Required kang kumuha ng mortgage redemption insurance (MRI) kung kukuha ng housing loan sa mga commercial banks at sa Pag-IBIG. Ang MRI ay isang uri ng life insurance na nagbibigay protection sa mga tagapagmana ng borrower sakaling siya ay mamatay o magkaroon ng permanent disability habang hindi pa bayad ang housing loan.
Kahalagahan ng MRI
Ginagamit ang MRI para maiwasan ang tinatawag na distress selling of asset kung saan ibinebenta ang ang bahay sa murang halaga kung mamatay o ma-disable ang breadwinner na siya ring borrower. Hindi mawawalan ng bahay ang mga tagapagmana lalung-lalo na kung may dependents pa ang borrower.
Paano gumagana ang MRI
Karaniwang declining term ang mga MRI. Ibig sabihin, bumababa ang payout habang nababayaran ang loan dahil lumiliit na rin ang balanse ng loan. Kasabay nito, bumababa din ang premium payment over time sa declining term MRI.
Level term MRI ang tawag kapag pareho ang amount ng payout sa whole duration ng loan term. Dahil mas malaki ang makukuha kaysa declining term kahit na lumiliit ang loan amount balance, mas malaki din ang premium na ibinabayad dito kumpara sa declining term MRI.
Depende sa kontratang pinirmahan, ang payout ay maaring ibayad sa financial institution o kaya sa mga tagapagmana o beneficiaries ng borrower.
Paano magapply para makakuha ng MRI?
Sa Pilipinas, karaniwang kasama na ito sa kabuuang ng loan application process. Maari ding kumuha ng sarili mong mortgage redemption insurance kung may mas mura kang mahanap at katanggap-tanggap ito sa inuutangan mo.
Noong ako ay kumuha ng housing loan, sampung taon na ang nakalilipas, pinayagan akong gawin ito. Inassign ko ang aking term life insurance sa bangko at tinanggap naman nila ito.
Guide sa pagbili ng MRI
Noong huli kong icheck, nasa PhP1,000 to PhP1,500 per million ang mortgage redemption insurance.
Siguraduhing ang payout na kukunin ay sapat para mabayaran nang buo ang pagkakautang sa bangko para walang kailangang problemahin ang mga maiiwan sakaling may mangyaring masama sa borrower.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent