was successfully added to your cart.

Cart

Have a Question?

    Your Name (Required)

    Your Email (Required)

    Mobile Number (Required)

    Subject (Required)

    Your Message (Required)


    Read Terms and Conditions

    Pag-usapan natin ngayon ang tungkol sa retirement.

    Hindi lang ito tungkol sa pagtanda o pagtigil sa trabaho—kundi kung paano natin paghahandaan ang panahong ‘yon. At para may konting kredibilidad naman ako sa usapang ito, let me share—naachieve ko ang financial retirement ko at age 31. Oo, mga KaSosyo at KaNegosyo, 31 lang!

    Paano? Simple lifestyle.

    Kung magkano lang ang gastos ko noon PhP50,000—per month noong 2009, inaadjust ko lang for inflation taon-taon (PhP109,000 ang equivalent ngayong 2025 at 5% inflation rate).

    Hindi kailangan ng magarbong buhay para masabing ready ka na sa retirement. Ang importante, kaya mong mabuhay nang hindi umaasa sa full-time work.

    Kaya kung ikaw eh may 10 to 15 years pa bago mag-retire, aba eh kaya pa ‘yan! Pero kung 8 months na lang? Naku, baka kailangan na nating mag-dasal at gumawa ng milagro. Pero seryoso, kaya natin i-assess kung paano natin haharapin ‘to.

    Ano nga ba ang retirement?

    Ito yung phase ng buhay natin na titigil na tayo sa full-time work.

    Yung tipong “Pagod na ako. Tama na. Pahinga naman.” Kaya nga nung pandemic, ang daming naka-amoy ng semi-retirement dahil sa work-from-home.

    Sa Pilipinas, ang mandatory retirement age is 65. Pero may option din na mag-retire at age 60. After that? Pwede pa ring magtrabaho—pero usually consultant na.

    At this point, we live off our savings, investments, pensions, and other financial resources.

    Ang hamon: Action plan at automation

    We’ll have to define your retirement goals.

    Tapos, iestimate natin ang retirement expenditures niyo—meaning magkano ang kakailanganin niyong gastusin buwan-buwan.

    Ima-match natin ‘yan sa income requirements. Kung ito ang gastos mo, eh saan manggagaling ang income para riyan?

    Ito na ‘yung pinaka-crucial: Gagawa tayo ng action points.

    Pero hindi lang basta listahan ‘to. Kailangan may system.

    At ang system? Dapat automatic.

    Hindi ‘yung tuwing sahod pa lang, nag-iisip ka kung mag-iipon o hindi.

    Nope.

    Dapat parang tax. Bago mo pa mahawakan ang sweldo, bawas na agad.

    Ganun din dapat ang retirement savings mo—automatic transfer.

    Kaya kung ang sweldo mo eh sa banko dumadaan?

    Set-up ka na ng automatic scheduled transfer para hindi mo na iniisip. Deretso ipon.

    Ang dalawang phases ng retirement:

    1. Accumulation PhaseIto ‘yung panahon ng pag-iipon at pag-iinvest.Oo, may SSS tayo—pero maliit lang ang tulong niyan.
    2. Distribution PhaseIto na ‘yung panahon ng pag-wi-withdraw sa investments at savings.Kailangan dito ng matinding financial planning:
    • Magkano ang magiging gastos sa future?
    • Paano natin i-ma-manage ang savings?
    • Saan ilalagay ang investments?

    Retirement is not the end—it’s a new beginning. Pero para maging maganda ang simula, kailangan handa tayo.

    Tandaan:
    Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

    Ako si Sir Vince,
    financial guro at your service.

    USEFUL RESOURCES

    Sources of information and practical tips on money management

    Different kinds of investments

    Preparing for retirement

    How are articles on retirement

    1. 10 Commandments of retirement
    2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
    3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
    vincerapisura.com


    Watch videos on money management

    Watch Usapang Pera episodes

    Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

    vincerapisura.com


    Get in touch with Sir Vince

    Message Sir Vince through FB messenger

    Send an email to Sir Vince

    Like Vince Rapisura page

    vincerapisura.com


    Join online groups of Sir Vince

    Join Usapang Pera Group

    Join Sir Vince blog newsletter

    vincerapisura.com


    vincerapisura.com


    Leave a Reply

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.