Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!
Lahat tayo ngayon ay bugbog at apektado sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market. Dahil ang gasolina ay mahalagang sangkap sa ating supply chain at transportation, nagkakaroon ito ng domino effect kaya lalong tumataas ang presyo ng ating mga bilihin. Kaya hindi ako magsasawang ipaalala sa inyo ang rule natin ngayon: Do not splurge dahil may oil surge!
Pero alam niyo ba na sa kabila ng hirap, mayroong mga oportunidad na lumalabas sa panahon ng krisis? Tinuturo sa management na if there are threats, you can actually convert those threats into opportunities. Sa panahon kasi ng krisis, marami sa ating mga kababayan ang nagigipit at nangangailangan ng pera, kaya ibinebenta nila ang kanilang mga ari-arian o assets para mayroon silang panggastos. Ang tawag natin dito ay distressed selling of assets.
Dito pumapasok ang oportunidad para sa atin na bumili ng mga assets—tulad ng lupa, secondhand na sasakyan, o kahit mga produktong agrikultural—sa mas mababang halaga. Pero mayroon akong napakahigpit na rule kapag tayo ay bibili ng mga distressed assets: Huwag natin silang babaratin!
Sa pag-iinvest, kailangan pa rin nating maging makatao. Sabi ko nga, “Do not enrich yourself with the misery of others”. Bawal nating ikayaman ang paghihirap ng iba.
Paano ba ang ethical investing sa ganitong sitwasyon? Bigyan ko kayo ng dalawang halimbawa:
Una, dahil napakamahal ng gasolina ngayon, nababalitaan natin na may mga magsasaka na hinahayaan na lang mabulok ang kanilang mga ani sa farm. Kasi kung gagastos pa sila sa napakamahal na transportation para madala ito sa palengke, mas malulugi pa sila. Kung tayo ay may kakayahan, puntahan natin sila at bilhin ang kanilang produkto sa maayos at makatarungang presyo. Ibawas lang natin ang transportation cost na natipid natin. Sa ganitong paraan, nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa farmer na hindi tuluyang malugi.
Pangalawa, maraming mga narepatriate na OFWs o nawalan ng trabaho ang nagbebenta ng kanilang mga naipundar na lupa o condominium. Kapag bibilhin natin ang lupa sa kanila, ibigay natin ang maayos na presyo—hindi sila nagbebenta ng palugi, at hindi rin naman tayo nag-ooverpay. Dapat bago pa mangyari ang krisis, mayroon ka nang “target price” sa isip mo para sa asset na gusto mong bilhin.
Pero siyempre, makaka-take advantage lang tayo sa mga oportunidad na ito kung tayo ay nakapaghanda bago pa dumating ang krisis. Ipon ang pundasyon ng investment. Savings discipline will always come first before investment discipline.
Hindi ka pwedeng mangutang para lang bumili ng distressed asset. Kung sinunod mo ang ating 5-10-85 budgeting rule (5% sa insurance, 10% sa savings, 85% sa expenses) at nabuo mo na ang iyong 9 months’ worth na emergency fund, magiging liquid o cash-rich ka. At kapag may opportunity na lumabas, mayroon kang mabubunot na cash para itake advantage ito nang hindi dumadagdag sa paghihirap ng iba.
Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent