Ang hospital income benefit (HIB) ay ang matatanggap mong fixed amount kada araw kung ikaw ay nagkasakit o kaya ay na-admit o na-confine sa hospital ayon sa nakalagay sa insurance policy. Tulad ng critical illness, ito rin ay karaniwang rider sa mga life insurance policies.
Hindi health insurance
Contrary to what insurance agents usually make as a sales pitch, hindi health insurance ang hospital income benefit. Porke may word na hospital s produkto, health insurance na agad?
Ang HIB ay income replacement insurance. Papalitan nito ang dapat na kikitain mo sa bawat araw na hindi ka kumikita dahil sa pagkakasakit pagkakaospital.
Kailan dapat kumuha ng HIB
Kung ikaw ay breadwinner sa pamilya at magugutom ang mga dependents mo kung hindi kakikita sa mga araw na ikaw ay nagkasakit, kailangan mo ng HIB. Pero para sa akin, mas mainam na i-prioritize ang pag-iipon ng emergency savings para dito dahil mas mabilis mong magagamit ang sarili mong pera kaysa mag-antay pa ng claims processinng para sa HIB.
Very limited amount
Usually, nasa PhP1,000 to PhP3,000 per day ang hospital income benefit na ibinibgay ng 5 hanggang 365 days maximum na pagkakasakit o pagkakaospital. Kung itong amount na ito ang babasehan para i-cover ang health expenses kapag nagkaroon ng major illness, maliwanag na hindi ito sapat.
Treat as optional benefit
In my opinion, unahin ang pagbabayad sa PhilHealth kung health insurance ang habol mo at kung akala mo ay health insurance ang HIB. After that, kumuha ng emergency care insurance mula sa mga life at non-life insurance companies.
Kung kaya pa sa budget, kumuha din ng HMO para sa preventive health care protection. Kapag may history ng isang major illness, maganda ring kumuha ng critical illness coverage.
After all this, at may pera ka pa, puwedeng kumuha ng hospital income benefit. Pero kung ako sa’yo, mas maganda talagang ilagay na lang ang pambayad sa HIB pandagdag sa emergency savings mo.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent