was successfully added to your cart.

Cart

Investments para paghandaan ang future ng iyong anak

Sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa panahon ngayon, marami ang nangangamba sa future ng kanilang anak. Bawat magulang gustong magkaroon ng matagumpay at maayos na pamumuhay ang kanilang mga anak na malaya sa kahirapan.

Nagsisimula sa pagbubuntis ang paghahanda para sa future ng anak. Ito ang pinakamagandang simula ng pagpaplano at paggawa ng aksyon para siguradong magampanan ang responsibilidad bilang magulang.

Term insurance para sa mga magulang

Ang mga magulang ang may responsibilidad at obligasyon sa kaniyang mga anak bilang breadwinner o provider sa kanila. Napakahalagang masiguro ang source of income na ito anuman ang mangyari kaya napakahalaga na life insurance coverage ang mga magulang.

Term insurance o traditional life insurance ang dapat kunin ng magulang katumbas ng 10 taong kita para masiguro na sakaling may masamang mangyari sa kanila, may maiiwang pera para sa anak. Ito ang gagamitin upang hindi mamroblema sa pagkawala ng source of income.

Gawin ang Buy Term Invest the Difference strategy at huwag bumili ng insurance na may kasamang investment o yung tinatawag na variable universal life. Ang life insurance ay para sa mga may dependents kaya hindi kinakailangang ikuha ng life insurance ang bata, magulang dapat ang meron nito.

Health insurance para sa pamilya

Isa sa mga malalaking gastusin ang pagkakasakit at hospitalization. Maaring maubos ang savings o kaya ay mabaon sa utang dahil dito.

Para maiwasan ito, kumuha ng health insurance na covered ang pamilya. Pagkasilang ng sanggol, idagdag siya sa coverage ng family insurance. Mas makakatipid kapag ganito ang ginawa kaysa kumuha nng tig-iisang insurance coverage ang bawat miyembro ng pamilya.

Long term expenses

Ang pinakamalaking gastos at prayoridad ng magulang na paghandaan para sa kaniyang anak ay ang pag-aaral nito sa kolehiyo. Kaya mainam na pagkasilang pa lang ng anak ay umpisahan na ang pagpaplano dito. 

Ito ang mga investment options para sa pag-aaral ng anak: rental property; Pag-IBIG MP2; government bonds; rural bank time deposits; money market fund o bond fund ng unit investment trust fund o mutual funds; treasury bills and time deposits from commercial banks; at time deposit sa kooperatiba.

Isa ding malaking long term expense ang gastos sa pagpapakasal. May mga magulang din na gustong mabigyan ang kanilang anak ng sariling bahay at lupa, at sasakyan. In my opinion, ang mga ito ay optional na lamang at ang pinakamahalaga ay ang pag-aralin ang anak.

Para sa mga ito, puwede ring gamitin ang mga investment options sa itaas pero siguraduhing nakahiwalay ito para hindi maghalo sa primary purpose – para sa pag-aaral ng anak.

Short term expenses

Kasama sa short term expenses ang matugunan ang basic needs ng anak tulad ng pagkain, damit, tirahan at basic education. Para dito, kinakailangang may sapat na source of income ang magulang panustos sa mga ito.

Active income at passive income ang maaring source of income. Marami sa mga millennials ngayon ang pinipili ang magkaanak later in life dahil gusto nila ng mas mahabang panahong makaipon at makainvest para may sapat na source of income.

Magbukas ng savings account para sa pang-araw-araw na gastusin ng buong pamilya. Dapat din ay may sapat na emergency savings na katumbas ng 9 na buwang gastusin. 

May iba pang short term expenses kaugnay ng anak ito ay ang bakasyon, coaching classes at skills development. Para sa mga ito, magtabi ng ipon sa savings account para hindi mabigla sa paglabas ng pera kapag schedule na ng bayaran.

Strike a balance

Pumili ng investment na secure at nagbibigay ng kita na mas mataas pa kaysa inflation.

Matinding responsibilidad ng magulang ang mga anak at dapat tuparin ang responsibilidad sa kanila. Habang ginagawa ng magulang ang paghahanda ng future ng anak, hindi dapat nila kinakalimutan ang kanilang sariling future. Dapat maglaan separtely ng pondo o investment para sa sariling retirement

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: