mutual fund or UITF ilalagay ang investment pampaaral sa anak kung ito ay ilalalagay sa bond fund o money market fund lamang.
Alamin ang iba’t ibang funds sa mga pooled funds pati na rin ang steps sa pagbubukas ng mga accounts na ito.
Treasury bills and time deposit from commercial banks
Kung within one year mag-aaral na sa kolehiyo ang anak, I suggest na maglipat na from long term investment accounts to short term investment accounts tulad ng treasury bills at time deposit sa commercial banks, kung kinakailangan.
Liquidity na ang habol mo sa stage na ito dahil malapit na ang panahon ng pangagailangan. Ang mahalaga ay ma-secure ang amount na na-accumulate over time kaysa sa tsansa na ito ay mapapalago pa.
Time deposit sa kooperatiba
Ok din maglagay ng time deposit sa kooperatiba basta siguruhing ito ay matatag. Iwasang ilagay lahat ang investment para sa education dito dahil hindi guaranteed ang savings sa mga ito.
Aralin kung paano kumilatis ng matatag na kooperatiba para mas secure ang investment. Make sure na pasado sa COOP-PESOS.
Negative list
Napakahalaga ng edukasyon kaya ang investment para dito, unang-una ay secure. Kaya in my opinion, ilalagay lang dapat ito sa mga investments na sigurado ang capital preservation.
Given that, iwasang ilagay sa balanced at equity fund ng mutual fund or UITF ang investment for education. Ang mga funds kasing ito ay nagfa-fluctuate.
Lalong-lalo kong dinidiscourage ang stock trading. Kapag dinatnan ka ng panahon na kailangan na ang pera at down ang market, maaring malugi at masasakripisyo ang pag-aaral ng anak.
Maski corporate bonds ay medyo hindi ko pinupush. Malayo kasi ang stability ng government bonds kumpara sa corporate bonds. Kung papasukin ito, piliin ang mga bonds ng blue chip companies.
(Read: Stock Market 101)
Hindi rin angkop ang share capital investing para sa pag-aaral ng anak. Hindi kasi liquid ang share capital na ito. Makukuha mo lang kung iteterminate na ang membership sa kooperatiba.
Diversify
Mas maganda kung hindi concentrated sa iisang klase ng investment ang paglalagyan ng education fund ng anak. Kung kaya at mas sulit ang kalalabasan, pumili ng ilan sa mga investment options na ibinigay ko sa taas.
Importante pa rin ang pagpaplano, pag-iipon at pag-iinvest nang maaga. Mas magaan itong gagawin kung maagap magsimula.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent