was successfully added to your cart.

Cart

Gusto mo ba malaman ang pinakacool na tip sa pagbili ng sasakyan?

KaSosyo at KaNegosyo!

Nakakita na ba kayo ng brand new na sasakyan tapos naisip nyo, “Uy, gusto ko nyan!”? Siguro marami sa inyo ang nag-dream magkaroon ng bago’t kumikintab na auto, ‘di ba? Eto nga’t nagshare ako ng konting tips at insights na maaaring magbago sa pananaw mo sa pagbili ng sasakyan.

Kasi eto ang totoo – kung gusto mo talaga ng sulit at tipid, mas mabuti pang bumili ng sasakyan na second hand, lalo na kapag 3 to 5 years old na. Ang tanong, bakit?

Dahil ang mga brand new na sasakyan, madali itong mag-depreciate. Meaning, mabilis bumaba ang value. Let’s say bumili ka ng PhP1 milyong sasakyan. Paglabas mo pa lang ng casa, bawas agad ng PhP 100,000 sa halaga! Sa ikalawang taon, bawas ulit ng PhP 150,000! Sa loob lang ng limang taon, 61% ng value nawala na. Grabe ‘no?

Eh pano kung niloan mo pa? Iba pa yung interest na babayaran mo sa bangko. Tapos, may mga extra expenses ka pa sa maintenance, gasolina, parking, at insurance. Oo, maganda at amoy bago ang brand new na sasakyan, pero yung “amoy” ba worth PhP600,000? Hmm, think about it.

Kaya ang payo ko sa inyo, KaSosyo at KaNegosyo, kung hindi mo kaya bayaran ng cash ang sasakyan, baka hindi mo pa talaga siya afford. Pero okay lang yan, kasi may mga second hand na sasakyan na maganda pa at reliable. Tip lang, hanapin yung may low mileage para sulit na sulit!

Hindi ito tungkol sa pagiging kuripot, pero sa pagiging wise spender. Hindi masamang mangarap, pero mas maganda kung ang mga pangarap mo ay based sa reality at sa kaya ng bulsa mo. Hindi mo kailangan magpapogi o magpayaman-yamanan. Ang importante ay yung decisions mo ay for the best interest of your future.

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: